One Shot #5

192 10 6
                                    

One Shot #5

 NOTE : Expect mature roles of the characters, unexpected scenes and some words that I used. Be open-minded when reading this.

______________________ GETTING YOU BACK 

Isang certified na bakla si Francis Cardona ng barangay Dagtang-Lason. Kilala sya rito sa pagiging isang kikay na beke at beauty queen na bakla. Ilang beses na rin kasi syang naging queen sa ilang pageants na kanyang sinasalihan. Sa madaling salita, lagi sayng nananalo at kahit kelan hindi nagpapatalo. Mapa beauty pageant pa yan o awayan ng mga beke sa kanto.

Habang naglalakad sya, isang araw sa kalye galing palengke ay di nya inaasahang may mababangga sya.

"AY! ETITS NG MACHO!", sigaw nya at nagsisilaglagan naman ang mga gulay at prutas na kanyang pinambili.

"Ay sorry, Miss", ani ng nakabangga nya. Tinulungan naman sya nitong pulutin aang mga nahulog na mga bagay.

"Harujuskoo!! Sa susunod pwede ba mag-ingat ka naman!", satsat ni Francis. May pa-beke accent pa yung tono ng pananalita nya.

Matapos makapulot ay saka lamang sila nagkatinginan sa isa't-isa.

Si Francis inuna muna nyang tingnan ito mula baba patungong taas.

~'Firm legs, at hmm! Flat chested.'~, panay naman ang discribe ni Francis sa isipan nya . At nang umabot na ng sya sa taas.... ~'Rosy lips, firm cheeks, slightly elevated nose, cute sparkling eyes..... teka-teka parang may kakaiba rito sa lalaking to ah. Ang bansot pa nito. Mas mataas pa ako sa kanya. Eeewww.'~

Nandiri naman si Francis sa mga nadiscribe nya rito sa nakabangga nya. Well, ang nabangga lang naman nya ay mala-lalake ang tindig pero mala-babae naman ang pagmumukha. At pati height nito.

Nakasuot kasi ito ng jeans at loose shirt at nakasuot pa ng pabaliktad na bull cap. At nakangiti naman itong nakaharap kay Francis.

"Hi", bati nito sa kanya.

Snob lang si Francis.

"May I know your name?"

"Hmpf!", at sya'y nagwalk-out leaving the girly-faced boy alone.

~'Ang eeeww nya. Inferness! At ang kapal pa! Di na nahiya! Di pa naman sya gwapo!'~

Muling ipinagpatuloy ni Francis ang paglalakad hanggang sa makarating rin sya sa bahay nila.

Naabutan naman nya ang nanay nyang may kausap na babae. 

"Mamii e'm back!"

Agad naman syang nagbeso sa nanay nya.

"Sya nga pala ang bunso ko", pagpapakilala sa kanya ng nanay nya sa bisita nito.

Nagpakita naman ng galang  na pa-beke itong si Francis.

"Hello po! Ako nga pala si Francis. You can call me Franciska if you want."

Natawa naman ang bisita sa inasal ni Francis.

"MAMA!", sulpot ng isang boses mula sa kanilang likuran. 

Laking gulat ni Francis nang matanaw nyang ang pumapasok sa kanilang bakuran ngayon ay yung lalakeng kanyang nakabangga kanina na mala-babae ang pagmumukha.

~'What on Earth is he doing here?'~

_____________________

At ayun, napag-alaman ni Francis na ang pamilya ng kumag na yun ang magiging bagong taga-upa ng bahay paupahan nila. At ang mas ikinagulat pa nya ay nang malaman nyang isang dakilang tomboy pala ito. Ella ang pangalan. 

Sweet ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon