38: That Question

11.4K 222 23
                                    

Chapter 38 is dedicated sa pinaka-active na admin ng page ng Sir, You're Hot, si Deb! Hi Admin Deb! Sana magustuhan mo 'tong chapter na 'to for you! :)

IF you want a dedication, post lang kayo sa page ng Sir, You're Hot. Click the external link :)

Rebecca’s POV

“Alam mo? Minsan, para tayong tanga. We both know that we love each other, but we just keep on avoiding each other as well. Ironic, right?”

                Hindi naman kulob sa lugar namin ngayon pero parang umaalingawngaw ang boses ni Railey sa tenga ko. Ewan ko, siya lang ang nakakapagpaganito sa akin. ‘Yung tipong kahit sabihan niya ako ng tanga, kikiligin pa rin ako. Damn.

                Hawak niya ako. Literally, at figuratively. Lahat na ng kung anong meron ako, parang sa kanya na lahat. Sa tuwing mapapatingin ako sa mata niya, hindi ko maiwasang hindi kiligin. Siya lang ang may ngiting makakareply ka kaagad ng pagkailang, o awkwardness, or others will say kilig.

                Ni hindi na nga ako nakasagot sa mga sinabi niya simula nang hilahin niya ako mula kay Sir Jael. Oo, hilahin, dahil nang pinatugtog na ang kantang dedicated sa akin, ay kinuha niya na ako. Possessive ka talaga. Kainis.

                “Ayoko nang maglaro, Rebecca.”

                “M-maglaro ng ano?”

                “Ng tagu-taguan.”

                Kumunot ang noo ko sa sagot niya, kaya naman tinanong ko ulit siya. “Hindi tayo naglalaro, Railey.”

                “Ang ibig kong sabihin, ayoko nang maglaro ng tagu-taguan ng nararamdaman. Masyadong pambata,” at pagkasabi niya nito, mas lalo niya akong inilapit sa sarili niya.

                Wala siyang pakialam kung maraming tao ang sumasayaw rin nang mabagal sa tabi namin. Mabuti na lang at medyo nakikisama ang ilaw kaya wala talagang tutukan ng mukha saming dalawa. Sa totoo lang, nagpapasalamat ako dahil graduate na ako, dahil hindi na ako mababato ng issue, technically.

                “Kaya ba nag-dedicate ka ng kanta para sakin?” sa buong moment na nahatak niya ako, ito lang ang straight sentence na nasabi ko. Naiilang pa nga akong tumingin sa kanya, halos ‘yung sapatos niya na lang ang nakakausap ko. Pero…

                Iniangat niya ang mukha ko at nagsalita siya, “Rebecca, I miss you.”

                Naging kakaiba ang pakiramdam ko nang sabihin niya iyon. Napako lang ang tingin ko sa sincere na mukha niya. Idagdag pa ang nag-complement na hair style niya sa kanyang mata. Sobrang perfect ng moment. Parang dalawa lang kami sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung anong isasagot ko o sasagot pa ba ako. Lahat ng pagkainis na nararamdaman ko sa kanya simula nang pasukan ay parang nawawala na. Sobrang… Sht. Mapapamura ka talaga.

                “I-I… I miss you, too,” napalingon ako sa gilid pero kinuha niyang muli ang tingin ko. Hinawakan niya ako nang mas mahigpit at inilapit pa sa kanya. Sa sobrang pagka-focus ko sa mukha niya, hindi ko napansing may tugtog pala.

// you say I only hear what I want to.
you say I talk so all the time so.

and I thought what I felt was simple,
and I thought that I don't belong,
and now that I am leaving,
now I know that I did something wrong 'cause I missed you.
yeah, I missed you. //

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now