Weather No. 28 *Should I Agree?*

87.1K 974 166
                                    

PLEASE.....READ.COMMENT.VOTE. READ>COMMMENT>VOTE

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 28

((-Cloud's POV-))

Unknown number? Sinong tumatawag?

"Hello?" sagot ko sa tawag.

"Cloud, please don't end the call!" sigaw agad sa akin ng isang pamilyar na boses. Parang kay.. "Hey, si Violet 'to. Hindi ako manggugulo. Promise."

Ayoko siyang pagbigyan. Puputulin ko na sana yung tawag pero naawat niya ako. "Naka-arranged marriage tayong dalawa."

"What the ef are you saying?! Violet, wag mong sirain ang gabi ko dahil kanina pa nasira ng magaling na si Mrs. Buenavista." Buti na lang at nandyan si Sunny kaya hindi ako tuluyang nagwawala ngayon. Siya lagi ang dahilan kung bakit nagpipigil ako ng galit kanina dahil ayaw kong siya naman ang magalit sa akin. Pero dito kay Violet, walang pigil-pigil. Sa naiinis ako sa bruhitang 'to eh.

"Nasaan si Sunny?" it should sound like a question but instead, it sounded like a command.

"Anong gagawin mo? Aawayin mo siya? No way."

"Please Cloud, pakausap si Sunny. Nagmamakaawa ako sa'yo. Hindi mo lang buhay ang dawit dito..pati rin sa akin." Narinig ko ang paghikbi niya.

*sigh "Sige, pagbibigyan kita pero oras na may marinig ako sa'yong paninira o masamang bagay tungkol kay Sunny, wag mo nang abalahing tumawag pang muli kasi isu-sure ko sa'yo, may masasabi akong hindi mo matatanggap."

Ninerbyos ang boses niya. "Deal."

Pumasok ako uli sa loob ng kotse. Sh*t! Bakit umiiyak si Sunny?! "Sunny, what happened?" alalang tanong ko sa kanya. May m-multo bang nagpakita? "Uy, bakit ka umiiyak?"

Imbes na sagutin niya ako, pinaghahampas niya ako sa dibdib. "Sinungaling! Manloloko! Ikakasal ka na pala!" Patuloy pa rin niya akong sinasaktan. Nasalo ko yung dalawang kamay niya at napigilan.

"Anong ikakasal ang sinasabi mo?" takang tanong ko. Hindi ako ikakasal. Teka? Hindi nga ba ako ikakasal? Nabitiwan ko si Sunny. Isinapak niya sa akin yung wedding invitation at nabasa kong pangalan ko ang nakalagay at kay...VIOLET?! What the!

Niloudspeaker ko kaagad ang phone. "Violet! Anong ibig sabihin nito hah! I'm sure you heard what.."

"That is what I've been trying to tell you. Kanina pa! Kulit mo kasi. Ibigay mo na nga yung phone kay Sunny at nang maliwanagan siya ng bongga." Tiningnan ko si Sunny. Though, sumisinghot pa siya at naluluha, kinuha niya ang phone.

Sa gulat ko, she changed the loudspeaker mode at ginawang handheld. Aangal pa sana ako pero, inilayo niya na ang phone sa akin. "Hello Violet....Bakit?....... Hah?!....Bukas...Sige bukas. Don't worry. Oo, pupunta kami. Okay lang sa akin. Sorry din. Bye." Kausap ni Sunny si Violet sa phone at hindi ko man lang alam kung ano yung topic nila.

Kainis, mukhang naniniwala si Sunny sa Violet na yon. Paano kung sinisiraan niya ako. Pero sa narinig ko, mukhang makikipagkita siya kay Violet eh. At nagsorry pa si Sunny sa kanya? Tss. Ibinaba na niya ang phone.

"Sunny..." basag ko sa katahimikan. Nakatungo lang kasi siya at sumisinghot. Tahimik siyang umiiyak.

*HUG

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon