Chapter 03: Paalam Alitaptap

63 2 0
                                    

"We fall inlove by chance but we stay inlove by choice."

Muli niyang liningon ang binata. Huling-huli niyang nakasunod sa kanya ang paningin nito habang papalabas na siya sa silid nito. Hindi man magsalita ang bawat isa'y dama ng kanilang mga puso ang kakaibang kirot. Sa paglisan ng dalaga bilang tagabantay ng binata. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago tuloyang lubas at hindi na muling sumulyap sa binata.

-Paalam alitaptap , salamat sa magagandang alala na iyong ipinamalas. I will never forget you 'till my life's end.'

Ang isip ng binata habang unti-unting naglalaho ang dalagang estranghera sa kanyang paningin. He closed his eyes and open again. Wala na doon ang dalagang nurse ni pangalan hindi man lang niya nalaman. Pero ang magandang mukhang iyun ay mahirap iwaglit. Napapangit na lamang ang binatang actor. Nagtaka ang mga doctors pero masaya ang mga ito sa pagising niya. Agad narin nalaman ng magulang niya ang pagising niya sa araw na ito.

Samantala napasandig si Anna Liza sa pintuan ng silid ni Imraan. Napapaisip kong ano ang susunod na hakbang. Pero wala talagang pagkakataon na muling makasama ang binatang prinsipe. Gayunman labis parin ang galak sa kanyang puso na minsan sa kanyang buhay ay nakilala at nakatagpo ang mailap na prinsipe. Muli siyang lumakad palayo sa silid ng binata. At hindi na muling nilingon pa si Imraan. Walang puwang ang isang tulad niyang commoner woman sa lalaking masiyadong matayog, kawangis ng kalangitan. Imposibli ang kuwento ni Cinderella na world famous. But then fairy tale how nice and great! Is a wonderful days and moments with Imraan some people searching it forever. And she is lucky probably atleast naaalagaan niya ito.

THE GRAND PALACE

Malawak ang ngiti ng mahal na Reyna sa magandang balita ng royal secretary tungkol sa anak nito. Nasasabik na siya ng husto na mayakap ang prinsipe. She is just a mother missing her child.
Nagpunas ito ng mga luha sa mata.

" Paalam po kamahalan,"

"Sige na, salamat sa magandang balita royal secretary."

Yumuko ito at magalang na nagpaalam.

Lumipas pa ang mga araw at sa tuwing napapadaan siya sa dating silid ng binatang prinsipe ay hindi mapigil na mapatingin doon. Parang kailan lang kasama niya ito kahit nasa comatose palamang. Pinag-uusapan din ng iba niyang kasamahan na nagpapagaling na daw ito sa Palasiyo.

PALACE

Hindi maipinta kahit pa ang magagaling na paintor ng Italiya ang mukha ni Imraan. Tumubo narin ang mga balbas nito na waring pinapabayaan ang sarili.
Ibinato nito ang hawak na remote control. Matapos mapanood ang nalalapit na kasal ng dating katipan and co-star. Sa isang business tycoon ng India. Isa daw kasalan ng taon ang inaasahan ng lahat.

" Your bitch!" Sabay sabunot sa sariling buhok. Hindi nito matanggap ang nagaganap.

Months later.

Paulit-ulit lamang ang routine ng buhay ni Anna Liza sa bansang banyaga. Hindi parin makalimutan ng dalaga ang binatang prinsipe. Tumatawag at nanga-ngamusta narin siya minsan sa mga naiwan na pamilya sa Pilipinas. Maganda naman ang pagaaral ni Jasim. Ganun parin ang ama lasengo parin. Nagbalik islam ang mga magulang niya noon. Nang piliin ng ama ang kanyang ina. May unang asawa na ito bilang christiano. Bale magihing kabit ang Mama niya. Kaya para maging legal ang dalawa nag-muslim na lamang. Pero bawal man ang alak ay adik parin ang ama sa bagay na iyon. Lumaki at isinilang ng mga muslim child ang apat na magkakapatid. Dahil nga nakasal na sa muslim rights and tradition ang parents nila bago paman sila isilang na apat. Taga Iloilo parin sila na mga balik islam. Marami narin sa kanilang pamilya ang sumunod sa kanilang relihiyon. Masaya at matiwasay ang kanilang mga buhay dahil sa liwanag ng relihiyong islam. Bagaman terorista ang tawag ngunit ang hindi alam ng lahat ang tao ang makasalanan. at hindi ang relihiyong islam. Ngunit sadyang isinilang na makitid ang utak ng karamihan na tao. Basta masaya sila sa piniling landas at iyun ang mas mahalaga.

PALACE

Hanggang sa mga sandaling ito hindi parin lubosan na nakakalakad ang binatang actor. Kasanga parin ang silyang di-gulong. Walang Nurse o tagabantay ang nagtatagal kahit isang araw sa subrang kasongitan nito.

" Anak, huwag ka naman ganyan. Mawawalan ng saysay ang theraphy mo. Makinig ka,  kailangan mong gumaling, anak mahal kanaming lahat. At ayaw namin na nakikita kang nagkakaganyan." Hindi mapigil ng Reyna mapaluha. Maging siya'y nais nang sumoko pero hindi maari.

"Iwan ninyo na ako kamahalan. Basta ayaw ko ng mangagamot. Ilayu ninyo sila sa akin! Hindi ako lumpo! Makatayo pa ako! " Pagwawala ng binata at walang nagawa ang inang Reyna na si Aminah sa katigasan ng ulo ng anak. Hinila na siya ng asawang si Jomar  palabas ng silid ni Imraan. Ayaw na niyang mabinat pa ito dahil sa pagtatalo nilang mag-ina. Gusto na niyang manumbalik ang dating masayahin at puno ng buhay niyang unico hijo. Ngayon ay mukhang nalimot na ni Imraan ang pag-ngiti mula ng maganap ang aksidente. Lalo pang lumala ang ugali nito. Halos  ilang buwan narin ang matuling lumipas mula ng maganap ang aksidente. Pero nag-iba ang ugali ni Imraan bugnutin at laging nagwawala. Halos walang tumatagal na mga nurses dahil sa ugali nito.

King and Queen's masters bed room.

" Diyos ko Jomar bakit ganun na ang anak ko? Ayaw yata niyang gumaling? Panginoon huwag naman po kayung malupit sa amin. Mahal ko po ang aking anak." Ang Reyna na hindi mapigil ang pagpatak ng mga luah. Nawala na nga sa kanya si Karam noon ngayon ay si Imraan na naman?

" Intindihin nalang natin siya mahal na Reyna. Gagaling din siya." Saka niyakap ang asawang nalulungkot.

Maging si Jomar ay nalulungkot para sa pamangkin.Paano kong tuloyan na itong mabaldado at hindi na makakalakad. Wala din silang anak ni Aminah. Mga pinsan lamang ang meron si Imraan. Halos mga babae ang karamihan. May lalaki ngunit malayo na sa kanila. Dadalawa nalamang silang mag kapatid ni Karam ang namayapang ama ni Imraan. Alam niya kong nabubuhay lamang ang kapatid tiyak mabuti at magaling itong Hari.

CROWN PRINCE PRIVATE ROOM

Naiwan na nag-iisip ang binata. Muling naalala ang babaing nagbatay sa kanya noon sa Hospital.

Nasaan kana ngayon? Sana makita kita muli, sana.
Bulong ng isip nito sa hangin. Naway pakingan ang dasal niya at makarating sa dalagang Nurse. Gustong-gusto niyang masilayan ang maganda nitong ngiti.'

Bakit ganun? akala ko si Sheradha ang mahal ko? muling tanong ng kanyang isip. Humugot ng buntong hininga ang guwapong prinsipe. Pinagsalikop ang mga palad. Tumanaw sa kawalan. Umusad siya palapit sa salamin na bintana. Malawak at maalon na karagatan ang nakikita niya. Kong wawariin katulad niya ang kalongkotan na mayroon ang asul na dagat. Isang malawak ngunit walang kayang gawin upang palakasin at tuklasin ang lalim merun nun. Isang makapangyarihan ngunit tulad niya'y bilango sa silyang de-gulong. Pilitin man niyang lumaban pero lagi siyang bigo.

Anna Liza's " Hera" apartment, Dubai.

Nakadapa ang dalaga sa kama nito. Napapangiti pa.
Makaluma man pero gumagawa ng love letter ang dalaga. Nasa ibang bansa man siya'y hindi parin nakakalimot sa mga makalumang kaugaliyan ng mga Pilipino. Paulit-ulit niyang binabasa ang sulat na siya din ang may gawa. Kumuha narin siya ng photo ni Imraan sa internet. Wala lang kahit sa pangarap lang makakasama niya ito. "Guwapo mo talaga, sayang lang at sinaktan ka ng babaing iyon." Saka dinala sa mga labi ang larawan at inilagay sa ilalim ng unan niya. Bago pumikit at may matatamis na ngiti sa kanyang mga labi. Maaga pa ang alis niya bukas. So she must be ready with a big smile tomorrow.

Mga madaling araw palang nasa biyahe na ang dalaga. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang boss na si Doctor Ayob ang head ng Hospital nila.
Masayang ibinalita nito sa dalaga na magkakaruon siya ng special home service. Hindi man niya kilala ang magiging panibagong paseyente ay malugod niyang tinanggap. Lalo pa at magpapadala na naman siya ng pera sa Pilipinas enrollment na naman ng mga kapatid niya. Wala parin ipinagbago ang ama. Lagi parin balik sa paglalasing ang ama nila. Ayaw na niyang isipin ang mga suliranin sa pamilyang naiwan kundi masisiraan lang siya ng bait. Lalo pa at nagiisa lang siya dito sa Dubai.
Fucos nalang siya sa kanyang magiging future boss.

"Dapat positve lang kahit anong mangyari." Kausap ang sarili. Puno ng determinasyon.



Itutuloy...

Feeling is mutal na nga ba?

Beautiful Soul(Ongoing, Under revision)Where stories live. Discover now