APG 7

139 4 10
                                    

APG 7

MINDY'S POV

nakatingin ako sa pinto ng fitting room,naka-cross arms at nakataas ang isang kilay kasabay noon ay ang pagbaba-taas ng talampakan ko sa sahig.

"LETSE!ano bang binili mong damit sa lalaking 'yon?GOWN?!"bulyaw ko kay Bianca nang sumabog na ako sa kakahintay na lumabas si Kevin mula sa fitting room.

"Relax lang girl,madami kasi akong damit na ipinapasukat sa kanya kay siguro matagal siya sa loob"paliwanag ni Bianca sa'kin na mukhang relax na relax lang sa paghihintay dahil kanina pa kinukutingting ang phone niya.

"relax?!eh daig pa ng babae kung magbihis 'yon ah?!"

"sabi ko relax,wait ka lang diyan.okay?"pagpapakalma sa'kin ni Bianca.

"ah ewan ko sa'yo!"tumalikod ako at nilibot ang mata sa buong paligid ng botique habang naghihintay sa lalaking balak yatang pag-eksperementuhan ni Bianca at ilang minuto lang ang nakalipas bigla na lang akong tinapik-tapik ni Bianca sa balikat.

"ano ba?huwag ka ngang magulo diyan!"sabi ko kay Bianca habang tumitingin ng mga damit.

"gi-girl,nakita ko na yata ang taong mag-aalis ng katarayan mo?"

"WHAT?!"tumingin ako sa direksyon niya at nakita kong tulala siyang nakanganga na parang nakakita ng artistang guwapo sa sobrang tuwa.

Pagtingin ko sa direksyon kung saan nakatingin si Bianca ay namangha ako sa nakita ko, sino naman 'tong guwapong nilalang na 'to na papunta sa direksyon namin at nakangiti pa. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang nakita ang prinsipe ng Pilipinas. Pero teka,may prinsipe ba ang Pilipinas?eh sino 'to?

"ah ma'am,bagay po ba?"sabi niya pagkalapit niya sa kinatatayuan namin. A-ANO DAW? Tinawag niya akong ma'am?bakit?paano?

"A-ah,oo Kevin!bagay na bagay?"sagot ni Bianca sa guwapong lalaki,WHAT?! Ang ow-so-yummy na lalaking nasa harap namin ngayon ay si Kevin?! NO WAY!

"Mindy,yung bibig mo isara mo baka pasukan ng langaw..."bulong sa'kin ni Bianca at doon nagising ako sa panaginip ko.

"A-Ano bang sinasabi mo?inaantok na ako kaya tara umuwi na tayo! WOAAAH!"palusot ko na kunwari'y nag-inat pa.

Hindi na ako nagsalita pa at diri-diretsong lumabas ng botique pero bago pa man ako makalayo may mga babae akong nakita na nagkakagulo sa labas ng botique. SHEMAY! Nasaan na ba yung dalawa?bakit ang tagal nilang lumabas? Muli kong binalikan ang botique para hanapin sila sa pag-aakalang hindi sila makalabas dahil sa dami ng babaeng nasa pinto.

"ah-excuse me,excuse me!"nakipagsiksikan ako sa mga babaeng nagkakagulo para hanapin si Kevin at Bianca pero sa halip ay nagulat ako sa nakita ko.

"POGI,PAPICTURE AKO!"sigaw nung babae kay Kevin na parang fan niya at nagpapapicture sa kanya habang nakita ko si Bianca na umaawat sa mga nagkakagulong babae. Bigla akong nakaramdam ng pagkainis sa nakita ko kaya pumunta ako sa gitna kung saan nandoon si Kevin at sumigaw ng malakas.

"MAGSITIGIL KAYOOOO!!!"at that moment nabasag ko ang kaguluhan at nanahimik ang lahat ngunit ilang segundo lamang ay may narinig akong mga bulung-bulungan at parang mga kuliglig sa tenga kung maririnig.

"SINO SIYA?"bulong nung isang babaeng nakapink.

"P.A. yata ni pogi??"what,ako?P.A.?okay lang kayo?sa ganda kong 'to P.A. lang ang peg ko sa inyo?

"hindi,ano ba kayo may P.A. bang ganyang kaganda?"oo nga,ako P.A.? Ang ganda ko tapos P.A. lang ang kalalabasan ko?

"alam ko na?siya yung manager?!"bungad naman nung isang girl na may malaking ribon sa ulo.HUWWWAT?! Oo,maganda ako pero huwag naman ganun.nakakasakit ng damdamin eh!

"SHUT UP!"sigaw ko,ayaw ko nang makarinig ng anumang bulong kaya ako na mismo ang nagpatigil sa mga bungangang kanina ko pa gustong sapatusin."tara na Kevin!"agad kong hinawakan ang kamay ni Kevin pero bago pa 'man kami makalayo ay may biglang humawak ng braso ko at pagtingin ko kung sino 'yun isang girl na oh-so-chubby ang nakita ko.

"teka lang miss,unfair naman yata kung ikaw lang ang magpapapicture sa kanya,pwede ka namang pumila eh."sabi nung matabang babae. ABA TEKA! Anong akala niya kay Kevin?artista?

"HOY BABAE!"panduduro ko sa kanya"itong lalaking kanina 'nyo pang pinagpapantasyahan ay DRIVER ko lang!"sabay-sabay silang nabigla sa sinabi ko.

"WEEEH??"sabi nila in chorus.lahat sila hindi makapaniwala sa sinabi ko kaya hinubad ko yung high heels ko and the next thing na ginawa ko.

"pigilan mo ako Kevin ibabaon ko sa mga bunganga ng mga babaeng 'to ang takong ng sapatos ko"bulong ko kay Kevin at agad naman niyang hinawakan ang dalawa kong braso.

"ma'am,tama na. Umuwi na lang tayo?"saway niya sa'kin.

"hayaan mo siya Kevin,pinagtitinginan na siya ng mga tao baka madamay ka pa"pang-aasar ni Bianca kaya tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang mga tao na nakatingin sa'kin.

Ilang saglit lang ay inayos ko ang sarili ko,tumayo ng maayos at diri-diretsong naglakad papalabas ng mall.

"girl,anong drama yung kanina?nagseselos ka ba dun sa mga babae?"bulong ni Bianca habang nakasakay kami sa kotse pauwi.

"WHAT?hindi ah!"sagot ko sa kanya

Napansin kong nakatingin sa salamin sa harap ng kotse si Kevin at tinitingnan ako habang nakangiti. Sinamaan ko siya ng tingin at tumingin sa labas ng kotse. hindi ko napansin na napapangiti na pala ako, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? ANG GULO!!

____________________________________________________________________________

END OF CHAPTER... 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Probinsyanong GwapoWhere stories live. Discover now