Kabanata 4 - Part 1

366 26 375
                                    

A/N: Nandito na po yung mga hindi pa lumalabas na character, kung wala po kayo dito nasa part 2 po kayo ^_^

Sa chapter na to, sana hindi kayo malito. Medyo marami pong scene dito at iba-iba ang setting kaya ngayon palang hihingi na ulit ako ng paumanhin kung sakaling malito kau XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bilasang naglalakad sa kalye ang isang binata. Napalayas sya ng kinalakihan nyang pamilya matapos mamatay ang ama-amahan nya.

Bata palang sya ay kinakikitaan na sya ng kakaibang abilidad kagaya ng pagiging mabilis at maliksi. Dahil isa syang masiyahin at may pagkapilyong bata inisip ng karamihan sa nakakakilala sa kanya na normal lamang yon para sa isang bata. Ngunit isang araw...

Nakasakay ang isang masayang pamilya sa kanilang magarang sasakyan. Masaya silang nagtatawanan nang bigla silang huminto sa gitna ng daan.

Lumabas ang limang armadong lalaki at itinutok sa kanila ang kanilang mga baril. Takot na takot ang buong pamilya, nakayakap sa kanyang ina ang isang batang babae habang umiiyak habang yakap din ito ng kanyang ina.

“Baba!” utos ng isang lalaki sa nagmamaneho ng sasakyan, ang kanilang ama. Sumunod ito at itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

“H-hindi kami lalaban. Kunin nyo na lahat. Wag nyo lang kaming patayin.” sabi ng lalaki habang kinakapaan sya ng lalaking nagpababa sa kanya. Kinuha nito ang kanyang pitaka, relo, at mga alahas.

“Kayo! Baba!” utos ng isa pang lalaki sa mag-ina.

“Mama natatakot ako.” iyak ng batang babae.

“Wag kang matakot nandito si kuya.” sambit ni Jhiin na katabi ng mag-ina. Bumitaw sa kanyang ina ang bata at yumakap sa kanya.

“Hindi ba kayo bababa? Ipuputok ko to.” pananakot ng lalaki na nakatutok ang baril sa ulo ng babae.

“B-bababa na, pakiusap wag nyo kaming papatayin.” iyak ng babae habang nakayakap sa mga anak na bumama sa sasakyan.

Biglang hinalbot ng isang lalaki ang batang babae.

“Mama!” sigaw ng bata habang patuloy sa paghagugol sa pag-iyak.

“Bitawan mong kapatid ko!” bakas ang galit sa sigaw na iyon ni Jhiin pero hindi sya pinansin ng mga ito. Nasasaktan na ang bata dahil sa higpit ng pagkakakapit sa kanyang braso ng lalaki.

“Pakiusap pakawalan nyo na kami. Nakuha nyo na lahat ang pera at mga alahas namin. Ano pa bang gusto nyo?” pamamakaawa ng lalaki.

“Sa tingin nyo ba bubuhayin namin kayo?” nagtawanan ang mga lalaki. Itinutok ng nagsalita ang baril sa batang babae.

Bago pa nito makalabit ang gatilyo ay bigla na lamang sumigaw si Jhiin kasabay non ang pag-angat ng parte ng kalsadang tinatayuan ng lalaking may hawak sa kanyang kapatid.

“Anong nangyari?” tanong ng lalaking malapit sa kanila. Hindi nakasagot ang lalaki dala ng pagkabigla.

Itinaas muli ni Jhiin ang kanyang mga kamay at sinubukang gawin ang ginawa nya kanina. Patuloy na umangat ang lupa. Nabitawan ng lalaki ang kanyang kapatid kaya agad itong nakatakbo papalapit sa kanyang ina. Mabilis na itinaas ni Jhiin ang kanyang mga kamay kasabay non ang pagbaligtad ng kalsada at pagkaipit ng lalaking kanina'y nakatayo sa kanyang harapan.

Bloodline's GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon