Chapter 22 Our Feelings

47 0 0
                                    

Ja's POV

Binalik na sakin ni Atasha yung diary, malamang nabasa na niya yon. andito ako ngayon sa park. umagang umaga. Maaga rin kasing umalis si Atasha for business matters nila. at ito ako ngayon nakaupo sa bench tinititigan yung diary. 

bakit ganito kahit titigan ko lang yung diary na to wala parin kong maalala. di parin bumabalik mga ala-ala ko? ganon na ba kalakas yung impact ng accident sakin at pati mga taong nakapalibot sakin hindi ko maalala.

di ko pa binubuksan yung diary ko.  di ko alam? feeling ko kasi masakit na ewan kapag nabasa ko na to. para bang moment of truth? ang saklap naman kung nabasa ko na yung diary tapos biglang wala parin diba. ang Epic Failed non -_-

habang nilalasap ko yung hangin, may nakita akong lalaki sa playground. sa swing to b exact. mukhang lonely siya. maaga pa kaya walang masyadong tao sa labas. 

kaya naman nilapitan ko yung lalaki, samahan ko na lang. malay mo new friend. hehe.

"Panyo?" sabi ko ng nakangiti. inooffer ko sa kanya yung panyo. He's familiar. I dont know lang kung saan ko nakita o na meet. oh well, my amnesia ko malay ko ba?

Tinitigan lang ako nung guy. kaya naman lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luha niya. tapos umupo ako sa katabi niyang swing. nakatingin kami sa malayo.

"Pati pala lalaki no, umiiyak. :D" sabi ko. ngumiti lang siya. pero mukhang weak smile. Ang gwapo niya infairness. haha!

"Ang aga aga andito ka na agad? Its unusual to see people here at this time." hirit ko ulit

"Ikaw, bat ka nandito?" sabi nung guy.

"Ako? Im feeling the morning breeze. Trying to reminisce every single detail from my memory. baka may bumalik eh. hehe" sabi ko pero nakatingin parin sa malayo. ngumiti ulit yung guy. kaya napatingin ako sa kanya. ang cute niya magsmile.

"You remind me of someone I used to know... hehe... kaso I cant remember eh kung sino siya. I had an accident and almost all my memories fade away. ang masaklap may mga memories akong naalala pero yung mga tao involve wala. di ko maalala. but then Im still trying to remember. :D" 

"Im sorry, Im sorry for everything..." yan lang ang sinabi niya. nakatungo na siya. bat bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib. na parang may kirot. tapos tumitibok na yung puso ko ulit. hindi ko maintindihan.

"A-a-ahh, you dont have to say sorry, wala ka namang ginawang masama eh. :D"

"Uhmmm, bakit ka pala umiiyak?"

"Kasi ako yung rason kung bakit nasaktan ng sobra ang taong mahal ko. Kasi ako yung rason kung bakit nawala lahat ng importanteng ala-ala sa kanya. Im the reason why, she feels pain for not remembering everything... Im sorry.." sabi niya.

"Talaga? Wala akong masabi kasi hindi ko maalala kung nainlove na ko o hindi. pero ang tanging naalala ko there's this guy na laging dumadating unexpectedly at the most unexpected place just to save me. that's what I thought. Lagi niyang pinaparamdam sakin na Im never alone and Im always safe kapag nandiyan siya...pero may time na naramdaman ko rin na hindi pala ako yung mahal non. kasi parang nakikita niya lang sakin yung tunay niyang mahal parang ganon? hindi ko na maalala... hehe.." naluha ako bigla. bakit nararamdaman ko yung pain. pero wala parin akong maalala. walang clear memory sakin. na parang panaginip ang lahat. 

"If only I can save you from your misery..." bigla niyang sinabi. *dug dug dug* why does it feels like my heart beat so fast na kulang na lang matanggal ito from its place @.@ epekto ba to ng mga gamot na tinetake ko o ng pagkawala ng memory ko?

"If only I can make you feel safe from my side again..." hirit niya ulit. bakit ganon. parang apektado ako sa mga sinasabi niya.

"Ano ka ba, mmadrama rin pala ang mga lalaki. hahahaha!! Im Janine Fuego by the way, you are?"binasag ko na yung seriousness. yung puso ko kasi ayaw paawat.

Dear Diary (A New Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon