One Shot #8

135 10 5
                                    

One Shot #8

______________________ LOVE, PAIN, REGRETS 

==============

Yung pakiramdam na crush ka rin ni crush? Di ba ang sarap nun? May inspirasyon ka. Pampagaan ng loob. At higit sa lahat pandagdag kulay sa buhay .

We girls, dreamed about that every single time of our lives. We almost tend to daydream. Imagining all the impossibilities when you and your crush will go through.

But it's just a DREAM. Impossible dream. Dreams like fangirls do have. Dreams that is impossible and nevertheless cannot be reached. </3

_XOXO, Carla.

===============

"Urgh! Konting-konti na talaga ang pasensya ko rito sa project na ito!!!", ani ng kanina pang naiinis na si Hazel. Tinatapos kasi namin ang pag-eedit nitong documentation project namin sa Filipino. 

"Relax, Hazel. Matatapos rin natin to", pampapakalma ko sa kanya.

"Pano ako marerelax rito, Carl?!? Malapit na yung time oh! Yari talaga tayo nito pag di natin to natapos."

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit pa kasi may ganito pang nalalaman tong propesor naming to. Eh sa di naman tungkol sa computer ang pinag-aaralan namin eh. Tungkol sa Wika! Wika! Wala nang iba! Napakamot nalang ako sa noo dahil inis na naramdaman ko.

"Hazel! Carla!"

Napalingon naman kami sa tumawag samin. Si Sam kasama ang kaklase naming si Jan, ang itinuturing ng lahat na genius pagdating sa larangan ng computer.

"Thank goodness, Sam at nakita mo rin tong si Jan!", napatayo naman si Hazel mula sa pagkaka-upo sa sahig at bumaling kay Jan. "Jan, please naman oh. Tulungan mo na kami rito. Ikaw nalang talaga ang nalalabi naming pag-asa."

Tumawa ng bahagya si Jan saka minani-ubra kaagad ang laptop at inasikaso ang trabaho naming di namin matapos-tapos.

Nakahinga naman kami ng maluwag matapos makitang maayos na tinatapos ni Jan ang project namin. Di ko naman maiwasang mapatingin-tingin sa paligid. Hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang matangkad, matipuno at katamtamang pagkakayumanggi ang balat na nilalang. 

Mula sa taas na kinalalagyan ko ay tanaw na tanaw ko syang naglalakad sa tinatawag naming 'Runway Avenue' na hallway. Sa tuwing dumadaan kasi rito ang mga estudyante ay feeling bang naglalakad sa isang fashion show. 

Pero tong nilalang na tinititigan ko ngayon ay para bang wala lang sa kanya ang paglalakad rito. Parang kaswal lang na paglalakad. Pero ang di nya alam para na syang modelo dyan sa pagrampa nya este paglalakad nya. Di ko tuloy maalis-alis ang mga titig ko sa kanya.

"Tama na yan. Baka matunaw", pukaw sakin ni Sam na nasa tabi ko na pala. Napatingin naman ako saglit sa kanya saka sya tinapunan ng ngiti't muling ibinalik ang atensyon sa nilalang ngunit wala na sya. Pilit kong hinanap pati anino nya ngunit wala talaga sya. Naglaho sya na para bula sa paningin ko.

Matapos ang klase namin sa Filipino ay mag-isa kong tinahak ang daan patungo sa susunod naming klase.Habang naglalakad ay patuloy ko pa ring iniisip yung lalakeng nakita ko kanina. Inisip kung pano at san ko sya makikitang muli. Para tuloy akong baliw ritong naglalakad. Kung sinu-sino tuloy kasi ang nakakabangga ko. Dahil wala ako sa sarili kong naglalakad.

Inaamin ko, unang kita ko palang sa kanya nababaliw na ako sa kakaisip.

...........................

Lumipas ang ilang mga araw ay pawang nabawas-bawasan rin ang pag-iisip ko dun sa lalakeng nakita ko nung nakaraang araw. Nawawalan na rin kasi ako ng pag-asa na makikita ko syang muli. Ni kahit isang pagpaparamdam man lang ng presensya nya ay di ko naramdaman.

Sweet ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon