One Shot #7

92 7 6
                                    

One Shot #7

___________________ I Hate The Way I Don't Hate You (Part II)

Pakiramdam ko ay may sakit akong nakakahawa pano ba naman kasi lahat ng mga nakakakilala sakin ay iniiwasan akong maka-usap. O di kaya naman ay sadya talaga nila akong iniiwasan. Ang hirap talagang masangkot, ay di pala. Mahirap ang magpasimuno ng isang pangyayaring di kaaya-aya. 

Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula nung sigawan at pagsalitaan ko ng di kaaya-aya si Ella. At simula na rin nun ay biglang nagbago ang pakikitungo sakin ng lahat. Maskin si Jai na itinuturing kong nag-iisa kong matalik na kaibigan ay naging mailap na rin sakin.

Maraming nagsasabing kailangan ko raw humingi ng tawad kay Ella. Kasi raw di daw tama yung inasta ko sa kanya. Maging ang crush kong si Alexa ay nagsabi rin sakin ng ganito. 

Inaamin ko man na mali yung nagawa ko sa kanya ay di ko parin magawang magsorry sa kanya. Mataas na kung mataas ang pride ko. Kate ko rin sya though I messed up with her.

I also admit na medyo awkward yung space between the two of us every class hours. Magkatabi kasi kami. Since the first day of school hanggang ngayon na nalalapit na ang graduation namin ay di pa rin nagbago yung seating arrangement namin. Nasanay kasi ako nun sa former school ko na nagpapalit kami ng seating arrangement every grading period.

At ngayong buwan na ng Pebrero ang lahat ay nagkakandarapa dahil maliban sa buwan na naman ng mga puso ay sya rin namang buwan ng JS Prom. Abala ang lahat sa kakahanap ng madadate sa prom night. Balak ko sanang si Alexa kaso nabalitaan ko'y meron na raw syang date. At ang masakit pa run ay yung ididate nya'y isa sa mga masusugid na manliligaw nya maliban sakin at kay Benjamin. At bali-balita pa ay sasagutin na nya raw ito. Bukod sa gwapo ay mabait pa raw ito.

Ang sakit lang isipin. Gwapo rin naman ako kaso nga lang sumemplang ang ugali. Dahil na rin sa naikilos ko't nagawa ko.

Mas lalo pa akong magiging kawawa dahil si jai ay mukhang abala rin sa pangugnulit ng magiging date nya sa Prom. At ang mas ikinagulat ko pa ay crush pa raw nya ito. At mukhang inaakyatan na rin nya ito ng ligaw. Ang swerte nga naman ni Jai. At ang laking malas ko naman. Hay buhay.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang makarinig ako ng isang babaeng nagmamakaawa. Sinundan ko naman kung san nanggagaling yung ingay hanggang sa napadpad ako sa may pool area. At dun ko nakita si Ella sa pinagtritripan ng mga katropa ni Benjamin.

"Ano ba Carl! Ibalik mo na nga yan sakin yung notebook ko!", pagmamakaawa ni Ella. 

"Hindi ko to ibabalik sayo hanggat di mo ko kinukuhanan ng mga answer key sa pasulit ni Ms. Divina", ani Carl na may hawak ng notebook ni Ella.

'Ayoko Carl. Masama yang binabalak mo. Kung ako pa sayo mag-aral ka nalang ng mabuti nang saganun masagot mo yung pasulit ni Ms. Divina", buong tapang na sabi ni Ella.

"Ayaw mo pala ah. Edi kung ganun magpaalam ka na rito sa mahiwaga mong kwaderno. Madali akong kausap, Ella", aniya at akmang ibabato yung notebook sa tubig.

"WAG!!!!!"

"Pare, kung ayaw nya talagang gawin yun wag mo nyo syang pilitin."

Bigla namang napatigil si Carl sa akmang paghagis nang magsalita ako't kanya akong hinarap. Maging si Ella na malapit ng maiyak ay gulat na nabaling sa kinaroroonan ko.

"Andito na naman tong masamang elemento na'to", mayabang nyang sambit. "Wow, Ella ang bilis mo namang makatawag ng back-up! Nag-iisa nga lang! Hahahaha!!!" At sila'y nagtawanan ng mga ka-tropa nya.

"Pare, ibalik mo na yan sakanya. Yung notebook nya. Bakla ka  ba, pre?"

"Ansabe mo?", nalilito nyang tanong.

Sweet ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon