18: Weird conversations

1.1K 20 5
                                    

A/N: Hi! I actually edited the previous chapters. Naramdaman ko kasi ang need of editing thats why. You can refresh (log out and in) the story if you want to go back with the previous chapters. It's now better than before. :) Anyway, thank you sa mga patuloy pa ring nagbabasa (showy and silent readers) kahit na ang tagal nitong na hold. Sana pagtiyagaan n'yo pa rin. Sorry kasi wala akong kwentang mag update :'(... hahaha! If you want to tell me something just message me. I won't hesitate to reply. Enjoy reading guys!

****************

"She's with me." Rinig kong wika ni Brix. I still can't move. There is one gun infront of me and I don't know how many guns are there at my back. Knowing nothing is really killing me. Pigil na pigil ang paghinga ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Who are these people? And why the hell we're here? "Pa, she's with me."Mahina ulit na sabi ni Brix. What? Pa? Is he the father of Brix? This good looking old man in front of me? Itong lalaking may hawak na baril na nakatutok sa noo ko?

Ibinaling ng lalaki ang tingin kay Brix at saka isinunod ang hawak na baril. Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko na itinutok niya ito sa noo ni Brix. My heart is panicking upon seeing that gun pointing on Brix head. I hate that madda fakker gun! Tumalim ang tingin sa kanya ng tinawag n'yang "Pa". I don't get it. Kung ito ang ama ni Brix, bakit niya ito kailangang tututukan ng baril? O baka naman "Pa" ang pangalan? Sino ba siya? mukhang hindi naman sila magkamukha ni Brix.

"Why did you bring that person here?" Tanong ng lalaki pero hindi sumagot si Brix. Kahit ako hindi ko alam ang sagot. Bakit n'ya ako dinala dito? I don't get it. I'm confused and I'm scared. I don't wanna die this way.

Matagal na tumahimik ang paligid. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Tila ba naguusap sila sa pamamagitan ng matatalim nilang tingin.

"Put down your gun, Steban!" Isang mas matandang lalaki ang unti-unting lumapit sa amin. He's older than this good looking old man infront of me. Nakatungkod at puti na ang buhok. "Wag mong bastusin ang ating bisita." Wika pa nito ulit saka unti-unting ibinaba ng lalaking tinawag niyang steban ang baril na nakatutok kay Brix. Naramdaman ko rin ang pagbaba ng mga baril sa likuran ko at ang pag alis ng hindi ko alam kung ilang kalalakihan.

"Make sure she'll not do anything stupid or else, I wouldn't hesitate to end her life." Sabi ng lalaking 'yon then he left. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Ngayon, kami nalang tatlo ang naiwan sa mala grand entrance ng mansyon na ito.

"Pagpasensyahan mo na ang ama ni Brix. He doesn't know how to entertain visitors." Ama? Now it's already cleared. That good looking old man is really the father of Brix but I still don't get it. Bakit nito kailangang pagbantaan ang buhay ng anak niya? "Tell me apo, is she your girlfriend?" Apo? So, ito ang lolo ni Brix. I should be thanking him and show him some respect. Akma sana akong magmamano pero tumawa ito.

"You're a silly girl. Do I really look that old?" Sabi niya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. Hindi ko na itinuloy ang balak kong pagmano. Nainsulto kaya ito sa ginawa ko o sadyang masayahin lang siya?

When she gets pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon