Weather No. 39 *First Kiss*

79.9K 935 124
                                    

Author's Note: Pasensya na sa napakatagal na UD. Sabi ko nga po, may buhay pa ang mga writers na gaya ko bukod sa kanilang nobela. May kanya-kanya tayong gampanin sa buhay na dapat na pagtuunan ng pansin higit pa sa iba. Sa mga nagmamadali, sige, kayo na writer. De. Joke lang syempre. Hindi ko ipapamigay ang mga akda ko. Tandaan niyo po, ipagpapatuloy ko ang MSMDP hanggang sa dulo. Fighting!

Please READ. COMMENT. VOTE. LIKE. BE A FAN.

VISIT OUR FACEBOOK FANPAGE AND GROUP :)

--------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 39

 ((Alex-'s POV-))

"Sure. I'll kiss you."

O_____O

What the?! Hahalikan niya talaga si Bluenica?! Lokong Cloud 'to ah. Oo kanina sabi ko manunuod lang ako sa kanila pero ngayon.. GRRRRRR!

*Hatak kwelyo

Sinunggaban ko si Cloud na namumungay ang mga mata at binitbit ko na parang tuta sa collar ng polo-shirt niya. Isinandal ko siya sa pader habang iniipit ko ang leeg niya sa braso kong nanggigigil.

"LOKO KA?! Anong gagawin mo hah!" bulyaw ko sa kanya.

Umangat ang labi niya sa akin. *smirk

"Ano pa nga ba? Eh di hahalikan ko si Bluenica." Tapos tumawa siya na parang baliw. "Ano problema mo?" tanong niya naman sa akin.

Asar 'to. Nabitawan ko siya. Lumagapak siya sa sahig.

"Kasi nga...!" mah---master ko siya. Aso niya ako!

Napalingon ako sa direksyon ni Nica na malakas na humihilik. Tss. Sabi kong wag maglalasing eh. Si Sunny naman yung nabalingan ko. Kagat-kagat ang labi tapos mukhang naguguluhan. Ako din eh naguguluhan. Saan ba siya nakalingon? Sa akin ba o dito sa manyakis na nasa paanan ko.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawa. Kay Sunny at Bluenica. Humakbang ako papalapit pero hindi ko alam kung kanino.

"Lulu...cute, cute Lulu... Eat poo." nagsasalita si Blue habang pikit ang mga mata.

*sigh

Bahala na. Sa isang iglap buhat ko na siya papunta sa couch. Inihiga ko siya doon. Grabe, hindi ko siya matiis. Inalis ko yung hibla ng mga buhok na tumatabing sa mukha niya tsaka ko hinawakan sa kamay si Sunny. Trabaho lang.

Wala siyang imik na nakatingin sa akin.

"Josh, una na kami." Tumango ako kila Josh at Cupcake na nagliligpit ng mga kalat.

"Teka," tawag sa akin ni Cupcake. "Anong mauuna na?"

"Aalis na kami." Walang ganang sagot ko. Ano ba.

"Aalis? Saan pupunta?" tanong naman ni Josh.

"Uuwi." Isang walang ganang sagot na naman. (=______=) Psh. Palayasin niyo na nga kami.

Nameywang si Cupcake sa harap namin. "Dito ho nakatira si Sunny. Kung iuuwi niyo po siya, dito niyo siya ibalik...nang buo." Taas ng kilay. Halatang ayaw ni Cupcake sa amin ni Sunny. Anong magagawa niya? Eh sa ayaw ni Cloud magtapat tapos nautusan pa ako ng amo kong walang awa.

"A-ano, may pupuntahan lang kami sandali." Paalam ni Sunny sa kanila. Nagulat ako. Wala naman akong balak na puntahan. Wala kaming usapan. Ni hindi ko nga rin alam na bahay na pala nila Sunny 'to eh. Wala. Nawala sa isip ko.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon