9: First time in forever

1.6K 30 6
                                    

I haven't seen him for almost two weeks now I'm too tired of everything! Tinakasan na ako ni Brix. Kahit anong gawin ko hindi na ito magpapakita sa akin. He hates me so much and there's nothing I can do about it. After all, this is all my fault. I dragged myself into this situation so I have to take the punishment with all my heart.

Would she still accept me? Mapapatawad kaya ako ni mommy? I dunno. Malalaman ko lang ang sagot kapag naipagtapat ko na kay mommy ang lahat. I'm not yet ready but admitting this mistake would be my only choice. I 'm too tired of keeping this.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama kahit na basang-basa ang buhok ko. Kakatapos ko lang mag shower and believe it or not, I tried to kill myself in the shower room. Suicide is becoming an option for me. Pero hindi madaling magpakamatay. Mahirap, masakit at nakakakonsensya. In the end, I chose to continue my life and just face the alter of my mother. Mamaya sasabihin ko na kay mommy ang lahat. I'm just preparing myself.

I closed my eyes, Convincing myself that everything will be fine. After a moment of silence, tumunog ang phone ko. Nag-aalangan akong sagutin dahil hindi nakasave sa phonebook ko ang number na tumatawag hanggang sa mag-call ended. Halos isang minuto lang ay naka-received ako ng text mula sa number na iyon.

"Hey, sailormoon! labas ka. Nasa harap ako ng bahay niyo." Huh? Sailormoon? Sino ba 'to? Hindi man lang nagpakilala.

"Huz diz?" Jejemon kong reply at mabilis naman ang reply nito.

"Rico 'to" Bigla akong napatayo dahil sa nabasa kong reply. Si Rico? nasa labas ng bahay namin? Nabigla ako at nagmadaling lumabas ng bahay.

Isang matamis na ngiti ang sumalubong sa akin pagkabukas ko ng gate. Ang magkabilang dimples nito ay hindi pa rin nawawala.

"Sailormoon!" Hindi pa ako nagsasalita ay niyakap na ako nito. It feels so awkward! Ngayon na lang kasi kami ulit nagkita after how many years."Grabe, dalaga ka na sailormoon." Walang duda, Si Rico nga ang nasa harapan ko. Ito lang naman ang bukod tanging tumatawag sa akin ng sailormoon. Ang corny pero nasanay kasi ito sa ganoong tawag sa akin. Mahilig kasi akong mag skirt noong kabataan ko. Pinagmasdan ko siyang mabuti. He looks mature, cuter and nerd....in a manly way."Bakit ganyan ka makatingin? gwapo ko na noh?" Sabi nito sabay tawa.

"Sira! Slight lang." Wika ko. Then he smiled at me...handsomely. Why all of the sudden nawala ang bigat na nararamdaman ko? Ang takot ko nawala. Lakas makawala ng stress ni Rico!

Rico is a good friend of mine. Magkaibigan ang mga parents namin sa probinsya.Almost 5 years na yata kaming hindi nagkikita at sobrang laki talaga ng pinagbago nito physically. I can't help myself from praising him. He's very attractive especially with those dimples. Nalaman kong nakakuha siya ng schoolarship at kaka-transfer lang sa Monte Claire High. Isang napaka-prestigious na school. Tuwang-tuwa si mommy noong nakita ito. Well, Rico is her favorite inaanak, eversince. Halos ituring niya na itong tunay na anak noong mag stay kami sa probinsya.

I'm actually enjoying our conversation. Rico has this huge humor that made him more attractive. Probinsyano si Rico kaya napaka simple nitong lalaki. Wala akong nakikitang kaartehan at kayabangan sa lahat ng kilos at pananalita nito. Nakakagaan sa pakiramdam na makausap siya at tulad pa rin kami ng dati kung mag-asaran. Walang pinagbago kahit na ilang taon kaming hindi nagkita.

"Balita ko maganda sa Monte Claire High. Maraming magagandang babae uuyy!" Biro ko. Corny pero wala akong maisip na ibang topic.

"Para sa akin mas maganda ka pa rin," Isang seryosong tingin ang ipinukol nito sa akin. Naging awkward tuloy ang paligid. "Kaso hindi ka marunong magsuklay." Tumawa ito. Kamuntikan ko na bigyan ng meaning ang seryoso at malagkit nitong tingin sa akin. Loko loko pa rin Rico! But seriously, humarap ako sa kaniya kahit ganito itsura ko? I'm too comfortable with him, I guess."Magsuklay ka na nga kirara!" As per his request, nagsuklay ako. Siguro nadi-distract na ito sa pagmumukha ko.

When she gets pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon