EPISODE 49

140K 1.1K 61
                                    

Bernard's P.O.V.

"Gusto kong sa akin niyo mismo marinig," seryosong bulalas ni Art sa aming dalawa ni Jon. Nandito kami ngayong gabi sa aming bar. "Hihiwalayan ko na si Laura." At saka nilaklak ang isang baso ng scotch. Medyo nagbabaga ang kanyang mga mata. Halatang may kinikimkim na matinding galit na hindi niya mailabas.

"What the—" gulat na gulat na reaksyon ni Jon. Nakakunot-noong tinititigan ang kanyang matalik na kaibigan. "Ano bang nangyari?"

Imbes umimik kaagad ay nagpalagay ulit siya ng isang basong scotch sa bartender. Pinigilan ko naman ang sarili kong magsalita. Feeling ko kasi ay wala akong karapatan dahil bagama't magkabarkada kami ni Art ay hindi naman talaga kami kasing close nila ni Jon. Hindi ako sanay na karinggan siya ng malalalim at seryosong mga bagay sa kanyang buhay. Salitan ko lang na tinitingnan silang dalawa ni Jon at matamang nakikinig.

"Tapatin niyo nga ako?" pumipiyok na tanong ni Art sa aming dalawa ni Jon. Medyo tipsy na. Palibhasa, hindi sanay uminom. "Ano pa ba ang kulang sa akin, ha?" Medyo parang iiyak na siya, "Ibinigay ko naman lahat ah." At tuluyan na siyang umiyak. Medyo napapatingin ang mga customer na napapadaan sa pwesto namin. "Naging mabuting asawa naman ako at ama sa mga anak namin! Wala akong bisyo, wala akong babae, ibinigay ko lahat ang mga luho niya. Pucha! Ni minsan hindi ko nga siya binigyan ng sakit ng ulo at problema." Pinabayaan lang namin siyang magmaktol, "Pero bakit ganun? Bakit nagawa pa rin niyang gawin sa akin 'yun?!"

"Ang alin ba?" iritableng pagsingit ni Jon.

What's new? Medyo bumait na nga ang taong ito simula ng makapag-asawa siya. Pero nagsusungit pa rin kapag hindi agad nasasagot ang mga katanungan niya. Napaghahalatang naturalesa na niya ang pagiging masungit.

"I think she's having an affair."

"You 'think'? So, hindi ka sigurado?" si Jon pa rin.

"All indications are there, Jon," mangiyak-ngiyak na sagot ni Art. "Kulang na lang talaga ay ang mahuli ko siya sa akto. Sabi ng mga anak ko at ng mga katulong, parati na lang daw siyang umaalis ng nakapustura habang nasa trabaho ako. At pagkabalik niya, parati raw basa ang buhok na parang galing sa paliligo. Maaliwalas ang mukha na parang, ugh! Alam niyo na ang ibig kong sabihin. Sa sobrang curiosity ko sa mga sinasabi ng mga anak ko, sinundan ko siya kahapon at alam niyo ba ang nakita ko? Nagpunta siya sa isang massage parlor at sinalubong ng isang lalaki na inakap at hinalikan siya sa may pintuan. Nakapustura nga siya pagpasok doon at nung lumabas siya ay basa na nga ang kanyang buhok. Abot-abot ang kanyang ngiti na parang may ginawa silang milagro doon sa loob!"

"Tinanong mo na ba si Laura tungkol doon?" Nakapagtanong din ako sa kanya sa wakas.

"Oo, pero iniyakan niya lang ako at nag-walkout. O hindi pa ba mukhang guilty 'yon?" Wala na, medyo lasing na nga itong si Art. "Hindi niya siguro inaasahang madidiskubre ko rin ang mga kalokohan niya. Pero you know what? Plano kong hulihin na siya sa akto ngayong gabi. Matapos na sa kung matatapos ang aming pagsasama!" Lumagok ulit ito ng isang basong scotch bago humingi pa sa bartender ng refill. "We have to settle this once and for all. T-ngina niya!" First time ko siyang naringgan ng pagmumura. "Kung alam ko lang na kaliwete siya eh 'di sana si Patricia na lang ang pinakasalan ko at hindi siya!" nanginginig na sinabi niya, "And you know what? 'Yun mismo ang sinabi ko sa kanya kaninang umaga." Tatawa-tawa itong medyo napipikit-pikit, halatang lasing na. "Ma-insecure sana siya para mahiya naman siya sa kanyang balat sa pangangaliwa niya. Nakakainis kasi! Ayaw pang umamin. Huli ko na nga siya, ayaw pang umamin?! Pucha! Mas minahal ko siya kaysa kay Patricia na 'di hamak na mas matagal kong nakarelasyon. Tapos ganito lang pala ang isusukli niya sa akin? T-ngina! Mahal na mahal ko siya tapos gag*guhin lang pala niya ako?"

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon