36.1: Complicated?

12.5K 142 10
                                    

ANNOUNCEMENT:

Magkakaroon po ng meet-up lahat ng readers ko po, hehe. Uhm. This will be held on March 30, 2014 sa SM Megamall po. 1:00pm po. Please. Naglalakas loob na po akong sabihing sana sumama kayo if nasa Manila Area po kayo, or malapit sa lugar. Free bookmarks and stickers will be given away. Watch out for more updates! See you!

Comment below if you want to join us! :)

This one's a short update. Please bear with me. :)

Chapter 36.1: Complicated

Roxanne’s POV

 

“In order for you to catch the person’s heart, you must know his deepest secret.”

                Nasa loob ako ng clinic ngayon habang kausap ‘yung bagong nurse ng university namin. Mabait siyang kausap, at matino, pero hindi ko lang alam kung bakit may power siyang parang kaya niyang basahin ‘yung nasa utak ko. Oo, nandito lang ako para humingi ng gamot sa sakit ng ulo. Ewan ko ba kung bakit nang umupo ako sa upuan sa harap niya ay ‘yun agad ‘yung bungad niya sa akin.

                “U-Uhmm. Sir, gamot po sa sakit ng ulo ‘yung kailangan ko. Hindi advice,” sagot ko sa weirdong sabi niya sa akin. Nakasandal siya sa upuan na sobrang kumportable talaga siya. Ako naman, sing-awkward like no other ang feeling ko.

                Bahagyang kumunot ang noo niya, “You know what, I can see it in your eyes that you’re longing for love. That’s why I thought that you may be needing someone. Kaya ko nasabi ‘yon, because I just have strong instincts for that. I also felt that before,” mahinang sabi niya.

                Napalunok ako ng laway ng wala sa oras. Mas lalo atang sumakit ang ulo ko sa statement niya na parang puzzle sa lalim. I don’t know him that much to understand everything that he’ll say. I’m so confused. Ang alam ko lang, siya ang ipapakasal kay Chloe. Ergh. This is nakakaumay to death. Ewan, umaarte ang isip ko kapag nababanggit ko si Chloe.

                “S-Sir. May gagawin pa po kasi ako—“ bago ko pa matapos ang simple sentence na sasabihin ko, agad akong pinutol ni Sir.

                “Will you help me with Chloe? I always wanted to be with her. Although, I frankly told her that I am letting her go. But, I just can’t. I love her to the point that I’ll risk everything I have—“

                “Sir. Please lang. Hindi po ako taga-absorb ng drama niyo,” putol ko rin sa statement niya. Kainis eh. Ano bang mararamdaman mo kung kay Chloe mo ilalakad ‘yung isang tao. Hindi ba nakakaumay? Hindi ba nakakadiri? Of all people naman, bakit ang malanding ‘yun.

                “Yah, I know. You don’t know me. You don’t know us. I may be sound desperate for this, pero sana, you can help me. I am willing to help you in return,” he explained. Habang parang may isinusulat siyang ‘reseta’ kuno sa isang plain white paper.

                “Ano ‘yan?” tanong ko. Lumapit ako ng bahagya sa kanya para usisain ‘yung sinulat niya, pero hindi ko naman maintindihan. Cursive kasi sulat niya. Hindi clear.

                “Alam ko ‘yung weakness ng gusto mo. Weird, ‘di ba?” Mas weird talaga nung tinanong niya kung sino raw ang gusto ko. Kainis. How come? “He love playing with girls’ feelings.”           

                Nagulat ako. Si Sir Jael ba ang tinutukoy niya?  Sobrang random na ng nangyayari sa paligid ko, at sa sobrang kaweirduhan nito, ‘di ko na ma-take ang lahat. Napilitan na lang akong sumabay sa agos nito.

                “Confused? Roxanne? I am really sorry about stalking you this much. Gusto ko lang may makilala sa school na ‘to,” he answered all the queries inside my head.

                Ibig sabihin. Inistalk niya ako. Inistalk at inalam lahat ng mga bagay tungkol sa akin. But, how come pati pagkakaroon ko ng gusto kay Sir Jael, alam niya rin? Hindi ba OA naman ‘yon.

                Napahawak ako sa noo ko habang inilalahad niya lahat ng proposals niya, pero sa totoo lang, isa lang ang gusto kong malaman.

                “Paano mo nalamang may gusto ako kay Sir Jael?”

                “Because it’s too obvious. I accidentally saw you yesterday talking to him.”

                “So, you know my weakness kaya mo ako kinukuntsaba.”

                “Not really. ‘Yung kahapon, aksidente, pero ‘yung ngayon, I did some research.”

                “O-Okay. So anong gusto mong mangyari?”

                “I want Chloe to be mine. You’ll help me. Then, I’ll help you with Sir Jael.”

                “Why are you so confident na matutulungan mo ko kay Sir?”

                “Because he was my high school friend before.  I knew him and all his weaknesses. Certified womanizer siya. Right?”

                At mas lalo akong napanganga sa sumunod niyang sinabi.

                “The way he acts today reflects the man he was yesterday. So, be careful with him.”

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon