CHAPTER 12 ~ Fire ~

156K 3K 236
                                    

CHAPTER 12

SKY'S POV

He didn't throw me off, instead he kissed me back. I wrapped my arms around his neck and I felt his hand on my waist, pulling me closer.

His kiss...it was safe. I can feel its warmth. Warm is good. It's different with Adonis for his kiss screams with fire. Fire burns and that what's make it scary. I'm scared of burning because he can easily burn me.

Hindi ko nararamdaman ang mga emosyon na kayang iparamdam ng mga halik ni Adonis. Hindi ako natatakot sa halik niya dahil alam kong mabilis akong makakalayo kay Hermes. He cannot control me unlike Adonis kisses' that feels like it's binding me in an unbreakable spell.

Naglayo ang mga labi namin ng pareho naming habol ang aming mga hininga. Walang maririnig sa paligid. Tumingin ako sa mga mata ni Hermes and I saw understanding in his.

Hinaplos niya ang pisngi ko. "It's different." he murmured.

"For you or for me?" I whispered back.

"For both of us."

"No-"

"Believe me Sky, because I know."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? May babae narin siyang nahalikan na nagparamdaman sa kaniya ng mga emosyon na ipinaramdam sa akin ni Adonis kapag hinahalikan niya ako?

"For christ's sake, Sky!"

Napapitlag ako sa malakas na boses sa likod ko. Naramdaman ko ang pamilyar na braso ni Adonis sa bewang ko at hinila niya ako paalis sa pagkakaupo ko sa kandungan ni Hermes.

Hinarap ko siya at sinalubong ang tingin niya. Kitang-kita sa mga mata niya ang tinitimping galit. But I didn't back off. Tinignan ko din siya ng masama. "Ano ba?!"

"What the hell was that?!"

"Ano bang pakielam mo sa buhay ko, Adonis? Tatakutin mo na naman ba ako? Right now, wala na akong pakielam. Gawin mo na kung ano ang gusto mo and I will do what I want in return. I will kiss any man I want to kiss."

Dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ko dahilan para mapaigik ako. Naramdaman kong may isa pang kamay ang humawak sa akin ngunit para lang ilayo ako kay Adonis. Pero hindi niya ako pinakawalan.

"Back off, Hermes." Adonis growled.

"You're hurting her."

"This is not your bussiness-"

"But it's ours." Putol ni kuya Stone na lumapit sa kinaroronan namin. Sa tabi niya ay nandoon si Kuya Blaze na bumaba ang tingin sa kamay ni Adonis na nakahawak sa akin. "Let her go, man."

Lumuwag ang kapit sa akin ni Adonis pero hindi niya ako binitawan. Sa halip at tinignan niya sila kuya. "I know she's your sister, but this is between her and me."

Nagkibit-balikat si kuya Stone at tumingin sa akin. Hindi na sila umimik ni kuya Blaze pero nakatayo parin sila malapit sa amin.

"Bitawan mo ako Adonis." muli kong utos.

"I thought we had a deal, Sky. Are you bored again? Why him, Skylee? Why my bestfriend?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko at nag-iwas ako ng tingin. Napagawi ang mga mata ko sa kinatatayuan ni Storm na tahimik lang na nakatungo. Pain surge into my heart again. I don't want to feel this way. Not to my sister...not to anyone.

"Ano bang pakielam mo?" asik ko.

Pagak na tumawa siya. Tuluyan na niya akong pinakawalan at umatras siya palayo sa akin. "You know where to go later. Our deal is not off."

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now