APG 6

122 4 0
                                    

Six

continuation...

KEVINS POV

dahil sa nabalitaan ko naexcite ako kaya agad kong ibinalita kina inay ang pagbibigay sa akin ni senador Faustino ng oportunidad na makapag-aral ako.

"siya nga pala Kevin,nalaman ko kasing hindi ka marunong magdrive kaya nung sinabi ko yun kay sir Faustino inatasan niya akong turuan ka,para ikaw na rin ang maging personal driver ni ma'am Mindy"sabi ni tsong Lucas habang nagtitimpla ng kape.

"talaga tsong! ang bait talaga ni sir"natutuwa kong sagot.

.madali naman akong naturuan ni tsong Lucas na magdrive ng kotse at siguradong magugulat si ma'am Mindy kapag naipagdrive ko siya.

.ngayong araw ako unang tutungtong sa kolehiyo kaya excited akong gumising ng umaga.kaya nagbihis ako ng maganda para naman maging maganda ang impresyon ng mga magiging kaklase ko sa akin.

"ma'am ako na po ang magdidrive"sabi ko.

"ha?hindi ka marunong magdrive diba?"

"marunong na po ako.tinuruan ako ni tsong Lucas magdrive kahapon kaya ako na po ang magdidrive."

"sigurado ka?"

"opo ma'am"

"ah hindi ,baka maaksidente pa tayo ako na la--"naputol ang pagsasalita niya nang hawakan ko ang kamay niya para kuhanin ang susi ng kotse.

"--ma'am Mindy ako na po,trabaho ko ito kaya ako na lang ang magdidrive"naramdaman ko na lang na lumambot ang pagkakahawak niya sa susi ng kotse at bigla siyang namula,alam ko na yang pakiramdam na yan at mukhang nadadala na siya sa ginagawa ko.

"i-ikaw ang bahala"nauutal niyang sagot.

.binuksan ko ang kotse sa likod upang doon siya sumakay.

"ma'am tara na po"sabi ko na hawak ang pinto ng backseat ng kotse.

"ayaw ko diyan.dito ako sa tabi mo?"sabi niya at binuksan ang pinto sa shutgun seat,ayaw ko lang mag-assume ano,pero mukhang tumatalab na ang karisma ko sa babaeng 'to.

.nagdrive na lang ako papuntan university at tahimik lang siyang nakatingin sa labas.

"ma'am,alam ninyo maganda sana kayo eh,kaya lang parang suplada kayo"sabi ko para matinag ko ang katahimikan niya.

"wala kang pakealam kung suplada ako tsaka huwag mo nang ipamukha sa'kin na maganda ako dahil alam ko na yan matagal na!magdrive ka na nga lang diyan!"ang yabang ah?nasabihan lang ng maganda nagalit na.ganito ang gusto ko sa babae eh,yung amazona ang ugali.tingnan ko lang kung hanggang saan ang tapang ng babaeng 'to.

"ma'am,sa ganda nyong yan sigurado ako may naging boyfriend kayo"

"eh ano naman ngayon sa'yo?"

"wala lang,unless walang nanliligaw sa inyo dahil naiintimidate sila sa inyo?"

"aba!ang yabang mo ah,para sabihin ko sa'yo nagkaboyfriend ako!"

"talaga ma'am,sino naman siya kung talagang nagkaboyfriend ka?"

"si Trevor!"

"eh bakit naman kayo nagbreak nung Trevor?"

"kasi nahuli ko siyang--"naputol ang pagkakasabi niya na para bang may naalala siya.

"nahuling ano ma'am?"mukhang alam ko na ang sagot pero kinukulit ko lang siya para mainis pa lalo.

"pwede ba?!kung wala kang matinong maitatanong pwede bang manahimik ka na lang?!"sabi niya at tumalikod na sa'kin.ano bang problema nito?nagtatanong lang eh.

.mga thirty minutes ang dumaan at nagkarating na kami sa university.

"guys I want you to meet our new students here Kevin De Jesus.scholar siya ni senator Faustino kaya sana maging maganda ang pakikitungo ninyo sa kanya"pagpapakilala sa akin ng isang professor sa university pero halos lahat ng mga estudyante ay walang pakealam.ang iba ay nagbubulungan at parang pinagtatawanan ako.

"Kevin.maaari ka ng umupo"humanap ako ng upuan am mabuti na lang ay may bakanteng upuan sa tabi ni Bianca.kay dun na lang ako umupo.

"welcome Kevin"sabi ni Bianca nang nakangiti.

"salamat"sabi ko.

.nagsimula na ang klase at madali ko namang natutunan ang lahat.kaya nahabol ko ang mga klase na hindi ko napasukan.mabuti na lang at nagsisimula pa lang ang pasukan kaya hindi ako masyadong nahirapan.at First year college pa lang ako kaya mas lalo kong pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko.mabuti na lang at nakasabay ko si ma'am Mindy na first year college din.

pagkatapos ng klase inihatid ko na sila pauwi pero nagkayayaan ang dalawa na magshopping muna.

"Kevin!sumama ka naman sa'min ni Mindy sa loob?"sabi ni Bianca pagbaba ng kotse.

"naku Bianca dito na lang ako sa parking lot"pagtanggi ko.

"girl,don't force him.tayo na lang dalawa"sabi ni ma'am Mindy.mukhang sinusubukan talaga ako ng babaeng 'to.

"shut up girl.ako ang bahala sa kanya sige na Kevin sumama ka na"hinila ako pababa ni Bianca kaya wala na akong nagawa.

.pumasok kami sa loob at mabuti na lang at walang masyadong nagpapapicture kay ma'am Mindy kaya maayos kaming nakapamasyal sa loob ng mall.pumasok kami sa isang RTW botique na puro panglalaking damit.anong ginagawa namin dito?

"hmmm"tiningnan ako ni Bianca mula ulo hanggang paa"parang may kulang sa'yo,kailangan mo ng total transformation" kumuha si Bianca ng mga damit at ibinigay sa'kin.

"a-anong gagawin ko dito?"gulat kong tanong.

"sukatin mo.go!"pinapasok ako ni Bianca sa isang fitting room kaya wala na akong nagawa. 

----------------------------- 

end of chapter.enjoy! xoxoPH

Ang Probinsyanong GwapoWhere stories live. Discover now