APG 4

150 3 1
                                    

FOUR

continuation...

"ma'am tama na po,lasing na po kayo"sabi ko habang pinipigilan si ma'am Mindy siya sa pagsasayaw.

"hindi...sumayaw pa tayo..."

"girl,enough!tara na,let's go home"sabi ni Bianca.buti na lang hindi pa siya lasing.

"no!let me go!"sabi ni ma'am Mindy na pinipilit kumawala habang hawak ko ang kamay niya papalabas ng bar.

"hindi ma'am lasing na kayo!"

"bakit ba?!bodyguard lang kita,kaya wala kang pakealam!"

"hindi ma'am,trabaho ko rin na bantayan ko ang kilos nyo kaya uuwi na tayo"sabi ko na mahinahon pero sa totoo lang naiinis na ako sa babaeng 'to.

"ano ba!?bitawan mo sabi ako eh!"nasa labas na kami ng bar nang bigla siyang nagtatakbo papaloob kaya hinabol ko siya.

"makulit ka talagang babae ka ha!"bulyaw ko at binuhat ko siya sa balikat papasok ng kotse.

"ano ba?!ibaba mo nga ako!"pagpupumiglas niya habang hinahampas ang likod ko.binuhat ko kasi siya na parang may pasan akong isang sakong bigas kaya wala siyang nagawa at si Bianca na ang nagpaandar ng kotse.

"bakit ba sobrang pakealamero mo ha?!"sigaw niya

"ginagawa ko lang ang trabaho ko,sumusunod lang ako sa utos ng daddy mo!"

"if I know nagustuhan mo yung pagsasayaw ko sa'yo"ganito ba talaga 'to pag nalalasing kung anu-ano na lang ang sinasabi?

"anong sinasabi mo?"

"ramdam ko,ang tigas nga eh!ahahahaha"sabi nya at naramdaman ko na lang na parang namumula ang mukha ko.ibig sabihin naramdaman niya yung pagwawala ng *ano* ko?!

"ano bang pinagsasabi mo diyan?manahimik ka nga!"patuloy pa rin siya sa pagtawa pero maya-maya'y nakatulog na rin siya sa balikat ko,nang nakatulog siya nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya ng matagal.ang ganda talaga niya,yung pula niyang labi parang ang sarap halikan at yung buhok niya na sobrang bango parang ang sarap haplusin,ano ba 'tong iniisip ko?kumalma ka lang Kevin hindi ka pwedeng mainlove sa babaeng 'to.umayos ka ngang lalaki ka.

.pagdating namin sa bahay nila binuhat ko siya na tulog na tulog,mabuti na lang at wala pa ang daddy niya kung nagkataon baka pagalitan niya si ma'am Mindy dahil sa kalasingan.

"naku,anong nangyari sa alaga ko?"paglapit ng isang matabang babae sa'kin"ah,ako nga pala si Meding.ako ang yaya ni Mindy."pagpapakilala niya.

"Kevin po"kinamayan ko siya kahit buhat ko si ma'am Mindy.

"ano bang nangyari sa alaga ko?bakit wala siyang malay?"

"nakainum po kasi siya"

"ganun ba?naku dalhin mo siya sa kwarto kukuha lang ako ng bimpo at tubig para mahimasmasan siya"

.dinala ko siya sa kwarto niya at ihiniga siya sa kama niya.ang ganda pala ng kwarto niya nahulaan ko talaga kaagad na kwarto niya ito kasi kulay pink at pagpasok ko sa loob napapaligiran ng malalaking litrato niya.habang natutulog siya doon ko lang siya natitigan ng matagal,sobrang ganda niya kahit tulog,parang anghel?hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa mga labi niya.na parang ang sarap halikan.kay hindi ko napigilan ang sarili ko at unti-unti kong inilapit ang mga labi ko sa kanya.

"Kevin ako na ang bahala dito,pwede ka nang magpahinga" biglang pumasok si manang Meding at napatigil ako.buti na lang hindi niya nakita na muntik ko na halikan si ma'am Mindy.may halong panghihinayang akong naramdaman sa paglabas ng kwarto ni ma'am Mindy.

MINDY'S POV

"ouch!"kagigising ko lang at mukhang may hang-over ako.kaya napahawak ako sa ulo ko na sumakit nang bumangon ako sa kama ko.bumaba ako para uminom at nakita ko si yaya na naghahanda ng breakfast.

"good morning yaya,si daddy nasaan?"tanong ko sa kanya habang naglalagay ng tubig sa baso.

"naku baby maagang umalis.ok ka na ba?"pag-aalala niyang tanong.

"ok na ako yah medyo masakit lang ulo ko,eh si Kevin nasaan?"

"nandun siya naglilinis ng kotse"

.pumunta ako sa garage at medyo nawala na yung hang-over ko.nakita ko si Kevin na nakatopless habang binubuhusan ang kotse ko.sh*t!ang hot niya!grabe,katulad niya si Trevor sa sobrang hot.para ko na ring nakita si machete sa katawan niya kaya nilapitan ko siya.

"ah,Kevin?sorry nga pala kagabi"kahit nakainum ako alam ko pa rin ang nangyari kagabi.

"ok lang po yun,kayo po ma'am okay na po ba kayo?"

"a-ah,oo!okay lang ako"shocks!nauutal ako,alam mo yun parang ang sarap hawakan ng abs niya,behave Mindy!behave!

"ah si-sige pasok na ako"tumango na lang siya at itunuloy niya ang ginagawa niya.

"AAAH!"nadulas ako dahil basa nga pala ang floor.mabuti na lang nasambot ako ni Kevin,nangyari ulit yung dati.pero iba yung naramdaman ko ngayon nakatopless kasi siya at ramdam ko yung init ng katawan niya kahit basa.

"ok lang kayo ma'am,nasaktan ba kayo?"natauhan ako nang bigla siyang nagsalita.

"ok lang ako,sige pasok na ako"

.napupo na lang ako sa kitchen sa sobrang kaba pero yung kaba ko iba eh,parang may something.nanginginig ako?bakit? Shut up! Shut up!.iniuntog ko yung ulo ko sa mesa .dala lang siguro ito ng hang-over?

-----------------------------

short update lang sa phon ko lang kasi 'to ginagawa eh ineedit ko la sa computer.

Ang Probinsyanong GwapoWhere stories live. Discover now