Kabanata 5

170 20 72
                                    

Kabanata 5

"Happy Birthday!!" Sabay sabay na bati kay SM ng mga kamaganak at kaibigan niya matapos niyang hipan ang mga kandila na nakapalibot sa cake, ito ay ang kaniyang ika-walong taong kaarawan.

Magarbong idinaos ang kaniyang kaarawan at talagang pinaghandaan ito ng mga magulang ni SM. Si SM ay nakasuot ng itim na gown, nakakapagtaka man kung bakit itim ang napiling isuot ni SM sa mismong debut niya pero walang namang nagreklamo dahil bagay na bagay rito ang damit.

Nagsimula ang 18th roses, at isa isang sinayaw si SM ng mga kalalakihan. Sa kaniyang palagay ay ito na ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Pagkatapos siyang isayaw ng labing walong kalalakihan ay umupo na si SM sa upuan. Ngayon naman ay ang pagbibigay ng mensahe sa kaniya ng mga spesyal na tao sa buhay niya.

Umakyat ang isang babae sa stage at tumapat sa mic.

"Hello," umpisa nito. Napatanga naman si SM pagkakita sa babae. Nagsimula ring magbulong bulungan ang mga bisita, tila nararamdaman nila na may hindi magandang sasabihin ang babae.

"Good evening everyone, and good evening din sa ating debutant. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nandito ngayon, ok aaminin ko na, gate crasher ako. Can you blame me? Eh hindi man lang ako nagawang imbitahan ng aking magaling na cousin." Nginisian pa nito si SM.

"Anyway, kaya lang naman ako nandito para ibigay ang isang napakagandang regalo sa'yo dear cousin, at yun ay ang pagbubunyag sa'yo ng iyong totoong pagkatao." Napasinghap ang mga magulang ni SM ng marinig nila ang sinabi ng babae, nagtatanong na tingin ang binigay ni SM sa mga magulang niya

"Coz you see dear cousin, you're adopted." Sa huling dalawang salita ng babae yun gumuho ang mundo ni SM, itinatangi ng puso niya ang ideyang iyon pero iba ang itinatakbo ng utak niya.

"NO!! Hindi totoo yan! Sinungaling ka!!" Namula sa galit si SM, naging dilaw ang kulay ng kaniyang mata at tinubuan siya ng pangil. Nagulat ang mga bisita sa pagbabago ng hitsura ni SM, maski ang mga magulang niya ay natulala.

"Monster!!" Pangaasar pa ng pinsan ni SM pagkatapos ay nakakalokong tumawa. Hindi na napigilan ni SM ang galit at agad na sinugod ang babae, isang iglap lang ay nasa stage na siya at kaharap ang pinsan niya. Hindi na binigyan ni SM ang babae ng pagkakataon para makatakas, agad niya itong hinawakan sa leeg at itinaas sa ere.

Nanlalake ang mata ng babae habang padiin ng padiin ang paghawak ni SM sa leeg nito. Pumapalag rin ito, tadyak at kalmot din ang natamo ni SM pero hindi niya iyon ininda, ang gusto niya ngayon ay mamatay ang babae.

Hangang sa huminto na sa pagpalag ang babae, walang awa niyang hinagis ang walang buhay nitong katawan sa sahig.

Ngumiti siya sa pagkapanalo, ngunit agad rin yung napalis ng makaramdam siya ng kakaibang sakit. Parang binabali ang mga buto niya sa katawan, napupunit na ang kaniyang damit gawa ng pagtikwas ng kaniyang mga buto. Parang may gustong kumawala sa katawan niya. Tinutubuan na rin siya ng makapal na balbon.

"AHHHHHHHHHHHH!" Nakakangilabot niyang sigaw.

***

Isang lalake ang huminto sa paglalakad ng makaramdam siya ng pag-kalam ng sikmura. Walang buwan at bituin sa kalangitan, ngunit maliwanag naman gawa ng napakaraming establisyimento sa paligid. Naghagilap agad si Shu ng dugo na nasa tetra-pack sa kaniyang dalang bag.

"Takte! Ubos na yung baon ko!!" Kinuyumos niya ang kaniyang mukha at nag-isip. Wala siyang makukuhanan ng dugo rito dahil ito ay isang siyudad. Wala ring pakalat kalat na hayop sa paligid.

Bloodline's GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon