Kabanata 13

228 17 2
                                    

"But, you know, parang nakakagaan lang sa loob na merong personal na nagalok sayo na lalaki na maging prom date niya."

Dalawang linggo na bago sinagot ni Alisa ang alok ni Stephen sakanya bilang prom date niya. Kahit hindi naman niya gawin yun, sigurado din naman ako na sila din naman ang magiging couple pagdating ng prom. Napaisip ako na parang kahapon lang nangyari yun. Kumbaga, time flies so fast nga talaga. Kasulukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway,  wala din kasi kaming pasok. Busy kasi ang lahat sa paghahanda sa prom. Yung ibang estudyante naman, nagpapractice para sa cotillion na gagananapin sa sinabing event. Hindi naman ata coincidence yung nangyari kasi sa lahat ng barkada maliban sakin at kay Kael, kasali sa cotillion. Hindi na kasi pwede ni Kael, nakasali na kasi last school year. Yan din yung isa sa mga rason kung bakit nawalan ako ng gana nung prom last school year, nang dahil sa cotillion cotillion yan. Weakness ko pa naman ang pagsasayaw.

 "Oh bakit parang tulalang-tulala ka diyan?" Nabigla naman ako kung sino ang tumabi sakin. Si Kael lang pala. Totoo nga naman siya, nakatulala nga ako habang nagpapractice ang mga dancers ng cotillion. 

Napansin ko na tila yata kinakabahan siya sa bawat galaw na gagawin niya. Parang hindi siya komportable kung tignan ngayon. Parang may iba eh.

“Oh ikaw pala, Kael. Meron ka bang kailangan?" Tanong ko sakanya. Agad naman siyang napaisip sa kung ano ang isasagot niya sa tanong ko.

“Ahh.. ano.. Wala naman.. bakit masama bang samahan kita dito?” Utal utal na sagot siya sakin. Tutal, may point naman siya, ano nga ba naman masama kung samahan niya ko dito? Pero anyway, iba talaga yung paggalaw niya ngayon eh. 

“Hindi naman.. nga pala, kamusta na yung paghahanda mo sa prom? Okay ka na ba?” Tanong ko sakanya ulit. Parang may iba talaga eh. Parang kinakabahan siya na para bang hindi siya komportable sa pinanggagawa niya ngayon.

“Uhmm.. Okay naman.. ikaw? Okay ka na ba?” Balik-tanong niya naman sakin.

“Okay na. Maaga kasi kaming nakakuha ng damit ni Mama kaya hindi na kami masyaodng nahirapan pa” Sagot ko sakanya at agad na ngumiti.

“Uhmm.. Sigurado ka ba na okay na ang lahat?” Tanong niya sakin. Makikita mo naman sa mukha niya na para bang takang-taka siya sa kung meron bang kulang pa sa paghahanda ko o wala na. Sa pagkakaalam ko kasi, wala naman akong kulang. All set na lahat para sakin. Maliban nalang ang mga make up ko pero kahit na ganun, hindi ko naman dapat abalahin yun eh. Hindi naman kasi magiging problema yun. Pero tong si Kael parang concern na concern talaga sa paghahanda ko sa prom. Ewan ko ba dito.

“Parang wala namang kulang eh. Bakit sa tingin mo meron pa ba?” Tinignan ko siya sa kanyang mga mata habang sinasabi sakanya ang mga kataga. Tumitingin nga din siya, pero parang umiiwas naman. Ano bang nangyayari dito kay Kael? Naghihintay ako sakanya ng sagot pero iniiwas niya lang ang tingin niya sakin. May titingin siya sa mga nagpapractice ng cotillion. May titingin siya sa baba. May titingin siya sa kaliwa’t kanan. May titingin siya sa ibabaw. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari dito. Tapos ang lalim pa ng paghinga niya. Nininerbyos yata to eh. 

Hindi na ko makatiis kaya tinanong ko na siya kung ano ang nangyayari sakanya. “Hoy! Ano na? Teka, ano bang nangyayari sayo? Parang ang iba mo ngayon ah? May problema ba?” Tanong ko sakanya at agad naman siyang nagulat sa tanong ko. Meron ngang iba. 

“Ahh.. wala.. tsaka.. anong iba?” Pagmamaangan na tanong niya. Sus, tong si Kael. Akala niya hindi ko na nahahalata.

Nagcross-arms ako at tumingin sakanya ng masakit habang nakangiti. “Sige na, sabihin mo na sakin. Hindi naman ako magagalit eh.”

“Sasabihin? Yun lang naman sasabihin ko eh… yung… yung… ano nga ba yun… yung.. yung ano! Yung kinakamusta ka sa prom! Yun lang naman.” Utal utal niyang sabi. Hay naku. Mga lalaki talaga, kung saan huling-huli na, dun pa magmamaang-maangan.

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now