16: Devil again

1.1K 17 15
                                    

"BOTH OF YOU, GET OUT! GET OUT OF MY CLASS!!!" Sigaw ng Teacher namin sa Physics. 

Tatlong beses. Tatlong beses kaming nawarningan. Panay kasi ang tukso sa amin ni spark sa kung ano daw nangyari noong nawala s'ya. Kami naman ni Brix ay saway ng saway sa kakulitan n'ya at sa kasamaang palad, kami ang naaaktuhan. I wonder? Binalak kaya ni Spark 'yung pag iwan sa amin kagabi para magkasarilinan? Alam n'ya kaya kung anong meron sa amin ni Brix?

"Fine! Boring naman ang klase mo eh!" Sagot ni Brix saka lumakad palabas. Kita ko naman na umuusok talaga yung tainga ni ma'am kaya kailangan ko na ring makalabas dito. Baka mabato n'ya pa ulit ako ng kung anong bagay. Medyo sadista eh.

"I changed my mind. Ms. Madrigal, maiwan ka dito!" Dinig ko bago pa man ako makalabas ng room.

"Po? Kami po bang dalawa ni Brix?" Tanong ko.

"Of course, ikaw lang darling! Kailan pa naging Ms. Madrigal si Mr. Manuel? Oh c'mon....COME HERE!" Napalunok ako. Masyadong tricky ang pagsabi n'ya ng come here. May darling pa! Wala na si Brix. nakalabas na s'ya ng tuluyan. Naiwan ako sa ganitong sitwasyon habang ang lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. Nakakahiya! >.<

"Go there!" Sabay turo n'ya sa sulok. "You know what to do, Ms. Madrigal!  Awwww! SINASABI KO NA NGA BA EH!! Ganitong ganito 'yung ginawa n'ya kamakailan sa isa kong kaklase. Halos kalahating oras din 'yon. Kaya ko bang mag-squat until matapos ang subject n'ya? Huhu! Mahaba habang oras pa. T__T

"You should've listened to me! You know that chit chatting in the middle of my class is a crime right? Sige, pagdusahan mo ang pagdadaldal mo sa klase ko! You deserve that punishment for not obeying my rules Ms. Madrigal at nang magtanda ka."

Nakakapanginig ng tuhod ang kahihiyang ito. Ok lang naman sa akin ang mag squat pero 'yung mapahiya sa harap ng maraming tao. Hindi makatarungan! Eh wala naman ako magagawa. Teacher s'ya, estudyante n'ya lang ako. Ayon, sunod sunod din pag may time.

Hindi pa man ako tumatagal sa squat position na 'yon ay dumating si Brix.

"Hoy tanda magtigil ka!" Bastos na sabi ni Brix sa physic's teacher namin. Pasensya na bastos talaga ugali n'ya. Kahit sa former school namin ganyan n'ya binabastos ang mga teachers.

"Sinong tanda?!" Galit na sabi ni ma'am.

"Eh, sino pa ba? Malamang ikaw diba? Alangan namang kami...eh hindi pa kami kulubot tulad mo! Umayos ka nga at baka hindi kita matansya tanda ah!"  Bastos na bata. Nagtawanan tuloy ang lahat sa klase. Wala na ba talaga s'yang takot?

Hindi ko alam kong anong nangyari basta nalaman ko nalang na hawak n'ya na ang kamay ko at nasa labas na kami ng room. Hinatak n'ya ako palayo sa nag-aalab naming teacher.

"MR. MANUUUUEEEEEELLLL!!!!"  Rinig kong malakas na sigaw mula sa room. Kahit na medyo malayo na kami sa room ay masakit pa rin sa tenga ang sigaw ni ma'am. Nakakakilabot!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Walang bukas na tawa ni Brix noong napahinto na kami sa paglalakad. Mukhang masaya talaga s'ya sa ginawa n'ya sa isang teacher. "Sarap asarin ng mga matatanda eh noh?! HAHAHA!" Dugtong n'ya pa pero napatingin ako sa kamay n'yang nakahawak sa kamay ko. Mainit kasi sa pakiramdam eh. Parang nag go-goosebumps ako. hihihi! Pero binitiwan n'ya rin kalaunan. Sayang! Sana nagtagal pa.

"Ano ka ba?! Bakit mo ginawa 'yon?" Sabi ko sabay hampas sa balikat ni Brix. Sa matigas n'yang balikat. Hihihi!

"Laughtrip nga ang putik eh! HAHAHAHAHA! Ang saya diba?"  Grabe! Sobra na ang kaba ko sa dibdib tapos may gana pa s'yang tanungin ako kung ikinatuwa ko ba ang ginawa n'ya. Lord, ano nalang ang kahahantungan ko nito? "Teka, Takot ka ba?"Hindi ako nakapagsalita dahil sa totoo lang ay konting-konti nalang at manginginig na ang tuhod ko. "Tsssh! Hindi ka dapat natatakot sa matandang 'yon. Private school ito. It means, ikaw ang nagbabayad sa kanila. Tuition mo ang nagpapahaba ng buhay nila. Tsssh! Masyado ka naman takot!"  Sabi n'ya pa. 

"Eh kasi pambabastos na 'yon eh."

"Bahala ka nga sa buhay mo!" sabay unti-unti s'yang lumakad palayo sa akin. "Sige bumalik ka 'don para amagin ka ng halos isang oras sa pag squat. Tingnan ko lang kung makapasok ka pa. Tssssh! Imbis magpasalamat kasalanan ko pa!"

"S-sorry na. T-thank you na! Pero wag mo na uulitin. Hayaan mo nalang ako next time. Mahirap na kumalaban sa matatanda."Sabi ko nalang para wala na ring pagtalunan. Napaharap s'ya sa akin habang nakasukbit ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants n'ya.

"Pwede ba tigilan mo pagiging mabait sa harap ko? Nakakairita eh! Why don't you try how to become a Demon sometimes? It's good! May thrill at masarap sa pakiramdam. 'Di mo ba alam na sa pelikula ang mga mababait laging kawawa?

"Anong klaseng advice yan? Magkaiba ang feelings ng babae sa lalaki noh! Kung kayo bato, kami snow... natutunaw."  Sabi ko. Medyo naging seryoso ang paligid tapos nagkatinginan kami at bigla nalang s'yang lumapit sa akin. Naaamoy ko na tuloy ang hininga  n'ya sa sobrang lapit n'ya sakin.

"So, feeling mo snow girl ka? Tsk! Mahina ka lang talaga. Tingnan mo nga, nakuha kita sa isang gabi lang. Marupok ka! Konting init lang ng katawan ko, tumataas na yang balahibo mo." Tumingin s'ya sa braso ko. "See.." Itinago ko naman kaagad ang braso ko. Tama s'ya. Tumataas talaga ang balahibo ko kapag lumalapit s'ya. Mayroon kasi akong nararamdamang hindi ko maipaliwanag. Hindi ako natatae ah. Iba ang feeling kapag malapit sayo ang mahal mo kumpara sa banyo. :3

Tumahimik ako kasi admitted ako pero binasag ko rin ang katahimikan.

"FYI, hindi ako mahina noh! Sadyang...sobrang mahal lang talaga kita. Ganon lang 'yon! Hindi porket minahal kita mahina na ako.. Basta mahirap iexplain! Hindi mo maiintindihan. Tanging mga totoong nagmamahal lang ang kayang umintindi ng ganitong pakiramdam." Sabi ko pero hindi ko kayang tumingin sa kanya ng deretcho. Nakakahiya! Ang corny ko ba? Masyado na akong bulgar sa nararamdaman ko sa kanya. Eh, itatanggi ko pa ba? Aware na rin naman s'ya sa nararamdaman ko diba? So, wala na sigurong masama.

"Ganon? Alam mo, ang drama mo noh? Tsaka bakit ba masyado kang vocal sa feelings mo? Bigyan mo naman ng privacy 'yung nararamdaman mo. NAKAKA TURN-OFF KA!!"  Tumalikod s'ya sa akin at naglakad palayo matapos n'yang sabihan sa masungit na paraan ang "nakakaturn-off" line na yon.

Nakaka turn-off daw ako? Anong gusto n'ya? magpa hard-to-get pa ako kahit obvious naman na gustong-gusto ko s'ya? Grabe! Kanina ang sweet n'ya tapos ngayon ang sungit n'ya. Ano to? Back to normal?

Hinabol ko s'ya. Ok, I get it! Sa huli, ako talaga ang hahabol sa kanya.

"Napapano ka ba? Anong problema mo? Sweet ka na sa akin kanina diba? Oh, bakit nagiinarte kang ganyan?"

"Nakaka turn-off ka! 'Di mo ba naiintindihan 'yon? Nakaka TURN-OFF KA! SAGAD!"  Sabi n'ya sa mukha ko pa. halos tumalsik na laway n'ya sa pagmumukha ko. 

"Nagpapakatotoo lang naman ako ah. Sige! Bahala ka! Edi, maturn-off ka kasi!"

"Oo talaga! Hindi na ako manliligaw sayo! Wala kang ka-challenge challenge!"

"Seryoso ka?" Tanong ko.

"Oo, Nakakawalang gana kasi 'yang ugali mo. Kahit sinong lalaki hindi gaganahan ligawan ka. Isaksak mo sa utak mo na hindi na ako manliligaw sayo. Kalimutan mo lahat ng sinabi ko sayo kahapon! Bukod sa hindi ka na maganda, wala ka pang ka pride pride sa sarili mo! Umayos ka! Kababae mong tao! Easy to get ang pota!"

ANO DAW? EASY TO GET AKO?! PUTANG---- HAIY! NAKAKAPIKON NA S'YA! 

"Okay fine! Wala na akong paki-alam kahit di mo na i pursue panliligaw mong walang kwenta basta wag mo lang nilalait pagkatao ko. Hindi lahat ng bagay at tao dapat naayon sa gusto mo. Ganito ako so DEAL WITH IT! Kung hindi mo kaya GET LOST!" Tumalikod na ako sa kanya para lumayo. Ayaw ko na marinig mga kagaguhan n'ya.

"Talaga! At wag kang mag-alala! Susustentuhan ko 'yang bata!"

"Kahit wag na! Di ko kailangan!"  Sagot ko bago makalayo sa kanya ng tuluyan.

Okay! Gago n'ya! ISA S'YANG MALAKING PAASA!

------A/N: Sorry ngayon lang. Busy po ako sa work. :))--------

When she gets pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon