12: Trying to ignore

1.3K 18 1
                                    

Hindi na ulit kami nagkita ni Brix simula noong maganap ang laglagan portion na usapan. Ilang days na rin ang nakalipas. Wala kahit anino nito o kahit isa man sa mga kaibigan niya which is good para walang dahilan para mainis ako.

Araw-araw magkasabay kami ni Rico at madalas ko rin itong nakakasama. I'm still trying to adjust with my new environment, i mean, I'm still learning how to ignore people around me. laman lang naman kasi ako ng usapan ng lahat, and I don't know what's special about me to be on their topic almost everyday. I know I'll be use to this. I just don't know when.

Isa rin sa sobrang bumabagabag sa akin ay ang kasungiting pinapakita sa akin ni Con dahil kay Rico. Ramdam kong gustong-gusto nito si Rico pero hindi ko kayang iwasan si Rico sa pagkakataong ganito. Kahit papaano napapagaan nito ang pakiramdam ko.

"Parang ang lungkot mo nitong mga nakaraang araw? May problema ka ba? Gusto mo bili kita ice cream?" Tanong ni Rico habang naglalakad kami sa corridor. Corny si Rico. He thinks that I'm still that girl he used to know when we are young. Akala nito ay mababaw pa rin ako.

"Ahm.. Wala noh. Ok lang ako... Tsaka hindi na ako bata para ibili mo ng ice cream."

"Dati kasi ang hilig mo sa ice cream. One of these days kakain ulit tayo ng maraming maraming ice cream tulad ng dati. Libre ko syempre." I smiled at him. Hindi niya na ako dapat tinatrato na parang bata pero hinahayaan ko nalang siya. Ayokong basagin ang trip niya. "Sure ka ok ka lang talaga?"Tanong nito ulit.

"Ahm sige pasok na ako sa room. Thank you sa libreng lunch!" Sabi ko. Hindi ko nalang sinagot ang tanong nito. Hindi ba ang corny niya talaga? Matanda na kami para maging exciting pa ang pagkain ng ice cream. Mas matutuwa siguro ako kung sinabi nitong ililibre niya ako sa mamahaling restaurant.

"Wala 'yon. Basta next week sama ka ah?"Niyaya nga pala ako nitong mag out-of-town kasama mga kaklase niya. Nag-agree nalang ako kahit na hindi ko alam kung sasama ako.

I'm still seated at the back....Alone. Like having some kind of disease. Ilag pa rin sa akin ang iba kong kaklase especially girls. Sukat ba naman kasing halikan ako ng heartthrob sa school nila diba? Bakit, akala ba nila ikinalaglag ng panty ko yung paghalik sa akin ng walang modong yun? The heck! Oo, gwapo talaga si Red pero hindi ko siya feel dahil sa pambabastos nito sa akin. He's a first year college student. May college department kasi ang Monte Claire High. Exclusively for deep-pocketed people. Nakikita ko nga ito minsan pero ang kapal lang ng pagmumukha! Hindi ito humingi ng tawad sa kagaguhang ginawa niya sa akin.Napaka gago talaga ng mga lalaki ano? Sorry for the bad word pero talagang ang gagago nila.

Wala pang teacher at busy ang lahat. Ako naman ay inaantok kaya inihiga ko sa armchair ang ulo ko. May naramdaman akong umupo sa tabi ko pero hindi ko pinansin. Parang wala na akong panahon para intindihin ang mga nangyayari sa paligid ko. Masakit ang ulo ko dahil wala pa akong maayos na tulog dahil sa Brix na 'yon.

Naiiyak na ako. Napaka useless lahat ng effort ko lalo na ang paglipat ko dito sa walang kwentang school na ito.

"Good afternoon class!" Rinig kong bati ng teacher namin pero tamad pa akong itaas ang ulo ko at isa pa namumugto ang mga mata ko.

"Wow! Look who's here? Welcome back Mr. Manuel and the group! Thank you for attending my class today!"

Huh? Mr. Manuel? Did I heard it right? Iniangat ko ang ulo ko this time para sumilip.

Tila nanlambot ang tuhod ko. Bumungad sa akin ang ngiti ni Brent, Jemson, Lexus, max at spark. Nakatingin sila lahat sa akin maliban lang sa katabi kong si Brix. Oo, nasa iisang row lang kami at katabi ko si Brix.

When she gets pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon