One Shot #6

118 9 3
                                    

One Shot #6

_____________________ I HATE THE WAY I DON'T HATE YOU (Part I)

Hate 

- vt. to feel intense dislike for.

- vt. to feel hatered. To wish to avoid.

- n. a strong feeling of dislike or contempt; the person or thing hated.

Sabi nila, " The more you hate the more you love." Di ko lubusang maintindihan ang quote na toh, honestly. Kasi ako mismo na may tinuturing pinakahatest na tao ay di ko masabing naglolove ako. Or worst, I love that person. Inaamin ko na puro hatred ang nararamdaman ko sa kanya.

Hate ko sya to the nth level na ngayon ay di ko na maintindihan kung bakit di ko na sya hate. Ang kulit lang noh? Pero ewan. Ewan. Ewan. Di ko alam bat biglang nagkaganito ako.

I'm Francis Mendoza. A fourth year highschool student. Isang transferee. Of course, ano pa nga bang maaasahan mo sa isang transferee student na katulad ko. Isa lang naman akong hamak na ignorante at estranghero sa paningin ng ibang estudyante rito sa bagong pinasukan ko.

Buti nalang at nakilala ko si Jairus o mas kilala sa tawag na Jai. Kaklase ko sya at naging instant friend ko. At least, di na ako masyadong ignorante sa mga rules and regulations ng school because of Jai.

"Ui, girl! Ang gwapo naman ng bagong klasmeyt natin!!"

"OMG! Oo nga! Ang hot nyang tingnan!"

"I bet pagtritripan na naman 'to ni Ella."

Kahit medyo malayo ang mga girls sa kinaroroonan ko pa rin ang mga tili nila. And of course, ang main topic lang naman nila ay ako. May kapogian long naman kasi ang leading man nation e. Ehem! And curious long ako kung sino tong Ellang pinagsasabi nila na pagtritripan raw ako.

"Ui, tol! Andyan na pala si Alexa. Sya yung girl na sinasabi ko sa'yo. Yung pinakamaganda rito sa campus", bulong sakin ni Jai at napatitig naman ako sa kakadating lang na napakagandang nilalang.

She really catches my eyes. She's so beautiful indeed. Nakakapang-headturner sya. No wonder na lahat ng tao rito sa room napapalingon sa kanya.

Dali-dali naman akong lumapit sa kinaroroonan nya. Sumunod naman si Jai. Plano ko sanang tumabi sa kanya. Pero unfortunately, naunahan ako ng mga kaibigan nya na ngayon at nakapaligid sa kanya. Kaya naisipan nalang namin ni Jai ang maupo sa likuran.

"GOOD MORNING, CLASSMATES!!!!!"

Napalingon naman kami sa sumigaw. Isa lang namang cute at chinitang babae na nakangiti ng wagas ang nasa may bungaran ng pintuan.

"Ah yan pala si Ella, tol. Ang former class president namin", ani Jai.

No wonder ang taas ng level ng self confidence. Former class president pala nila. Maya-maya'y nagsidatingan na rin ang iba pa naming mga kaklase at ang adviser namin. At agad nyang inarrange sang sitting arrangement namin.

Umasa naman akong makakatabi ko si Alexa. Kaso minalas ata ako. Nakatabi ko naman si Ella. Na hala sige pa rin ang ngiti at satsat.

"Francis Mendoza?", tawag ng teacher namin.

"Y-yes, ma'am?"

"Since your the only new here. Can you introduce your self to us?"

Agad naman akong tumayo't pumunta sa harap.

"Uhm, good morning to all of us. I'm Francis Mendoza a former student of San Sebastian High School."

Di ko alam kung bakit biglang nagsitilian ang mga kaklse ko at nakapokus ang atensyon nila kay Ella. Na pawang masayang-masaya. Nililink lang naman kasi ako nila kay Ella. Like, seriously, anong nag-udyok sa kanilang ilink nila ako sa babaeng to? Mas prefer ko kung si Alexa ang ilink sakin. Si Ella kasi medyo hindi ko sya type. May pagka-annoying kasi yung ngiti nya at pagmumukha nya.

Sweet ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon