APG 1

342 7 2
                                    

One

KEVIN'S POV

"talaga po inay?!pupunta po akong Maynila?"sabik kong pagkakasabi sa binalita ng aking ina kaya halos mapatayo ako sa kinauupuan ko sa mga narinig ko.

"oo anak,tumawag ang tsong Lucas mo at ang sabi naghahanap daw ng trabahador ang amo niya sa Maynila!"si tsong Lucas ang kapatid ng aking ina na lumuwas ng Maynila at nagtrabaho bilang driver sa isang prominenteng pamilya at ang balita ko nakapagpatapos siya ng dalawang anak sa kolehiyo kaya ganun na lang ang pagkasabik kong pumuntang Maynila dahil sa naging buhay ni tsong doon.

"talaga inay?!pupunta si kuya sa Maynila,ibig sabihin magkakapera na tayo ng madaming-madami?"tuwang-tuwang sambit ni Buknoy sa balita,si Buknoy ang bunso kong kapatid na makulit pero nakakatuwa.

"pero papaano na kayo inay kapag lumuwas ako,sino ang mag-aasikaso sa inyo dito?"

"huwag kang mag-alala,ako na ang bahala sa mga kapatid mo?"nabanaag sa mga mata inay ang kalungkutan ngunit kitang-kita sa mga labi niya ang saya na makapunta ako sa Maynila.

"tsaka nandito naman ako kuya!hindi ko sila pababayaan"sabi ni Erin,si Erin naman ang pangalawang lalaki sa aming magkakapatid at siya ang katulong ko sa pangingisda dito sa amin kapag wala siyang pasok.

"tsaka kuya,huwag mo kaming kalimutan ha?pasalubungan mo kami?"sambit ni Joy na natigil muna sa paggawa ng assignment niya,ang pangatlo kong kapatid na nagmana ata sa akin sa katalinuhan dahil running for valedictorian siya,nakatapos ako ng high school at scholar ako sa isang private school namin dito sa aming bayan.pero dahil nga sa kahirapan salutatorian lang ako dahil ang naging kalaban ko na running for valedictorian ay anak ng mayor ng bayan namin.

"mamimiss kita kuya"lungkot na pakakarinig ko mula sa kapatid kong si Jane ang pang-apat at ang napakaemosyonal sa'ming lahat.

.pagkatapos sabihin ni Jane ang mga salitang yun ay yumakap sila sa akin ng mahigpit na parang ayaw nila akong pakawalan.

"ano ba kayo,sa Maynila lang ako pupunta hindi sa ibang bansa"sabi ko sa mga kapatid ko na ayaw papigil sa pagyakap sa'kin.

"oo nga,hindi naman mawawala ang kuya ninyo ng matagal eh.at tsaka dadalaw naman siya madalas,diba anak?"pagsang-ayon ni inay.

"opo inay.at pangako ko na kapag uuwi ako eh may pasalubong ako sa inyo"sagot ko.

.kinagabihan ay nag-impake ako ng mga gamit ko.at habang naghahanda napansin kong nakasilip si Buknoy sa akin.

"Buknoy,anung ginagawa mo diyan?'lika nga dito"lumapit siya sa akin at tumabi sa kinauupuan kong kama.

"kuya Kevin,maganda ba sa Maynila?" nagtatanong na mga mata ni Buknoy na nakatingala sa'kin.

"hindi ko alam eh,basta kapag pumunta ako dun papadalhan kita ng mga litrato"

"pramiiis?"aniya

"pramis!"taas kamay kong pangako.

MINDY'S POV

"no dad! I don't need a bodyguard!"bakit ko ba kailangan ng bodyguard?kasi nga anak ako ng senador at kailangan ko ng bantay buong maghapon para masigurado ako tatakas sa mga nakakaboring na meeting de abanse at pagpapapogi ng daddy ko sa mga taong bayan para lang iboto siya.bakit ba ganito ang buhay ko?gusto ko lang naman ng simpleng buhay katulad ng dati yung walang pressure, pero simula nung nanalo si daddy sa eleksyon nagbago na ang simple kong buhay.

"you need to sweety,para na rin sa kaligtasan mo 'to..."si daddy talaga kung ano lang yung maisip na dahilan para lang hindi ako makatakas sa mga gusto niya.by the way Mindy Montemayor here ang unica iha ni Senator Faustino Montemayor ang butihing senador ng Pilipinas.at ako na lang ang natitirang babae sa buhay ni Dad simula nung namatay ang Mom ko sa sakit.noong una simple lang ang buhay ko kahit nasa high society kami.pero nang pinasok ng Daddy ko ang pulitika halos di na ako makatulog sa gabi sa pag-aalala kapag late na umuuwi si Daddy.

"but dad--"magsasalita pa sana ako pero biglang sumagot si Daddy.

"--no but,ikukuha kita ng bodyguard and don't make any reasons para hindi ko 'to gawin"dugtong ni dad sa naputol kong sinabi at nilapitan niya si Mang Lucas at narinig kong papupuntahin na bukas ang magbabantay sa'kin ,jeez! makaakyat na nga lang ng kwarto!

.tinawagan ko ang friend kong si Bianca pagpunta ko ng kwarto.

"gosh Bianca,daddy is harassing me right now!"inis kong pagkakasabi.

"girl,I think you need that.para makaiwas ka sa mga press kapag may gimik tayo"sabi niya sa kabilang linya.may point si Bianca,guys Bianca is my BFF siya yung karamay ko nung nakipagbreak ako sa boyfriend kong si Trevor dahil nahuli kong may kasex sa condo niya.how cheap!pumatol si Trevor sa isang college student from somewhere.pero I think nakamove-on na ako.nakamove-on na nga ba ako.shocks,so confusing pero anong magagawa ko eh sobrang hot ni Trevor kaya hindi ko alam kung nakamove-on na ako.

"sabagay,sige girl see you tomorrow.bye!"at binaba ko na yung phone ko.

KEVIN'S POV

.ang ganda pala dito sa Maynila ang daming tao at ang mga building mas malalaki pa sa bayan duon sa'min.

"oh Kevin,nandito ka na pala."tawag ni tsong Lucas sa'kin.

"tsong!kamusta?tagal nating di nagkita ah"bati ko kay tsong Lucas na dala ang kotseng minamaneho niya tatlong taon na rin nung huli kaming nagkita.umuwi lang siya kasi graduation ng anak niya.

"oo nga eh,ang laki mo na!at ang gwapo mo ngayon ah"si tsong talaga,palabiro.

"hehe,hindi naman..."napakamot ako sa ulo sa sinabi niya."...iyo ba 'tong kotse?ang gara ah!"mangha kong tanong kay tsong Lucas.

"ikaw talaga,sa amo ko ito!pinadala sa'kin para sunduin ka.sumakay ka na nga."pinasakay niya ako sa kotse at dumiretso sa bahay ng amo niya.

.pagdating namin sa bahay halos mabali ang ulo ko sa pagkamangha dahil sobrang laki ng bahay.halos lahat ng nakikita ko mula sa taas ng bahay ay magagandang ilaw at parang ginto ang kisame dahil sa sobrang linis.

"maiwan muna kita dito Kevin tatawagin ko lang si sir."paalam ni tsong Lucas.

"sige po!"pagsang-ayon ko at umalis na si tsong Lucas,at nanatili akong nakatingala at manghang-mangha sa nakikita iginala ko ang aking mga mata sa kisame at unti-unting naglakad nang biglang...

BLAAAGSH!!!

.may nakabanggaan akong isang tao.mabuti na lang at nasambot ko siya,isang babae?parang diwata,maya-maya'y tumayo siya at itinulak ako papalayo.

"ano ba?!hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!"sigaw niya at inayos ang gamit niya.

"so-sorry ma'am , hindi ko po sinasadaya"sabi ko sa kanya habang inaabot ang mga nahulog na gamit niya.

"gosh!!! tabi nga!!"itinulak niya ako at tsaka dire-diretsong naglakad papalabas.

.ang ganda talaga niya, at halatang anak mayaman.pero hindi mo maiaalis ang katarayan sa kanya

---------------------------------

first meet up ng probinsyanong gwapo na si Kevin at ang girl next door in the city na si Mindy.anop kaya ang mangyayari?

Ang Probinsyanong GwapoWhere stories live. Discover now