tmb - 5

755 34 12
                                    

Kim's POV

First game na namin ngayon sa PSL, against Petron. At hanggang ngayon hindi ko padin nasasabi kay Ara na makikita na nya si Mika at makakaharap pa sa kabilang side ng court. 3 days na ang nakalipas simula nang magkita kami ni Mika sa The Beech dahil pinakilala ako ni Tin sakanila.

Flashback

"Mika?" gulat kong sabi. Hindi ako makapaniwala na dito kami magkikita ni Mika. Bakit siya nandito? Kaibigan siya ni Tin? Ang liit nga naman ng mundo.

"K-Kim. Anong....anong ginagawa mo dito?" tanong ni Mika at halata ang gulat sa mga mukha nya.

"Teka, you know each other? How?" nalilitong tanong samin ni Tin. Yung dalawa nilang kasama hindi gulat ang reaksyon at parang kilala ako. I guess si Tin lang ang hindi nakakaalam ng koneksyon ni Mika saming Lady Spikers.

"Si Mika, ex ng teammate slash bestfriend ko." sinagot ko si Tin ng may halong pait dahil inis padin ako kay Mika gawa nang pananakit niya kay Ara. Pagkasabi ko non ay umiwas ng tingin sakin si Mika.

"Excuse me, guys. Cr lang ako." paalam ni Mika at tumayo agad.

Halata ang tensyon sa paligid dahil walang nagsasalita. Nakaupo ako sa tabi ni Tin, at yung dalawa nyang kasama ay tahimik lang din tila nakikiramdam sa mga nangyayari.

"Uhm, maybe we should get something? Food? Drinks?" pagbasag ni Tin sa katahimikan.

"Oh okay, wait." sabi nung Jeya, alam ko dahil sinabi na ni Tin sakin kanina ang mga pangalan nila.

"So Kim, kumusta naman ang volleyball career?" tanong ni Rhea sakin at ngumiti.

"Okay naman. May laban kami against Petron in 3 days." sagot ko.

"Oh! Makakalaban nyo si Yeye! I'll definitely watch the game." sabi ni Tin at natuwa pa.

"Ano? Anong sabi mo Tin?" tanong ko sakanya dahil nabingi ata ako sa narinig ko.

"You'll go against Yeye in 3 days! Player sya ng Petron eh." sagot ni Tin na halatang wala pading idea.

Dumating si Mika at umupo na sa inuupuan nya kanina. Hindi sya tumitingin sakin at naging awkward nanaman ang paligid.

"Mika, player ka daw ng Petron sabi ni Tin?" tanong ko sakanya kaya tumingin sya sakin pero saglit lang.

"Ahh, oo." matipid nyang sagot.

"I guess, I'll see you again in 3 days. Good luck." sabi ko sakanya at halatang nagulat sya pero hindi nya pinahalata yon. Napansin ko din na parang may gusto syang sabihin sakin, more like may gusto syang itanong kaya nagsalita na ako.

"Kung itatanong mo sakin kung kateam ko sya. Oo, at magkikita na kayo sa Sabado." sabi ko at hindi ko na mabasa ang ekspresyon sa mukha nya. Halo halo na eh, halatang kinakabahan sya, natatakot at nasasaktan.

End of flashback

Hindi ko masabi kay Ara dahil alam kong mad-distract sya sa mga trainings pero nagkonsulta na ako kay Ate Aby. Sabi nya na wag daw akong magalala dahil hindi naman daw ipapasok si Ara sa game dahil sa bone bruise nya, mas mabuti pa daw na wag ko nalang sabihin dahil baka pumangit ang laro sa training at mapaginitan pa ni Coach.

Nandito na kami sa dug out, naghihintay nalang kami na tawagin para mag-warm up sa labas. Hindi ko pa nakikita ang Team ng Petron, pati si Mika di ko pa nakikita. Medyo dinidistract ko din si Ara sa tuwing may dadaan dahil baka marinig nya ang boses or makita nya.

"Guys, tara na sa court." utos ni Coach Ramil at yun nga lumabas na kami.

Paglabas namin sa court ay nagsigawan na ang mga fans at isa isang pinakilala ang players ng bawat team. Naunang tinawag ang Petron.

"Wearing jersey number 3.... Mika Reyeeees!"

Pagkasabi ng commentator na yon ay lahat kami napatingin kay Ara maliban sa coaches. Nakita kong nagulat sya pero mas kita ang sakit sa mga mata nya. Nasasaktan padin sya. Nasasaktan pa si Ara. Lumapit agad si Dawn at Aduke sakanya. Siguro tinanong kung okay sya. Nag-thumbs up lang ito at ngumiti ng pilit.

