Weather No. 29 *Speak Now*

88.4K 1.1K 230
                                    

Sorry sa matagal na update. Busy lang talaga ako. >____<

Hope you'll still READ. VOTE. COMMENT. LIKE.

Love yah readers. Lalo na yung mga walang sawang sumusuporta sa MSMDP.

Thank you talaga.

--------------------------------------------------------------------------------------------

 MERONG CONTINUATION ANG KWENTO NI VIOLET... CLICK ON THE EXTERNAL LINK OR GO TO MY PROFILE:MY WORKS: I'M GALD YOU'RE DYING

Weather No. 29

((-Sunny's POV-))

Isang linggo na ang nakalipas mula nung nakipagdeal kami kay Violet. Bukas na kasal nila. Nagkikita pa rin kami ni Cloud pero madalang. Busy siya sa preparations sa kasal. Ayun, mukmok to the max na lang ako kapag nag-iisa. Ayoko kasing abalahin si Josh at Cupcake.

Inaalagaan nila si Tita Gemma. Nasa ospital daw. Gusto ko nga dalawin pero hello?? Naconfine sa America. Punta ako? Nasaan ang pera? Waley. Ipinagdadasal ko na lang sila..

Hawak ko ang celphone ko. Naiiyak ako kasi naalala ko si Cloud. "Shete! Makaalis na nga lang ng bahay." Nagbihis ako at nagtungo sa malapit na seveneleven store. Bumili ako isang jumbo slurpee. Pampalubag loob man lang.

*sip *sip

"Sunny, I love you.."

"Hak! Hak! Ahak!" masamid-samid ako. Para kasing nag-e-echo sa tenga ko yung sinabi ni Cloud. Psh. Tumulo tuloy luha ko. Parang praning lang eh. Kaharap ko yung malaking slurpee habang umiiyak. Parang ipinagluluksa ko tuloy siya.

"Diba sabi ko naman sa'yo noon ayokong nakikita kang umiiyak?" Nagulat ako nung may nagtap sa balikat ko.

"Alex...*singhot* H-Hello *singhot*" si Alex lumitaw sa likuran at inokupa ang katabi kong silya. Kinuha niya yung panyo mula sa bulsa niya saka niya pinunasan ang pisngi ko.

"Thank you hah. *singhot* Nasaan si Bluenica?" nagtataka lang ako bakit mag-isa siya.

"War kami ngayon. Battered boyfriend na nga ako eh. Naagaw niya na sa kasi akin ang rank ko." Nag-smile siya. Halatang wala siyang pagsisisi o hinanakit na naagaw ni Bluenica yung top rank. Masaya na siya. "Ikaw, Sunny. Balita ko ikakasal na si Cloud? Bakit nakipagbreak ka sa kanya?"

Umiling ako. "Hindi. Dahil lang yun sa deal kay Violet." Tapos naluha ulit ako. Napahinga siya ng malalim. Iniangat niya ang panyo niya para siguro punasan ulit yung luha ko pero hindi niya itinuloy. Ipinaharap niya ako sa kanya at tinitigan sa mga mata.

"Wag kang susuko kung ayaw mo pang sumuko. Wag mong pupunasan uli ang luha mo kung gusto mo pang umiyak. Katulad din yan sa taong mahal mo. Wag mong sasabihing palalayain mo na siya kung hindi mo pa siya kayang iwan."

Parang tumimo sa isipan ko bawat salita nung sinabi ni Alex. Kiniss niya ako sa noo saka nagpaalam na siya sa akin. Nagpasya na rin  akong umuwi dahil lumalalim na ang gabi. Napadaan ako sa isang bridge. Nakikita ko yung city lights. Parang ang saya-sayang tignan kung andito lang si Cloud.

Kaso wal siya eh. "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!" Halos maubos ang hininga ko kakasigaw. Inulit ko pa ulit yun ng ilan pang beses hanggang sa sumakit ang lalamunan ko bago ako bumalik ng bahay. Praning ko lang eh no? Sinasaktan ko ang sarili ko sa ibang dahilan para makalimutan yung tunay na sakit na nararamdaman.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon