Previous Page of 6Next Page

As I Lay Dying [✓]

Dedicated to
AkoSiLhaidz
spinner.gif

ღ As I Lay Dying

 

Chapter 10: Remember my name, It’s Trinity, Bitch!

 

                KINABUKASAN nga ay nagtungo sina Rufus at Red sa babaeng sinasabi ng agent na nakapulot kay Gray. Sa isang iskwater nakatira ang babae. Hindi na masyadong naghanap ang mag-ama dahil eksaktong address na ang ibinigay ng agent.

                “Tao po!? Tao po!?” Si Red.

                “Si no ba ‘yan?” Tanong ng babaeng papalabas mula sa kusina na agad na nakita ng mag-ama  dahil malapit lang ang pagitan nito mula sa front door. “Mayaman. Ano hanap niyo? Kung naghahanap kayo ng maaampon na bata e wala pa.” Masungit na tugon nito.

                “Pwede ba kaming tumuloy?” Tanong ni Rufus.

                “O sige.” Atsaka niluwangan ng babae ang pinto. Pumasok ang mag-ama at naupo sa may mono block chair.

                “M-may hinahanap k-kasi k-ami...” tila hindi makapagsalita si Rufus dahil sa kaba. Sa kung anong pwedeng ibigay na balita sa kanya ng babaeng kaharap na mukhang hindi gagawa ng mabuti.

                “Hinahanap? Bakit? Hoy! Wala akong ninakaw na bata hah!” Depensa ng babae.

                “No.” Si Red. “It was five years ago noong—“

                “Sabi ng agent ko sa’yo daw napunta si Gray. Limang taon na ang nakakalipas ng ibigay siya sa’yo ni Lily, naaalala mo pa ba siya?”

Atsaka natigilan ang babae at nag-isip sandali.

                “Ah! Oo! Nagmamadali pa nga siya non eh! Bakit anak niyo ba ‘yung cute na cute na batang ibinigay niya sa’kin? Ang laki din ng kinita ko dun sa babaeng ‘yun. Ang yaman eh!” Bakya pa ang tono ng babae at mahahalata mong wala talagang delikadesa at hiya.

                “Hindi ko na pa papahabain ‘to.” Sabd ni Red. “I will give you five million ibalik mo lang ang kapatid ko ngayon.”

Nanlaki bigla ang mga mata ng babae nang marinig kung magkano ang ibibigay ni Red kapalit ng pagbabalik kay Gray.

                “Alam mo Mr. Gwapo tatapatin na kita. Kung gago lang talaga ako kukunin ko ‘yung anak kong limang taong gulang na at ibibigay ko sa inyo at sasabihin kong  iyon ang kapatid mo. Pero dahil nagbago na ‘ko sasabihin ko na din ang totoo. Wala na ‘yung kapatid mo. Nagkaroon kasi ng sunog dito noong gabing ibigay siya sa’kin ni Lily. Kaya iniwan ko diyan sa may kabilang barangay sa harap ng pintuan nila ‘yung bata. Hindi ko na nga nabenta eh. Sayang! Pero ‘di bale malaking pera naman ang ibinigay sa’kin ni Lily bago siya nagpakamatay.”

                “A-anong ibig mong sabihing i-iniwan?” Tila gusto ng mag-freak-out ni Rufus dahil alam niyang kabiguan na naman ang kanilang kaharap sa paghahanap kay Gray.

                “Aba e anong magagaw ko? Pasalamat kayo ‘di ko binenta!” Sarkastikang sagot pa ng babae.

                “Maaari niyo ba kaming tulungan puntahan ‘yung bahay?” Malumanay na tanong ni Red.

                “Oo.” Tango naman ng babae.

 

Nagtungo sa isang lumang bahay ang tatlo. Sa bahay na sinasabi ng babaeng pinag-iwanan niya kay Gray.

                “Tao po!” Malakas na sigaw niya. “Tao po!” Ulit niya.

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (17)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 10: Remember my name, It's Trinity, Bitch!

Who's Reading

Recommended