tmb - 9

754 31 1
                                    

Ara's POV

From: Love

Good morning, love! Goodluck sa game against Cignal. Galingan mo ha? Bawi kayo. See you sa finals? 😏

Yan agad ang text na bumungad sakin pag gising ko. Kanino pa ba manggagaling, syempre kay Mika my loves. Yak, Victonara. Ang aga corny corny mo.

To: Love

Good morning prinsesa! Goodluck din sa game against Foton. See you sa finals! Sure na. 😛

"Ganda ng ngiti natin, Wafs ah?" sabi ni Kim na nakahiga padin sa kama nya.

"Game day ngayon! Excited lang ako. Tara baba na tayo." sagot ko sakanya at inaya na sya sa baba dahil kailangan na namin magprepare para sa game mamaya.

Kung nagtataka kayo kung ano meron, semi-finals na sa PSL at ang kalaban naming F2 Logistics ay ang Cignal HD Spikers. Natalo kami sakanila nung unang round kaya babawian namin sila ngayon, malakas ang team nila lalo na't nandon si Ate Jov at Ate Rachelle.

--- before the game ---

"Guys, focus lang tayo sa laro today ha? Wag tayong magmamadali at palaging maging attentive sa galaw ng mga kalaban. Mas maganda din sana kung less errors tayo at hindi magiging kampante tuwing lumalamang." paalala samin ni Coach bago kami lumabas ng dug out.

"F2 Logistics!" sigaw ni Ate Cha.
"Cargo movers!" respond naman namin at lumabas na sa dug out.

--- during the game ---

Maganda ang nilalaro ng team namin ngayon, lahat talaga kami nahahawa kay Mother F dahil beastmode na sya agad kahit nung simula palang. Lahat kami nagc-contribute at hindi nagsasapawan. We not Me naman talaga ang mantra ng La Salle kapag sa volleyball dahil lahat kami kailangan magfunction para manalo.

Pagpunta ko sa service line, expected naman na madami ang magsisigawan dahil madami ang fans palagi ng F2 ang nanunuod at sumusuporta. Habang nagd-dribble palang ako ng bola at hinihintay ang palo, napatingin ako sa gawing likod at nakita ko si Mika na nandoon, nanunuod sa game namin. Nagkatinginan kami sa isa't isa at ngumiti sya.

"I love you." she mouthed those words. Nginitian ko sya at tumango ako. Nagserve ako at ayun!

Service ace!!!! Iba talaga pag inspired eh.

--- after the game ---

"Congrats, team. Nakita ko ang determination at focus niyo kanina. Iba talaga ang nagagawa ng bawi no?" sabi ni Coach Ramil at nagsigawan kami sa loob ng dug out.

Nagsalita si Ate Cha at iba pang coaching staff. Syempre di mawawala ang pagppray after ng game.

Nagmamadali ako sa pagshower dahil manunuod ako ng game nila Mika, syempre dapat andun ako para suportahan sya gaya ng pagsuporta nya sakin.

Pagtapos kong magshower at magayos ng gamit ay lumabas na agad ako sa dug out. Sumunod naman sakin si Kim at inakbayan ako habang sabay kaming naglalakad.

"Ara ganda ng laro natin kanina ha?" pangaasar ni Kim.

"Inspired eh! Ikaw din naman ah, pero kanino? Nanuod si Tin at Cyd kanina." pagbabalik ko ng asar kay Kim

"Gago! Lagi namang nanunuod si Cyd ng games natin eh. Tsaka nagkataon na wala syang work ngayon." sagot nya.

"Alam na alam schedule ah. Jowa ka?" sabi ko at tumatawa tawa pa.

"Ulol. Pero maiba ako, kayo na ba ulit ni Mika?" tanong ni Kim, nandito na kami sa bungad lang ang nanunuod na ng game. Dumating nadin iba naming teammates na nakasunod samin.

"Hindi pa. Pagtapos ng conference na namin paguusapan. Focus muna sa volleyball." sagot ko sakanya at nag-thumbs up nalang si Kim.

----
Vote. Comment.

text me backWhere stories live. Discover now