EPISODE 44

163K 1.3K 91
                                    

Bernard's P.O.V.

Alas-siyete na ng umaga pero mukhang tulog pa ang lahat. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dahil sa pagpupuyat namin kagabi ay tiyak na tatanghaliin ang lahat sa paggising. Pero iba ako, early riser talaga ako kahit puyat. Hindi ko alam kung bakit pero ganun na talaga ako sapul sa pagkabata.

Actually, kanina pa akong alas-sais gising. Pero mas minabuti ko na munang magbabad sa kama habang tinititigan ko sa pagtulog ang napakaganda kong asawa. Syempre, kasama na rin ang pagsulyap ko sa napakaguwapo kong anak na si Andre.

Ang cute talaga ng anak ko. Nakuha niya ang kutis niya sa kanyang mommy. Makinis siya at mistisuhin. Pero lahat sila, maging si Maggie, ay nagsasabing mas kamuha ko talaga siya. I don't know if that's a good thing. But I sure hope Andre won't mind being my look alike when he grows older.

Ang sarap pagmasdan ng aking mag-ina. Si Maggie na tulog na tulog pa sa tabi ko at si Andre na nasa portable crib niya. Dati-rati, nananaginip lang ako na magkaroon ng isang masayang pamilya. Ngayon, heto na! Kaya naman wala na akong pagsidlan ng ligaya.

Ah! Makalabas na nga ng kwarto at makapag-brew ng kape. Baka sakaling kapag naamoy na ng mga katropa ko ang aroma ng kape ay magising na rin sila. Sayang naman kasi ang araw. Ang ganda-ganda pa naman ng view ng sunrise sa tabing dagat pero dahil lahat sila ay nakahilata pa ay nakapanghihinayang na hindi na nila ito nakita.

"Ohhh, Benj."

Shit. Mabuti na lang tahimik lang akong maglakad kung hindi ay makakaabala pa ako sa mainit na eksena sa kusina.

Lekat naman kasi itong si Benjamin. May kwarto naman sila, eh dito pa sila sa kusina umaariba. Pero kung sa bagay, ganito naman ang talaga ang Sex Trip niya. Ang gusto niya ay 'yung nasa sulok lang ng kung saan-saan. Hindi niya masyadong trip ang nasa kama at nakakulong sa kuwarto. Ang trip niya talaga ay ang makipag-ano sa mga lugar na alanganin.

Ewan ko dun, na-e-excite raw talaga siyang makipag-sex sa mga lugar na mas malamang na may makakita sa kanila. Exhibitionist ba kanyo siya? 'Yun nga. 'Yun nga siya. (Laughtrip)

Umuungol si Benj habang idinidiin niya ang kanyang sarili sa likuran ni Carmela. Kapwa silang nakatayong nagmimilagro sa isang sulok sa kusina, sa mismong gilid ng refrigerator. May mga saplot naman sila though nakalislis ang likurang bahagi ng lingerie ni Carmela.

"Benj, oh yes!"

Umungol lang si Benj.

"Grabe, Benj. I love it, oh!"

"I love you," bulong ni Benj. "I love you. I love you, Mitch."

Ops.

Uh-oh!

Yari ka, pare. Hindi si Mitch 'yan. (Laughtrip)

Nadinig ko ang paglagapak ng isang matinding sampal.

Patay! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko.

"Tarantatado ka, Benj! Anong Mitch?! Walanghiya ka!" Sabay tulak kay Benj at...

Sinampal ulit niya si Benj. 'Yung kabilang mukha naman.

Ouch!

"I-I'm s-sorry, hindi ko sinasadya."

"Anong hindi sinasadya?! Hayup ka!" Pinagssasampal siya nito.

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon