Kabanata 4 - Part 2

161 22 53
                                    

Aw hindi umabot ng 500 comment ang last chapter nainip na kami hahaha

Again ang wala dito nasa Kabanata 5 hahaha hati-hati po kasi to sana maintindihan nyo ^_^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kasalukuyang nasa liblib at madilim na lugar ang isang grupo, misyon nilang patayin ang grupo ng mga taong lobo na nagnanakaw at pumapatay ng mga inosenteng tao.

Hindi nagkakalayo ang agwat nilang lima sa isa't-isa habang nakalikod sa mga kasama at pinagmamasdan ang paligid. Unti-unti silang umuusad habang pinakikiramdaman ang paligid. Kailangan nilang maging alerto dahil ano mang oras ay maaring lumabas ang mga hinahanap nila.

Lahat sila'y napalingon ng may kumaluskos sa gawing kaliwa. Tiningnan ng pinuno ng grupo ang isang lalaki at sinenyasan itong tingnan kung anong meron doon. Agad naman itong sumunod. Bago pa sya tuluyang makalapit ay biglang may tumakbong rakun mula sa damuhan.

Napahawak sya sa kanyang dibdib at napabuga ng hangin. “Haa... kala ko kung ano na.” sambit nya.

“Tch duwag ka talaga Luigi.” sabi sa kanya ng isang lalaki.

“Tigil! Ikaw nga tong kanina pa siksik ng siksik sakin Mario.” sagot ng kanyang kakambal.

“TUMIGIL NGA KAYONG MAGKAPATID!!” galit na sigaw ng kanilang pinuno na si Vien.

“Relax boss, ang puso mo.” biro ng isang babaeng mage, si Lerain.

“Pasaway kasi eh tss.” sagot ng kanyang manliligaw.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo ay bigla na namang may kumaluskos. Napalingon sila sa pinanggalingan nito at doon ay lumabas ang isang taong lobo. Napatili si Lerain nang dakmaan nito si Vien sa kanyang harapan.

Akmang tutulungan na sana ng magkapatid ito nang biglang may pumigil sa kanilang likuran. Parehong hawak ng dalawang taong lobo ang kanilang kamay sa likod.

Inihanda ni Victoria ang kanyang sandata habang si Lerain ay hindi parin kumikilos sanhi ng pagkabigla.

“LERAIN SA LIKOD MO!!!” sigaw ni Vien. Buong lakas nyang itinulak ang nakadagan sa kanya at dali-daling niyakap ang dalaga. “AHH!!!” napasigaw sya sa sakin na dinulot ng kalmot nito sa kanyang likuran.

“V-Vien.” bulong ni Lerain. Unti-unting itong napabitaw sa pagkakayakap sa kanya at bumagsak sa sahig. Lumuhod sya sa tapat nito ng tulala habang kusang pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata.

“VIEN!!!” sigaw ni Mario. Pilit syang kumawala sa nakahawak sa kanya. “BITIWAN MO KO!!!” biglang may mga kidlat na tumama sa iba't-ibang parte ng gubat na naging sanhi ng pagtumba ng ilang puno sa paligid. Napabitaw dito ang kalaban dahil may kidlat na tumama malapit sa kanyang likuran.

“HAAAAHHHH!!!” puno ng galit na nag-ipon si Mario ng kidlat gamit ang dalawa nyang kamay at ibinato iyon na parang bola sa tumapos ng buhay ng kanilang pinununo. Madali lang itong nakailag kaya tumama lang sa mga puno ang kanyang tira.

May lumabas pang dalawang taong lobo sa harap naman ni Victoria. Hinarap nya ang mga ito at inihanda ang sarili sa laban. Wala syang pakialam sa nangyari sa kanilang pinuno o sa kung ano man ang mangyari sa iba pa ngang kasama, ang mahala sa kanya ay mapatay ang kalabang nasa harap nya ngayon.

Habang lumalaban si Victoria, si Lerain naman ay patuloy sa pag-iyak sa harap ni Vien.

“Sshhh tahan na prinsesa ko.” nguniti pa ito kahit nahihirapan na sa kanyang sinapit.

Bloodline's GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon