40: Talk Dirty

11.8K 230 15
                                    

Chapter 40: Talk Dirty (to me)

Roxanne’s POV

 

“Apir!” bati ko kay Nurse Lee nang matapos ang programa. Sandali akong tumakas sa piling ng mga batchmates ko para puntahan siya sa labas ng venue. He’s not that kind of man that would shine among the rest, pero mapapansin pa rin talaga siya for his simplicity.

                Nakipag-apir rin siya sa akin kahit nararamdaman ko namang napipilitan lang siya sa d’on. Pagkatapos, napansin kong nilagay niya lang agad sa bulsa niya ‘yung kamay niya at huminga ng malalim.

                “Nurse Lee, salamat po ha? Alam ko namang corny at pang-fictional story lang ‘yung ginagawa natin pero salamat pa din. Alam kong magiging okay na si Rebecca. At alam kong dahil doon, magiging okay na rin kayo ni Ma’am Chloe.” Ngumiti ako na parang bata sa harap niya, pero simpleng ngiti pa rin ang sagot niya sa akin.

                “Alam mo, Roxanne, I’m not waiting for Chloe to come back. I just want her to be happy even if it means being without me.”

                Nalungkot ako sa narinig ko. Kasi. Kainis. May ganito pa bang tao? Daig niya pa ata ang mga martir sa tindi ng tama sa teacher na hindi naman worthy para pag-alayan ng gano’n na lamang. Kainis!

                “Sir, alam mo. Kalma ka lang.  Magkaka-love life ka rin, in God’s time. Hindi naman kailangang madaliin ang pag-ibig. Tignan mo ko,” Ang pag-ibig nga naman, hindi naman bagay na overnight makukuha. Bulong ko na lang sa sarili ko.

                “Paano ko magagawang kumalma sa tuwing and’yan siya?”

                “’Yan ang problema sa in-love, makita niyo lang ang tao, habol na agad kayo. Subukan niyong magpa-hard to get, para siya naman maghabol. See. Logic ‘yon Sir, logic,” kahit ‘di naman talaga ko sure sa sinabi ko kung tama ba ‘yun o tsamba lang.

                “I see. Everything’s noted. I hope you enjoy your night,” at bago pa siya nagpaalam ay nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi. “Good night,” bulong nito at tsaka siya umalis.

                Isang gabing madilim. Andito ako, naiwang tulala.

               

Jael’s POV

Umalis ako agad sa venue. Wala naman na kasi akong ibang gagawin. Pagkatapos magpapicture ng ilang estudyante sa akin, wala nang ibang lumapit sa akin.

                Natapos na ang party. Here, I was left hanging. Pumunta ako sa parking lot at hinanap ang single na motor ko. I wore my helmet at kinapa ang susi sa bulsa ko. Napansin ko, 11:11pm na ng gabi.

                Sasakay pa lang ako pero may humawak sa akin. “Sir,” malamig ang boses nito.

                Napakunot ang noo ko nang makita  kong nakasunod pa rin si Ma’am Chloe sa akin. “My friend, Jael, hindi ka naman ganyan dati. Uhhh. There must be something.”

                Nakangiti siya nang sabihin iyon sa akin. Ngiting tila ba nang-aasar. As if I care.

                “I don’t care what you think.” Ito ang maiksing sagot ko. Tuluyang sumakay na ako sa motor ko. Subalit mas nagulat ako ng hilahin niya na ako pababa. Hindi naman malakas ang pagkakahila niya, pero sapat na para kumbinsihin akong kausapin siya.

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now