Kabanata 3

759 59 17
                                    

Makalipas ang isang araw, may pasok ulit kami. Tinawagan ko siya na nauna akong pumasok pero sabi niya, huwag muna daw akong pumasok sa classroom, hintayin ko muna daw siya sa gate. At Makalipas ang tatlumpong minuto kong paghihintay, sa wakas nakadating din siya. 

“O sige. Bilisan mo na diyan at baka mahuli pa tayo sa unang subject.” Pagmamadali ko naman sakanya

"Teka-teka bakit ka ba nagmamadali? Anong oras pa lang oh? 6:55 pa lang oh. Eh 7:20 pa yung unang subject natin. Huwag ka namang magmadali Nica. Bakit sino ba pupuntahan mo dun sa classroom? Huwag mong sabihin na may crush ka dun?” At bigla naman siyang tumawa

“Napakamalisosyo mo talaga kahit kalian”

“Tsaka, nung habang natutulog ako nun, wala ka bang ginawang masama sakin?’ Pagbibiro niya ulit sakin

“Talagang ganun pa itatanong mo sakin ha. Ano akala mo sakin, kung sino-sinong babae nalang? Huwag kang mag-alala, wala akong ginawang masama sa’yo no!” Tumawa lang siya sakin.

Habang naglalakad kami papunta sa classroom namin, naalala ko ang nangyari nung nagkaroon kami ng Christmas Party for a cause. Nakalimutan kong ikwento sakanya at sa tingin ko eto na yung pagkakataon.

"Steph may kwento ako sa’yo. Last week pa ata nangyari ‘to kaya lang nakalimutan kong ikwento sa’yo. Kaya ngayon ko nalang ikekwento. May pinuntahan kasi kaming orphanage. Binigyan sila namin ng Christmas Party. At merong isang bata dun, ayaw na ayaw nang umalis sakin. Talagang kahit san man ako pumunta, hala panay sunod niya sakin, para bang ayaw niya na akong mawala sa tabi niya. Yung mga pinsan ko naman tawa lang ng tawa sakin. As in, ang saya-saya pa lang makatulong 'no?"

"Edi pwedi ka ng magnanay.? Hahahaha huwag kang mag-alala, bagay naman sa'yo eh"

"Ah ganun? Nakakailan ko na sakin ha?” Wala lang siyang ginawa kundi ngumisi nang ngumisi sa harapan ko. Pagkadating namin sa classroom, nagkatiyempo din na dumating na yung guro namin sa unang subject. Hindi na kami nakapagusap ni Stephen. Nakafocus na kasi ang isipan ko sa mga tinuturo ng guro namin.

Pagkatapos ng unang subject, nagkaroon na kami ng oras para makapagusap ni Stephen. Kasalakuyan kami ngayon nakaupo sa isang mesa. Siya na mismo ang bumili ng pagkain naming dalawa. Siyempre, libre niya. Habang wala pa si Stephen, madaming pumapasok na kung ano-ano sa isipan ko. Hanggang sa nakarating ang pag-iisip ko sa panahong nanliligaw si Stephen sa isa naming kaklase noon, Si Sarah. Hindi na ngayon nag-aaral dito sa Sarah pero isa yan sa pinakamabait at pinakamatalinong kaklase ko.

Flashback

"Siguraduhin mo lang na hindi ako papalpak dito Nica" Sabi sakin ni Stephen habang papunta kami sa isang lugar kung saan niya isusuperpresa si Sarah

Pagkadating namin sa lugar kung saan niya isusurpresa Sarah, natuwa naman siya sa ginawa  ko sa lugar. Ako kasi yung nagorganize ng lugar. Mistulang nasa isang fairytale si Sarah nito pag nakita niya yung lugar at siguradong akong sasagutin at sasagutin niya si Stephen.

"Grabe galing mo talaga Nics! Teka.. sasagutin ba 'ko nito ni Sarah?"

"Siyempre sasagutin ka niyan, huwag kang mag-alala kung nauutal ka sa mga sasabihin mo, andito lang ako sa likod ng mga kahoy na yan. Tsaka kung ako si Sarah, sasagutin talaga kita. Ako ba naman surpresahin ng ganito, naku! Ako na siguro yung pinakaswerteng babae sa mundo!"

"Talaga?"

"Oo! Huwag kang mag-alala. Tsaka huwag kang matense. Kelangan confident ka sa mga sasabihan mo. Para bang, mapapaniwala mo siya. Pero siyempre dapat totoo naman yung mga sasabihin mo sakanya"

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now