EPISODE 13

243K 1.4K 15
                                    

Bernard's P.O.V.

Tuwang-tuwa ako ng makumpirma namin sa OB na buntis na nga si Maggie. Dahil doon, pinlano na naming mabuti kung paano namin ito sasabihin sa pamilya niya. Binanggit ko sa kanya ang pag-uusap namin ni Mike at ang plano kong samahan ito na puntahan si Claire sa Davao.

Parang gulat na gulat si Claire nang makita niya kami ni Mike. Hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan niya pero halata na ang pagdadalang-tao niya. Pinabayaan ko na lang muna silang magkasarilinan doon sa sala habang ako naman ay nagliwaliw muna sa hardin.

Makaraan ang kalahating oras, lumabas na rin sa hardin sina Claire at Mike. Magka-holding hands na sila kaya hindi ko na kinailangang tanungin kung okay na sila. Ang tanong ko na lang eh...

"So, paano? Anong plano?"

"Ah, eh, pare." Kumakamot sa ulo niya si Mike. "Magpapaiwan na muna ako rito. Tutulungan ko lang si Claire na mag-empake para maka-uwi na ulit kami sa Manila sa makalawa."

"Thank you, Bernard," sabi naman ni Claire.

"Walang kaso 'yun, ang mahalaga okay na kayo. Basta tawagan niyo lang ako sa kahit anong tulong na kailangan niyo sa paglilipat."

Nagkayakapan kaming tatlo bago ako bumiyaheng mag-isa sa eroplano pabalik ng Manila. Sabik na sabik na akong umuwi. Nag-text kasi si Maggie na nasa condo siya at may sorpresa raw siya para sa akin. Pagkapasok na pagkapasok ko sa condo ay bumungad na sa akin ang mabangong amoy ng niluluto niya.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Dali-dali akong nagpunta sa kusina pero wala siya doon. Sa slow cooker lang pala nagmumula ang aroma. Nagluto siya ng caldereta? Yum! Pero nasaan kaya siya?

Papalabas ako ng kusina nang maka-receive ako ng text.

Maggie: In the bathroom. Now. Please come in naked.

Holy Molly. Ano kaya ang gimik ng mahal ko ngayon? I can't wait.

Tulad ng request niya, naghubo't-hubad na ako. Dahan-dahan kong binuksan ang banyo kung saan sumalubong kaagad sa akin ang aroma ng scented candles. Amoy chocolate ang mga ito.

Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang nakahubad na si Maggie. Nakaupo siya sa stool. Nakabuka ang kanyang mga hita bagama't nakataklob ang mga braso niya sa kanyang mga dibdib at prinsesa habang nakatuon ang mga kamay niya sa gitna. Nang-aakit ang expression ng kanyang mukha habang nakatayo ako roon na nakatulala.

[ITUTULOY]

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon