tmb - 12

865 41 3
                                    

Ara's POV

2:30pm ako dumating dito sa dorm ng Lady Spikers, nandito na lahat ng players ng F2 Logistics plus recent players ng DLSU. Bakit kami nandito? Nagtext kahapon si Coach Ramil na may meeting daw ng 4pm kung saan kami nagt-training. Maaga lang kami nagpunta dito para sure na sabay sabay at walang mal-late.

"Hi Ate A! Long time no see!" bati sakin ni Kianna pagpasok ko sa loob.

"Baliw, kakakita lang natin nung isang araw." nakatawang sagot ko sakanya.

Yung iba ay aligaga sa mga laptop nila at paper works, may pasok na kasi ang mga ito tapos athlete pa kaya kailangan advance na naga-aral dahil minsan biglaang nagpapatawag si Coach ng training. Nakakamiss din ma-stress ng ganyan. Hahahaha.

"Wassup, Mother F." bati ko kay Ate Aby at umupo sa tabi nito, kaming mga players ng F2 lang ang chill dahil graduate naman na kami at nagpphone lang kami halos lahat dito.

"Sapsap, Ara! Hahahaha. Ano balita sainyo ni Yeye? Kumusta?" tanong nya sakin pero busy sya sa phone nya.

"Okay naman, Ate. Pero di pa nga nagttext sakin. Kaninang 12 pa dapat nakauwi yon galing sa Team celebration nya with Petron." sagot ko at naalala ko nanaman na wala pang kahit ni isang text si Yeye sakin ngayong araw.

"Baka naman nakatulog pagkauwi. Nakakapagod panigurado ang biyahe." sagot ni Ate Aby.

"Baka nga po." yun nalang ang sinabi ko at kinuha ang phone ko para magtext kay Mika.

To: Love

Hi love, nandito na ako sa dorm ng LS. Nakauwi ka na ba? Text mo ko ha. I love you!

Tinago ko na ang phone ko at binuksan ang TV. Palipat lipat lang ako ng channel hanggang sa naagaw ni Ate Cha ang atensyon naming lahat.

"Uy guys, nakita nyo ba yung tweet ng isang volleyball twitter account? May lilipat daw na player sa ibang team sa PSL." sabi ni Ate Cha.

"Talaga, Ate Cha?" tanong ni Kim at tumango ito sakanya.

"Reliable ba yan, Ate?" tanong ni Dawn habang busy sa pagsusulat ng kung ano man yon.

"Yes, Dawny. Ir-release daw bukas yung article tungkol dun eh." sagot nya.

"Baka kaya tayo im-meet ni Coach today? Magtatanong siguro kung isa sa atin ang lilipat ng team." pagsingit ko sa usapan nila.

"Baka nga. Pero, wala namang aalis diba?" tanong samin ni Ate Aby at tinignan kaming lahat.

Sabay sabay naman kaming umiling dahil sa pagkakaalam ko walang may gustong umalis ng F2. Home sweet home feeling to eh.

Bumalik na sa kanya kanyang gawain ang mga tao at di ko namalayang nakatulog na pala ako.

3:15 pm ginising ako ni Kim. Pupunta na daw kami sa gym dahil nagkayayaan na magkaron ng game. Nakakabored din naman kasi na tumambay lang sa dorm, lahat pa sila busy sa acads.

"Mukha kang nalugi sa negosyo." sabi sakin ni Kim pagpasok namin sa gym.

"Wala pading text sakin si Yeye." sagot ko at umupo sa bleachers. Tumayo naman sa harap ko si Kim

"Nandito tayo para maglaro. Katuwaan lang, wag kang KJ. Magttext din yun sayo mamaya." pagyaya sakin ni Kim at hinila na ako papunta sa court.

Naglalaro lang kami dito, pero hindi seryoso. Kumpleto kaming F2 Logistics players at hinihintay lang namin si Coach Ramil dahil malapit nadin namang mag-4pm.

"Guys." pagtawag ng isang boses sa atensyon namin. Si Coach Ramil.

"Hi Coach!" bati namin.
"Wasap Mr. Dimples!" syempre si Kim yan. Kulit talaga kaya palaging napapagalitan ni Coach eh.

"Haynako, Fajardo. Inggit ka kasi di kita dimples mo." banat ni Coach kaya tumawa kaming lahat. Napakamot nalang si Kim sa batok nya. Loko loko eh hahahaha.

"Pinapunta ko kayo kasi may announcement ako. Mahalaga to at ang iba sainyo magiging masaya sa sasabihin ko." paguumpisa ni Coach, kami naman nagsimulang magtinginan dahil hindi namin nag-gets kung ano yung gustong ipahiwatig ni Coach Ramil.

"May dalawang players ang gustong sumali sa team natin. Last week pa nila ito sinabi sakin pero kailangang tapusin muna ang conference bago ko i-announce sainyo." pagtutuloy ni Coach.

"Coach, sinooo?" tanong ni Kianna.

"OMG. Excited na ko. Sino yaaaaan!" tanong ni Ate Aby.

"Kilala nyo sila sa totoo lang, teka sunduin ko na yung isa muna. Para may thrill." sabi ni Coach at natawa naman kami. Napaka-cool nya talaga. Binuksan nya yung punta sa gym at pumasok si....






DIDIT!!!!!!

"Hi guys." bati nya at ngumiti. Kitang kita yung dimples nya. Nagsimula nang magreaxt
"ATE CYD!"
"DIDIT!!"
"OMG ATE CYD. WELCOME BACK."
"YES! TEAMMATES NA ULIT KIMCY." syempre kilala nyo na kung sino yung huling nagsalita. si Kianna. Hahahaha.

Lumingon ako kay Kim at ayun, tulala sya. Pero maya maya ngumiti nadin ito at lumapit kay Cyd. Syempre, niyakap nya ng mahigpit. Ayun, inasar tuloy sila ng teammates namin.

"Oops. Teka, may isa pa. Ano, pakilala ko na ba?" pag awat ni Coach sa amin. Nag-oo naman kaming lahat at hinintay kung sinong papasok sa gym.

No way.....














"Ate Ye!!"
"MIKA!!"
"OMG ATE YEYERZ."
"KIMCY AND KARA IN ONE TEAM. Ready na ko langgamin."
"WAFS! SI MIKA OH."

Lahat sila nakatingin lang sakin at kay Mika. Magkatinginan lang kami habang nakangiti sa isa't isa. Totoo ba to? Mag-teammates na kami?

"Ye, di nga?" yan lang nasabi ko.

----
Vote. Comment.

text me backWhere stories live. Discover now