Kabanata 11

268 20 8
                                    

"Hindi natin alam ang future Nics, baka hindi natin alam na ngayon merong seed na tumutubo diyan sa puso mo. We wouldn't know Nics. Basta ako, I felt something wrong - na hoping soon magiging right ito"

Sabi ko nga, si Stephen minsan may pagkakulit din yan. Hay naku kung hindi na talaga siya sumuko kahapon na nagbibiro lang siya, iisipin ko na talaga na sinasaniban na siya ng mga kung ano-anong nilalayang.

Pagkatapos ng klase, umuwi kaagad ako ng bahay. Nagtext kasi sakin si Mama na meron daw kaming importanteng lakad. Kailangan ko daw umuwi ng maaga. Umuwi ako ng maaga kasi nagtaka ako kung anong importanteng lakad ang pupuntahan namin ni Mama.

Pagkadating ko sa bahay. Napatigil ako sa pintuan namin ng nasaksihan ko si Mama na nagaayos ng kanyang buhok sa harap ng salamin namin sa sala. Napakamot ng ulo naman ako sa nakita ko. And at the same time, napakamot din ako ng ulo dahil sa pagtataka.

Pumasok ako sa bahay.

“Ma, san ba tayo pupunta at nakabihis talaga kayo ng ganyan?” Tanong ko kay Mama

“At talagang wala kang alam kung saan tayo pupunta?" Balik-tanong naman sakin ni Mama. 

"Wala... bakit? San ba tayo pupunta ngayon?" Tanong ko ulit kay Mama. 

And for the firs time, nagroll ng eyes si Mama "Haynaku sa'yo Nica. In just a week, its your prom na! Kung hindi kami nakapagusap kanina ni Stephen, hindi ko talaga malalaman na prom niyo na. Buti nalang nasabi sakin ni Stephen. Alam niyo naman kayong mga girls, minsan ang hihirap niyong hanapan ng mga gowsn. Mas mabuti ng maaga kesa papatagalan pa natin ito." Sabi sakin ni Mama at bumalik ulit sa pagsuklay ng kanyang buhok sa harap ng salamin. Nakakainis talaga tong si Stephen, alam niya naman si Mama pagdating sa mga ganyan-ganyan, sinabi pa niya. I know na once a week nagtatawagan talaga silang dalawa pero hindi ko naman ineexpect na hahantong ang usapan nila sa prom-prom na yan which is hindi naman expected na ganun ang paguusapan nila. Usually kasi nilang pinag-uusapan is yung trabaho ni tita at tito (parents ni Stephen), kung kamusta na silang dalawa, kung kelan sila uuwi. Alam niyo naman si Stephen, kung lubos ka niyang kilala, sasakyan yan lang trip mo. 

"Si Stephen ma?" Kunwari hindi ko narinig yung sinabi kanina ni Mama

"Oo. Tsaka bakit? Anong masama kay Stephen?" 

"Lagot talaga yang Stephen sakin" Pabulong kong sabi sa sarili ko.

"Ha? Anong sabi mo Nica?" Pagtatakang tanong sakin ni Mama

"Ahh wala Ma"

"Mas mabuti nga ang ginawa ni Stephen kanina kasi habang maaga pa lang, makakapaghanda na tayo." Pagdedepensa ni Mama kay Stephen. 

"Sige po Ma, maghahanda nalang po ako sa itaas" Sabi ko kay Mama. Nakita ko naman siyang ngumiti sa salamin.

Umakyat ako sa itaas at nagsimulang magbihis. Nagsuot lang ako ng plain white shirt with collar, jeans, at doll shoes. Hindi ko naman ganun kahilig ang pumorma. Basta yung sakin, meron lang akong masuot, okay na 'ko. Hindi naman yun tipo na para bang hindi na plantsa ang damit mo dahil sa wala kang pakialam. Pero yung tipong, simple lang pero hindi nakakabastos kung tignan. 

Pagkatapos kong magbihis, bumaba kaagad ako. Hinanap ko si Mama sa loob ng bahay - sa sala, sa kusina at sa mga kwarto pero wala akong nakita. Lumabas nalang ako ng bahay baka sakaling andun si Mama na naghihintay sakin. 

Pagkalabas ko, hindi nga ako nagkakamali. Andun na ang sasakyan namin sa labas, nakaparada. Nagtaka pa 'ko nung una kung si Mama nga ba talaga yun o kung meron nanaman nagsanib na lalaking kaluluwa kay mama gaya nung pagdududa ko nung niloloko ako ni Stephen. Naglakad ako, sumilip ako sa bintana.

I Will Never Leave You [On-Hold]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora