Chapter 10.2 Definition of Love (Krisha and Dence Love)

59 0 0
                                    

Ja's POV

Andito parin kami sa office ni Ate Krisha. Pinag-uusapan namin kung anong mangyayari sa Party. Isa ko sa mga coordinator eh. Haha! Matapos nila ko ihot seat ayon serious mode naman.

Ako ito nagsusulat ng mga list ng mga attendees and stuff.

"Ate Krisha? Kamusta na kayo ni Kuya Dence?" bigla kong natanong. Nagweak smile siya. 

"bat bigla mong natanong?" 

"wala lang Ate, di na kayo madalas magkasama tapos iniiwasan mo siya everytime lalapit siya sayo? Ano na ba nangyayari?" tanong ko kay Ate Krisha. Umalis sandali si bestie kaya one on one kami ni Ate Krisha. Ako na ang matanong.

"ah yun ba? Ayoko lang kasi mainvolve na sa kanya. Alam mo yung feeling na sigurado ka na nafall ka na sa kanya. Everytime makikita mo siya puso mo nagwawala. Tapos di mo alam gagawin mo kapag andyan na siya. Merong butterflies sa stomach. Haii. Ito naman ako tanga, tinulungan ko pa siya manligaw."kwento ni Ate Krisha. Aww. Nasasaktan siya, talagang gusto niya si Kuya Dence.

" ganon pala yung feeling kapag inlove? Pero bakit tinulungan mo siya manligaw eh diba gusto mo siya?" curiosity kills. Nainlove na ko noon pero syempre iba parin kung magtatanong chaka yung akin playtime, joketime at not serious kagaya ni Ate Krisha

" kasi, matalik na kaibigan ko siya. Kasi mahal ko siya. Di ko naman gagawin yun kung hindi siya mahalaga sakin. Kasi kapag mahal mo isang tao, gagawin mo lahat para maging masaya siya kahit na hindi sa piling mo." ngumiti siya. Sweet smile.

"Ganon pala yon?aww. Looks like you really like your bestfriend. Sana naririnig niya ngayon. Sarap batukan ni Kuya Dence, kasi naman di ka niya nakikita. Kaasar. Pero ill support you ate. " 

*Silence* 

*tok tok* 

"oh ito food girls"bungad ni Atasha

"san galing?"tanong ko

"dala ni Kuya Dence. Binigay na lang niya sakin. Tapos umalis na?" confused na mukha ni Atasha

"hala, ate, di kaya narinig niya usapan natin?...sorry ate." hala naguilty naman ako di ko alam na maririnig kami. Disaster talaga ko.  

"ano ka ba Ja, okay lang. At least kahit pano alam na niya. Siguro nga need ko na rin harapin siya. :D i can do it! ;)  bestfriend ko yan eh." sabi ni Ate Krisha at umalis na. Tsk. Disaster Janine.  

Krisha's POV 

*tug tug tug tug* sabi ng puso ko. Narinig kami ni Dence? Siguro ito na rin yung right time para kausapin ko siya. Sayang ang friendship. At least binigyan ako ng courage ni Janine.

Pagkalabas ko...

*Takbo dito, takbo doon*

*Hanp dito, Hanap doon* "Dence, asan ka ba?" bulong ko sa sarili ko. pagod na ko eh. di ako physically fit.

"James, nakita mo ba si Dence?"

"Si kuya Dence? Uhmm pumunta ata sa may likod ng clubhouse. Yung garden place don. Haha. Fave spot niya yon."- James

"ah thanks James." at dali dali naman akong pumunta don. fave spot niya yon? ba't di ko alam?

Tama nga andito siya. Narinig kaya niya? 

" D-Dence?ehem. Uhmm. Ano ginagawa mo dito?" nanginginig pa boses ko. Ano ba yon. 

"Krisha?" sabi ni Dence

*tug tug tug tug* hala natetense ako.

"ano ginagawa mo dito?" dugtong niya. Kaloka ha. Akala ko naman kung ano. Wooh! 

Dear Diary (A New Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon