Bloodline's Guild

3.3K 47 99
                                    

Title: Bloodline Guild

Genre: Fantasy, Adventure, Action, Mystery, Vampire, Werewolf, Teen fiction, Humor and Romance.

Ang Bloodline's Guild ay nabuo isang libong taon na ang nakakaraan. Ito ay pinamumunuan at kinabibilangan ng apat na nilalang na galing sa iba't ibang lahi. Ang Ninja, Mage, Vampire at Werewolf ay nagsama sama upang lipulin ang masasama, sila ay inuutusan at binabayaran ng mga matataas at kinikilalang tao sa lipunan para paslangin ang mga kriminal, terrorista at mga imortal na nanggugulo sa tao at tumiwalag sa Guild. Ang Guild ang gumagawa ng mga bagay na hindi magawa ng tao, at sila ang gumagabay at nagiingay sa balanse ng mundo.

Bago pa man maging isang tunay miyembro ng Bloodline's Guild ay kailangan dumaan ng mga kalahok sa nakamamatay na pagsusulit upang masubok ang kanilang diskarte, talino at lakas. Ang mga pumapasa ay panghabang buhay ng miyembro ng Guild hangang sa kanilang huling hininga. Sila'y nabibigyan ng lahat ng sagana na pwedeng ipagkaloob ng Guild, sila ay ginagawa  tagapaslang ng Guild na tumatapos sa buhay na iniutos sa kanila para kitlin. Ang mga natatalo naman ay utusan at trabahador lamang sa Guild, ngunit hindi naman sila inaalipusta at kinakawawa bagkus ay masagana pa nga ang buhay nila sa loob ng Guild. Hindi nga lang silang pwedeng magensayo ng kapangyarihan nila kaya sila ay humihina at parang nagiging normal na tao na lamang.

Sa paglipas ng panahon hindi na rin matatawaran ang pagunlad ng teknolohiya sa mundo kaya naman mas lalong napapadali gawin ng Guild ang kanilang trabaho lalo na't kakampi sila ng tao. Nagkakaroon rin ng mga hindi matukoy na insidente na nagpapagulo hindi lamang sa Guild kundi sa buong mundo, nagkalat rin ang mga rebelde sa Guild. Sila yung mga nilalang na ayaw magpasakop sa Guild sa pagaakalang kaya nilang mabuhay sa mundo ng hindi nagtatago.

Naililigpit naman ng Guild ang mga dapat ligpitin kaya naman napapanatili nila ang kapayapaan sa mga nagdaang taon. Ngunit isang kaalaman ang nagpagimbal sa kanila, ang nalalapit na paglabas ng Reaper sa impyerno.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ninjas - Shadow warrior o Shinobi ang tawag sa kanila. Sila'y may kakayahan kontrolin ang anino ng kahit anong nilalang. Kapag nakontrol na nila ang anino ng kalaban pinapasunod nila ang katawan nito upang kitilin ang sarili. Magaling rin sila sa kahit anong sandata bukod lamang sa baril, sanay sila sa pisikalang laban at hindi matatawaran ang kanilang galing. May kakayahan rin silang maglakbay sa kahit anong dimensiyon at ang paborito nilang lugar ay kadiliman. Agad ding naghihilom ang kanilang mga sugat ngunit ang kagat ng bampira o taong lobo ang kayang pumatay sa kanila, iyon ang kanilang kahinaan.

Mage - Sila'y may taglay na malakas na mahika. Nagagawa nila ang lahat ng kahit anong naisin, iba't iba ang kanilang kakayahan. Mayroon kayang kontrolin ang apat na elemento, mayroong kumukontrol ng mga kaluluwa, mayroong may kakayahang kontolin ang oras at panahon, mayroon ding manggagamot at mayroong gumagamit ng itim na mahika. Pero ang tangi nilang kahinaan ay ang kanila ring malakas na kapangyarihan dahil kapag hindi nila ito nakontrol, sila ay maaring patayin ng sariling mahika.

Vampires - Mga typical na bampira, mabilis, malakas, tuso at matalino. Utak ang kanilang ginagamit sa laban, hinahanapan muna nila ng kahinaan ang mga kalaban bago sila umatake. Iba't ibang klase ng baril ang kanilang paboritong sandata. Dugo ng tao ang kanilang kahinaan ngunit mahigpit na ipinagbabawal sa Guild ang paginom sa dugo ng tao. Kaya nagtitiis sila sa dugo ng kahit anong hayop. Sila ay malapit sa mga Mage, pinapainom sila ng dugo ng mga Mage upang sila ay lalong lumakas ngunit ito ay lingid sa kaalaman ng Guild. Gumawa rin ang Mage ng orasyon sa kanila upang maprotektahan sa araw.

Werewolves - Mga taong lobo, mainit ang ulo, agresibo, palaban, lakas ang puhunan. Sila'y kaaway ng mga bampira, pero sa Guild pinapakita nilang magkakasundo sila upang hindi maparusahan. Kabilugan ng buwan ang kahinaan nila pero tinutulungan din sila ng mga Mage upang makontrol ang sarili kapag sila ay magpapalit ng anyo kung kaya't kahit anong oras maari na silang maging lobo. Sila ay walang awa kung kumitil, brutal na pagpatay ang ginagawa nila sa mga kalaban kaya naman sila'y kinakatakutan.

Reaper - Sinaunang demonyo na may kakayahang gayahin ang pisikal na hitsura ng isang nilalang, siya ay lumabas ng impyerno ilang daang libong taon na ang nakakalipas ngunit siya ay napabalik rin sa impyerno ng isang malakas na Mage. Kayang kaya niyang paglaruan ang kahit na sino, kaya niyang kontrolin ang tao. Nanghihigop siya ng kaluluwa ng tao upang lumakas, ngunit di iyon sapat. Balak niyang higupin ang kaluluwa ng mga imortal na nilalang upang mamuno sa mundo.

Gusto mo ba maging miyembro ng Guild?

Gaano ka kalakas?

Papasa ka ba sa pagsusulit?

Gusto mo bang makaharap ang Reaper?

O maging isa sa kanila?

Bloodline's GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon