44: Tease Her Not

9.4K 214 48
                                    

Chapter 44

 

Roxanne’s POV

 

 “Tuod? Are you saying that to me? Baka kapag hinalikan kita, makalimutan mo na ang pangalan mo. Ah, pati pangalan ni Railey. You don’t say that to me.”

“Well, I must say, you’re weak. You still need to practice.”

 

                Hanggang ngayon ay echo pa rin sa kailaliman ng utak ko ang mga narinig kong usapan ni Ma’am Chloe at ng pinakamamahal kong si Sir Jael. Halos punitin na ang puso ko sa bawat mapanuksong salita na sinasabi ni Ma’am Chloe kay Sir Jael.

                Nagmamadali na akong lumakad papunta sa susunod kong klase. Hindi naman kasi pwedeng mag-dwell ako buong araw sa pagkahibang ko kay Sir Jael ‘di ba? Pwede namang maging part-timer lang na crush? ‘Di ba pwede naman ‘yun?

                Eh bakit may luha-luha effect, Roxanne? Bakit kinakausap ko na ‘yung sarili ko? B-bakit? :’(

                “Anong nangyari?” tapos may naramdaman pa akong kamay na humawak sa balikat ko. Pati ba naman multo hinahabol ako? Bakit naman kasi pati kamay ng humawak sa akin eh malamig? Please naman, tanghaling tapat pa lang po.

                At nang lumingon ako.

                Hindi ko na napigilang hindi umiyak, “Nurse Lee… Feeling ko talaga, outcast ako,” at halos masubsob na ako sa puting damit ni Nurse Lee at sobrang naki-FC sa kanya. Halos humagulgol talagaa ko at naramdaman kong basa na rin ‘yung sa may dibdib na part ng damit ni Sir. Puti pa naman naku.

                “Dahil ba ‘yan kay?” hindi niya tinapos yung sentence niya. Pero. Alam ko naman kung sino na ang tinutukoy niya.

                “Uh-huh.” At mas lalo pang lumakas ang iyak ko. Nakakahiya, mabuti na lang at tinulungan ako ni Nurse Lee maglabas ng sama ng loob. Pumasok kami sa loob ng clinic. Habang ‘yung kamay niya nasa balikat ko pa rin.

                May nakasalubong ata kaming nag-hi sa kanya, tapos ang narinig kong sabi niya lang, “Masakit raw ang ipin,” tapos naglakad na kami. ‘Di ko naman nakita dahil halos paa ko at sahig na lang ang nakita ko all this time pagkatapos na marinig ‘yung flirty conversation nila Ma’am Chloe at Sir Jael.

                “Wala na ba akong chance magkaroon ng magandang love life?” tanong ko pagkatapos kong mapaupo sa isang upuan sa tapat ng nurse’s station.

                “Lahat naman ng tao deserving para sa isang love life. Kaya lang, minsan, kailangan muna nating maghintay para roon. Hindi naman kasi overnight ang pagkakaroon niyan,” sagot niya sa akin habang inaabutan niya ako ng tissue.

                Pinunasan ko na ‘yung wrong timing kong luha bago nagsalita, “Nurse Lee. Minsan na lang po talaga ako magkaroon ng type. As in, umasa ako noon eh, kasi gumawa rin siya ang bagay na nagpaasa sa akin. Akala ko, same feelings lang. Pero, never ko namang naisip na pinapaasa niya lang pala ako. Nurse Lee… Nakakapagod pong maghintay,” :’(

                Sa hinaba-haba ng pagdadrama ko, tinawanan niya lang ako. “I-rewind kaya natin lahat ng sinabi mo sa akin dati, matatawa ka ba?” huminto siya at sumandal ng mas kumportable sa upuan niya.

                “Do not dwell too much with love. ‘Di ka pakakainin ng love na ‘yan. Your only consolation from that is at least, you realized that you are capable of loving.”

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon