Kabanata 14

219 18 5
                                    

"Alam kong mali na magpanggap sakanya na okay lang ako kahit na ang totoo niyan, namimiss ko din siya. Sana nga hindi ako masaktan sa sinabi ko sakanya."

Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi nerbyos at kaba lang. I can’t believe na bukas na ang Junior-Senior Promenade. Matapos ang lahat ng preprasyon at walang humpay na paghahanda namin, eto na, bukas na mangyayari ang pinakahihintay naming lahat. At hindi ko akalain na isa ako sa mga excited sa event bukas.

Meron pa din kaming pasok ngayon pero gaya nung mga nagdaan na araw, wala din kaming ginawa. Boring nga ulit kasi wala yung barkada para kausapin ako. Meron pa din silang practice ngayon eh, at dun pa din sa venue ng event. As usual, natulog ulit ako, naginternet sa cellphone, nakipag-usap sa ibang kaklase, at panay tambay sa canteen para kumain. Wala din namang magagalit na teacher samin kasi halos silang lahat busy doon sa venue ng event.

I checked my watch, almost dismissal na pero hindi pa din sila lahat dumadating. Siguro puspusan nga yung practice nila para sa cotillion, bukas na yun eh. Kahit na alam kong medyo matagal-tagalan pa sila, naghintay pa din ako  sa canteen ng mag-isa. Wala masyadong tao sa paligid. Almost second year highschool lang yung nandito. Kadalasan kasi sa mga first year high school, pagpatak ng dismiaal uwian agad. Hay, ganito pala ang pakiramdam na walang maingay na batch sa school niyo.

Di katagalan, merong tumabi saking lalaki. Alam kong si Kael yun. Patuloy pa din ako sa pagbabasa ng libro.

“Ready for tomorrow?” Tanong niya sakin. Iniangat ko ang ulo ko para sagutin ang tanong niya. Nakangiti siya pala sakin.

“Uh-huh” Sagot ko sakanya. Natuwa naman siya sa sagot ko. “Ikaw? Ready ka din ba for tomorrow?” Tanong ko naman sakanya

“Uh-huh” Sagot niya din sakin. Ginaya niya lang ang sagot ko kanina. I just rolled my eyes habang nakangiti. Si Kael talaga kahit kailan, napakakulit. Pero ang cute niya.

Naghintay ako ng ilang segundo bago siya magopen ng panibagong topic pero ni isang salita wala akong narinig galling sakanya. Alam kong medyo awkward na kung tignan yung sitwasyon naming dalawa ngayon kaya bumalik nalang ako sa pagbabasa ng libro. Sa totoo lang, hindi naman ako nagbabasa ng libro. Tinitignan ko lang para iwas awkward na din saming dalawa.

“Oh andiyan na pala sila” Gulat na sabi ni Kael. Iniangat ko naman ang ulo ko para tignan kung andiyan na nga ba sila; baka kasi nagbibiro nanaman siya. Pagka-angat ko, tama nga siya. Andiyan na sila. At masayang-masaya pa ang mukha nilang lahat. Yung mga third year highschool mukhang nakipaghalubilo na din sakanila. Tinignan ko silang maigi, meron akong hinahanap. Pero wala siya. Siguro hinatid pa niya si Alisa. Ilang araw na din pala kaming hindi nakakapag-usap ni Stephen, kahit nga bati ohi man lang galing sakanya wala kong narinig these past few days.

Lumakad palapit samin si Aubrey. Umupo siya sa tabi ko.

“Hi Kael” Sabi niya at agad na niwagayway ang kanyang kamay. Ngumiti naman si Kael sakanya. Ewan ko kung anong nangyayari dito. Makapag”hi” kay Kael akala mo kung sinong kaibigan lang. “Hi Nics” Sabi niya sakin.

“Ano bang nangyayari sayo? Para ka namang timang eh” Sabi ko sakanya. Agad naman siyang nagtaka sa sinabi ko.

“Nangyari? Wala naman ah,” Huminga siya ng malalim “By the way, meron kang hinahanap no?”

“Wala akong hinahanap” Diretsahan kong sagot sakanya. Si Kael naman parang takang-taka sa kung ano ang pinaguusapan naming dalawa ni Aubrey. Oo, inaamin ko na hinahanap ko nga talaga siya. Pero wala namang masama dun di ba? Wala namang masama kung namimiss mo ang bestfriend mo di ba? Masyado lang ata tong nilalagyan ng malisya ni Aubrey ang pagkakaibigan namin ni Stephen.

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now