EPISODE 30

189K 1K 55
                                    

Third Person's P.O.V.

"Ahhh! Faster you freak!" sigaw ni Melanie sa kanyang katalik ng dog style. "Ano ba, Mike? Is that all you got?"

"P-tang ina mo, palibhasa laspag na ang rambutan mo kaya wala ka nang maramdaman!" nayayamot na sagot ni Mike.

"P-tang ina mo rin, ang sabihin mo, maliit lang ang karagada mo. Walang-wala sa kargada ng best friend mo!"

"You know what? That's it." Hinugot ang kanya, "Mamatay ka sa pagkabitin, t-ngina ka!"

Bumaba na ng kama si Mike at saka dali-daling nagbihis. Humiyaw at nagsisigaw naman sa inis si Melanie.

"Tatapusin mo ba ang inumpisahan mo? O ibubulgar ko kay Bernard na kasabwat kita para kuwartahan siya?"

Natigilan si Mike.

"O ano? Ano kaya ang mangyayari sa iyo kung malaman niya na ikaw ang nagnanakaw ng mga alahas ni Maggie? Na ikaw ang nagnakaw ng Rolex watch ni Bernard? Ang nagpa-carnap ng kotse niya at ang may pakana na i-blackmail siya? Or pwede ko rin namang sabihin ang katotohanan na hindi naman niya talaga anak ang panganay ko. Na pakana lang ito ng kanyang pinakamamahal na best friend slash bayaw para makakuha ng mas malaking halaga sa kanya?"

Humalakhak si Melanie nang unti-unti uling naghubad si Mike at sumampa sa kama.

Sa sobrang yamot ni Mike ay binuhat at ibinalibag nito si Melanie sa kama. Patuloy pa rin naman ang paghalakhak ng babae.

"Paano kaya, Mike? Paano kung malaman niya na ang halos kalahati ng mga naging nobya niya noon, kasama na ako, ay kinakana mo rin sa likod niya? Paano kaya kung malaman niya na kaya mo ipinagduduldulan si Maggie sa kanya ay dahil akala mo'y maaambunan ka niya ng grasya through her. Paano kaya kung malaman niya na ang panganay ko ay anak mo at hindi niya! Na ikaw talaga ang kumuha ng sex videos namin sa apartment ko. Na ikaw ang—"

"Will you shut up?"

Dinapaan niya si Melanie at bwisit na bwisit na muling inumpisahan itong galawin.

"M-Mike!" ungol ni Melanie. "I really like it when you're frustrated. Mas gumagaling ka. Mas madiin. Mas brusko. Mas rough. Oh, I really like it!"

"You will shut up or I'll have to find a way to shut you off for life!" malamig na sambit ni Mike na may kasamang matatalim na tapon ng tingin.

Namutla sa takot si Melanie. Bumalikwas siya at dali-daling lumayo kay Mike. Napangisi lang naman si Mike sa inasta ni Melanie.

"Ano, Melanie? Kung gusto mo, sabihin mo na rin sa kanya kung bakit nawawala na lang na parang bula ang tinutukoy mong mga nobya niyang kinana ko kamo."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Tumayo ito at nilapitan si Melanie na umaatras naman sa bawat hakbang ni Mike. Walang alam si Melanie sa mga inilahad ni Mike.

"Pasalamat ka at may anak ako sa 'yo kaya humihinga ka pa ngayon."

"B-bakitm Mike? A-anong ginawa mo sa kanila?"

Parang demonyo. 'Yun ang tingin ni Melanie sa inaasta ni Mike.

"Ano sa tingin mo?"

"Pinatay mo ba sila?" nanginginig na tanong ni Melanie.

Hindi niya sinagot ang tanong ni Melanie. Binigyan lang niya ito ng creepy look.

"Mamili ka, Melanie. You will pull our plan off or I will have to shut you off? Wait until makapanganak si Maggie bago ka pumayag sa DNA testing. I will make sure to get that child's DNA sample so we can do the switch. Do your part, I'll do mine. Or else—"

Hindi na nakapagsalita si Melanie.

"I will unite you with his missing exes."

[ITUTULOY]

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon