tmb - 6

763 36 7
                                    

Mika's POV

First game namin sa PSL ngayon at against sa F2 Logistics, ang defending champions. Pero hindi naman ako kinakabahan dahil sila ang champions, kinakabahan ako kasi si Ara ang makakalaban ko. Magkikita na kami at makakaharap ko pa sa kabilang court.

Halos kakarating ko lang dito sa parking ng arena. Hindi pa ako lumalabas kasi sobrang rinig ko yung kabog ng dibdib ko, hindi ko napaghandaan yung araw na to kahit 3 days ago eh alam kong makikita ko na sya. Bigla kong naisip, alam na kaya ni Ara na makikita nya ako? May dumaan na coaster sa harap ng sasakyan ko at nagpark sa di kalayuan. Nakatingin lang ako dito hanggang sa bumaba na ang mga players. Lahat sila pamilyar sakin, lalo na yung isa na kakababa lang. Si Ara.... Namayat sya at halata ang pagod sa mukha nya pero pilit nya yung tinatakpan ng mga ngiti at nakikipagkulitan pa ito sa mga teammates nya. Napansin ko naman si Kim na palinga linga, parang may hinahanap tapos nung hindi nya ata nakita ang hinahanap nya ay biglang hinila na nya agad si Ara papasok ng hindi halata. Alam kong iniiwasan ni Kim na makita ako ni Ara. Pero bakit?

Namimiss na kita, Ara. Miss ko na yung dati. Miss ko na tayo.

Pagkaraan ng ilang minuto bumaba na ako ng sasakyan dala ang mga gamit ko at nagpunta na ako sa dug out ng Petron. Alam ko kung saan ang sa F2 kaya iniwasan ko na mapadaan doon.

"Reyes. Nakita ko yung ex mo! Hahaha" yan ang salubong sakin ng teammate kong walang ginawa kundi bwisitin at asarin ako sa araw araw na ginawa ng Diyos. Sino pa ba? Si Palma.

"Pwede ba Palma, wala ako sa mood makipagbwisitan sayo." sabi ko sakanya at dumiretso sa CR para magpalit ng jersey. Pagkalabas ko ay nagsisimula ng mag warm up ang mga teammates ko. Pero si Palma hindi pa nagsisimula, doon ko narealize na sya ang buddy ko ngayon. Nakangisi sya sakin kaya umirap nalang ako sakanya at nagsimula na magwarm up.

"Eh di talo na pala tayo ngayon, no?" biglang sabi ni Palma habang inaalalayan ako sa pagstretch ng legs ko.

"Anong pinagsasabi mo dyan?" kunot noo kong tanong sakanya.

"Eh kalaban natin ex mo eh. Malamang distracted ka. Hahahaha!" pangaasar nya kaya sinipa ko sya ng beri light para mabitawan nya yung paa ko. Umayos ako ng upo at gumawa ng ibang warm up.

"Uy si Reyes mahal pa. Affected pa. Wala to, talo na tayo." patuloy na pangaasar nya. Hindi ko na napigil dahil nakakapikon na talaga kaya sumagot ako.

"Ako affected? Eh mas mukha ka pang affected kesa sakin. Ikaw ba yung ex?" walang pigil inis na sagot ko sakanya. Nagbago ang eskpresyon ng mukha nya pero nawala agad yun dahil tumawa sya.

"Osige, patunayan mo sakin na hindi ka na affected." sabi nya.

"Wala akong kailangan na patunayan sayo." sagot ko sakanya

"Talaga? O baka kasi mahal mo pa?" sabi nya agad at tumatawa pa. Ugh, bakit ba ako lagi binibwisit nito?

"Ano ba gusto mo para tigilan mo ko ha, Palma?" tanong ko at bakas na ang inis sa boses ko.

"Simple lang, ipanalo natin tong game. At alam mo ba ang target ng serves natin ngayon? Si Ara Galang daw." sabi ni Palma habang taas-baba pa ang kilay. I swear, kung di lang ako makakasuhan baka napatay ko na to sa inis.

