Weather No. 23 *Talk*

95.2K 968 160
                                    

A/N: Sorry madlang pipz. I can't UD nang mas mabilis. Busy sched eh. 9hours ang aking summerjob. Nagpapakayaman ako. Mwuahahaha! Echos! XD

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 23

((-Sunny's POV-))

"Animax!"   (>____<)

"Discovery Channel!"   (¬___¬)

"HeroTV!"    (>____<)

"National Geographic Channel!"  (¬___¬) 

"Cartoon Netwoooork!!"   (>____<)

 Inagaw ko yung remote kay Cloud Sunget. Hehehe, akin lang ang tv! Mwuahahaha!! OO, gising na ako. Dalawang linggo na ang nakalilipas. Andito pa ako, alive, kicking and licking good. Oops! I mean looking good sa mundong ibabaw! Hindi pa kasi pwede ang beauty ko sa heaven. Siguro di ko pa talaga oras.

Sabi nga nila Cupcake mahigit three weeks na ako andito eh. Isang linggong tulog at mahigit dalawang linggong gising. Ayon sa calculations ko, uhmm..mag-iisang bwuan na rin ata ako. Daldal ko much ano? Siguro dala ng matinding head injury. Mas baliw-baliwan ang dating ko ngayon.

In fairness, ang daming bumisita sa akin. Sila Josh, Cupcake, si Bubby ng Chantelise Academy, yung bandang CNBlue, pati SuperJuniors, FT Island, Beast, Girls Generation, Orange Caramel, si Yuu Shirota kasama si YUI, Wonder Girls, ang pangulo ng Pilipinas hatak-hatak ang cabinet members, si Garfield at ang kanyang mga kuting, si SimSimi (siya daw yung sisiw na mukhang naoverstay sa loob ng itlog), si Banana Man, yung tambay sa kanto, yung magbobote sa eskinita, yung author nito na mas baliw pa sa akin, si Lolo Ed, si Claire tapos yung asawa niya. Kaso may kulang. May tao akong hinahanap eh. Si Alex...nasaan kaya yun? Hay naku, baka busy at hindi man lang maharap na bisitahin ako. Nakakatampo. Parang hindi naman kami close friends nun. Hmp.

Oh well. Gigyerahin ko na lang siya kapag nakita ko siya. For the mean time, ine-enjoy ko pa ang buhay kasama ang aking mahal. Yow! Ang keso ko. Haha. Eh pano ba naman, si Cloud itong naunang magpakakeso.

*Flashback

Nakakarinig ako ng mga boses. Nangingibabaw yung boses ni Cloud. Unti-unti kong minulat ang aking mga matang nanlalabo. Nag-adjust yung paningin ko sa liwanag..

"Sunny!" narinig ko si Cloud at hinawakan niya ang kamay ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Maliwanag pero si Cloud..malinaw kong nakikitang nakatayo sa harap ko si Cloud.

Teka? Umiiyak siya? ~OMO. Patay na ba ako? Nakaramdam ako ng sakit sa ulo. Ah! Hindi pa pala. I feel pain eh.

"Sunny, thank God at gumising ka na. Pinag-alala mo ako ng sobra. Ikaw babae ka, buti hindi ka kinuha agad ni Lord! Hindi ko pa nasasabi sa'yong...MAHAL KITA. Sunny naririnig mo na ako hindi ba? MAHAL KITA." At hinalikan niya ako sa pisngi ko.

Napaiyak ako nun. Mahal din kasi ako ng taong mahal ko. I thought he would never get over with Claire.

*end of flashback

Cheesy nga sya nung time na yun eh. Lagi niya akong inaasikaso, laging andyan sa tabi ko. Kapag sinabi ko nga, gagawin niya agad.

Kaso bumalik ulit siya sa pagiging masungit nung pinagtripan ko siya.

"Cloud, ansakit ng ulo ko. Pwede bang sumayaw ka ng 'On the Floor'? Kasi sabi ni doc para gumaan daw ang pakiramdam ko kailangang may sumayaw sa harap ko." Sabi ko sa kanya.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon