Chapter 8: A Redemption for Love

6.3K 139 25
                                    

Tulala lang si Katherine habang naglalakad pabalik sa bonfire nila.

            Para rin akong sinunog ng bonfire.  Parang tinapon ni Nathan sa nagbabagang apoy ang puso kong kay tagal naghintay para sa kanya. But in the end, it was all unworthy. Akala ko pa naman kapag nagkita kami ulit magbabalik din ang pagmamahal na dating inaalay niya sa'kin.

            "Ayos ka lang?" Tanong ni Red na pasalubong sa kanya.

Agad niyang pinunasan ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata at sininghot ang sipon saka medyo umiwas ng tingin sa binata upang hindi mahalata na galing siya sa pag-iyak.

            "O-oo naman," garalgal na sagot niya.

            "Mukha kasing may problema ka."

            "Wala. Sinipon lang ako kasi ang lamig naman dito." Matinong sagot na ni Katherine. Nawala ang kalasingan niya dahil sa pangyayari kanina. Nahimasmasan siya sa isang masakit na katotohanan.

            Hinubad ni Red ang suot na jacket saka isinampay sa magkabilang balikat ni Katherine.

            "Salamat." Aniya saka sila nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa unti-unti ng tinatamaan ng alon ng dagat ang kanilang mga paa sa dalampasigan.

            Hindi maiwasan ni Red na hindi tingnan si Katherine na puno ng kalungkutan sa mga mata kahit na sinasabi niyang maayos lang siya.

            "Narinig ko ang lahat kanina," pag-amin ni Red.

Natigilan si Katherine at hinarap si Red ng kanyang mga luhaang mga mata.

            "Ang sama kong babae noon 'di ba? K-kaya ayaw ko ng balikan ang nakaraan. K-kasi sa tuwing naiisip ko ang mga ginawa ko sa kanya, dinidikdik ang puso ko Red. K-kasi sinayang ko 'yung pagmamahal na inalay niya sa'kin noon. Noong umalis siya patungong America, d-doon ko pa lang na-realize na.." kusang natigilan si Katherine. Atsaka siya tumitig sa mga mata ni Red. Malalim at tila inaarok ng binata ang kanyang kaluluwa sa mga tingin na iyon na puno ng pang-unawa, pagmamahal at pag-iintindi.

            "Na mahal mo na rin pala siya?" Si Red na ang nagsalita. "Si Nathan ang sinasabi mong first love hindi ba?"

Natulala si Katherine at kusang napayakap kay Red.

            "P-patawarin mo 'ko kung pinapaasa kita," hagulgol muli ng dalaga.

            "It's okay Katherine. I understand what you feel. And hindi mo naman ako pinapaasa, ako ang umaasa Katherine at handa akong maghintay at ipaglaban ang nararamdaman ko para sa'yo." Hinawakan ni Red ang magkabilang pisngi niya atsaka bahagya niya itong inalayo sa kanya. "Promise ipaglalaban kita kasama ng puso't kaluluwa ko, pangako 'yan."

            PAGKATAPOS ng paunang selebrasyon ay nagpahinga na ang lahat. Hindi na pa nagulat si Red nang pagpasok niya sa kanyang cabin ay naroon si Nathan. Alam naman din niya kanina pa na ito ang makakahati niya sa cabin. Nadatnan niya itong nakaupo at nakatanaw sa may labas sa malalaking bintana ng cabin at umiinom pa rin ng alak.

            Naupo si Red saka nagbukas din ng alak.

            "Bakit ka nagsinungaling sa'kin Nate? Bakit hindi mo sinabi noong unang makita mo si Katherine sa medical mission ay ikaw si Nathan na kakilala nila?" Sunod-sunod na tanong ni Red pero mahinahon naman ang tinig.

Tinungga muna ni Nate ang bote ng alak.

            "Hindi mo maiintindihan Red." Sagot niya.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now