Hearing Ara's name hurts but it also felt light. Masakit na gumaan yung pakiramdam ko. It's confusing and frustrating at the same time.

"Yun lang ba? Akala mo hindi ko yun kaya? Minamaliit mo masyado kakayahan ko." matapang kong sagot at lumabas na dahil tinawag nadin kami.

Paglabas ng parehong team sa court ay nagsigawan na ang mga fans. Ang ingay dito sa arena parang Finals na ang laro. Unang pinakilala ang Team ng Petron.

"Wearing jersey number 3.... Mika Reyeees!"

Pagpunta ko sa mga iba kong teammates na tinawag ay pasimple akong sumulyap kay Ara. Mukha syang nagulat at lumapit si Dawn at Aduke sakanya. Halata na uncomfortable sya at patingin tingin sakin kaya umiwas na ako ng tingin at naging composed sa game.

Nanalo ang F2 Logistics samin ng first two sets at bwisit na bwisit ako kay Palma dahil wala syang ginawa kundi asarin ako. Hindi first 6 si Ara kaya iba't iba kami ng target sa serve basta maiwas kay Dawn dahil makakapag-execute sila ng plays.

Pagdating ng set 3 nagulat ang lahat at nagingay, pinasok ni Coach Ramil si Ara sa game. At nasa front line ako ngayon, nagkatinginan si Ate Aby at Kim na parang naguusap tapos si Kim tumingin sakin ng saglit. Pumunta sa medyo harap ko si Ara at ramdam kong nakatingin lang sya sakin. Naiilang ako. Ibig sabihin hindi nya alam na magkikita na kami ngayon.

Hindi maganda ang laro ni Ara, halata na wala sya sa wisyo at lutang. Madalas kapag isset sakanya ni Kim ang bola ay hindi agad sya nakakabwelo kaya ang palo nya nabblock namin kung hindi naman ay nasa ilalim sya ng bola kaya outside or net block. Nagsimula nadin ang game plan namin na sakanya iserve ang bola kaya wala akong choice kung hindi sumunod sa coaches. Volleyball lang, Mika. Walang personalan. Nakuha namin ang 3rd set, pati 4th set hanggang sa nanalo na kami nung 5th set.

Nung oras na para makipagapir sa kabilang side ay tinry ko hanapin si Ara, pero wala sya. Hindi ko sya makita, hindi rin ako makatingin ng matagal kela Kim dahil nahihiya ako. Alam kong galit at inis sila sakin dahil sa nangyari samin ni Ara. Kung pwede ko lang sana sabihin yung totoong nangyari. Pero takot ako.

Pagdating sa dug out ay nag-congrats ang coaches, nagdasal kami at nagkanya kanya na sa pagsshower at pagliligpit ng mga gamit.

"Congrats, Reyes! Galing natin ah." bungad ni Palma pero wala ako sa mood na patulan sya kaya hindi na ako sumagot. Nagayos nalang ako ng gamit dahil gusto ko ng umuwi. Hindi ko na kaya dito, ang bigat sa pakiramdam na makita si Ara na ganon at alam kong dahil sakin yun.

"Ye, may naghahanap sayo sa labas." sabi ni Ate Cess sakin kaya kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam sakanila dahil balak kong dumiretso na ng uwi pagtapos imeet kung sino man ang nasa labas. Pagkalabas ko hindi ko inexpect na sya ang naghahanap sakin, nakaramdam ako ng takot.

"Mika, pwede ka bang makausap?" tanong nya at ngumiti ng konti dahilan para lumabas ang dimples nya.

"Coach Ramil......."

-----
Bitin nanaman no? Ano theory nyo dito? Mali si Kim nung sinabi nyang dumiretso na sa coaster si Coach.

Vote. Comment.

text me backWhere stories live. Discover now