Susunod na tinawag ay kaming F2 Logistics, nasa first six ako kaya si Ate Cha ang lumapit kay Ara dahil standby lang din muna sya. Nagsimula na ang laro, pero si Ara? Tulala padin nung huli kong lingon.

Nanalo kami ng first 2 sets against Petron pero nakakuha na sila ng momentum ngayong 3rd set. Laking gulat namin ni Ate Aby nang biglang pinasok ni Coach Ramil si Ara sa laro. Gusto naming sabihin kay Coach Ramil na wag, pero maw-warningan kami ng yellow card at kailangan naming magfocus sa laro.

Katabi ko si Ara sa rotation at halatang wala sya sa mood at gulat padin. Paano nasa harap nya ngayon si Mika. Nakatingin lang sya dito at parang gusto ng umiyak. Hindi sya attentive sa laro at magugulat nalang tuwing tatawagin ko sya dahil sakanya ko ibibigay yung set. Kung hindi net block, mabblock at minsan outside pa ang spike nya.

Idagdag nyo pa na hindi sya sanay sa posisyon nya ngayon dahil wala si Kianna kaya sya muna ang nagsilbing utility spiker. Tuwing tumatawag ng time out si Coach ay si Ara lang ang pinapagalitan nya dahil halata naman na hindi maganda yung laro nya. Puro sya errors at hindi ganon kaganda ang receive nya, sya pa naman ang target ng mga servers. Oo, kahit si Mika sya ang tinatarget. At hindi ko maintindihan bakit kailangan nyang gawin yon. Mika, manhid ka ba?

Natalo kami ng Petron in 5 sets. Nung oras na makikipagapir na kami sa Petron, umalis na agad si Ara at dumiretso sa dug out. Gusto ko syang sundan pero hindi pwede. Volleyball muna, mamaya ko na sya kakausapin siguradong gusto din nya mapagisa. Nang nakikipagapir kami ay napansin kong may hinahanap si Mika samin at the same time umiiwas sya ng tingin saming lahat. Alam nyang may kasalanan syang kailangan pagbayaran.

Pagkadiretso namin sa dug out ay nadatnan namin si Ara na nakatungo at tinatakpan ng mga kamay ang mukha nya.

"Wafs." sabi ko at tumabi sakanya. Inakbayan ko sya at tinap yung balikat nya. "Hindi ko sasabihin sayo na okay lang, kasi alam naman naming hindi eh. Pero mas makakatulong kung iiyak ka. Ilabas mo." payo ko sakanya at pagdaan ng ilang oras, narinig na namin ang hikbi ng isang Ara Galang.

"Daughter F, andito kami para sayo ha? Wag mo kakalimutan na hindi mo lang kami teammates, pamilya mo din kami." niyakap sya ni Ate Aby kaya mas lalong naiyak si Ara pero tumango lang ito at niyakap din sya pabalik.

Naging tahimik kami buong oras na nagshower kami hanggang sa paguwi. Buti na nga lang ay sa coaster dumiretso si Coach Ramil at hindi sa dug out dahil kung hindi kailangan naming ikwento ang nangyari at alam kong ayaw pa yun pagusapan ni Ara.

Nang makarating kami sa dorm ay dumiretso agad si Ara sa dati naming kwarto. Oo, pinilit namin sya na dito nalang matulog dahil una, hindi makakaganda na magisa sya dun sa condo nya baka kung ano pa ang gawin. Pangalawa, maguusap pa kami at sasabihin ko pa na nagkita kami ni Mika 3 days before at kasama nadin don ang pagssorry dahil hindi ko sinabi agad. Pangatlo, ayaw ko nang mangyari kay Ara yung nangyari 6 months ago nung araw ng graduation celebration ni Mika. Hindi ko kayang makita si Ara na ganon ang sitwasyon. Muntik ng mawala si Ara samin.

"Kaf, pinapatawag tayo ni Ate Aby sa room nila. Wag daw isama si Ate Ara." sabi sakin ni Kianna na kakarating lang at nakasilip sa may bukana ng kitchen, uminom kasi ako ng tubig. Tumango nalang ako at sumunod sakanya.

"Ate, ano meron?" tanong ko kay Ate Aby at Ate Cha.

"OPLAN: Make our Ara Galang Happy." sabay nilang sabi.

Nagkatinginan kami at ngumiti. Bruh, kami bahala sayo.

----
Vote. Comment.

text me backWhere stories live. Discover now