Chapter VIII: The Princess is Missing

40 2 0
                                    

[Hunter's POV]

"babalik na tayo ng Manila. 10 AM tayo aalis kaya ihanda niyo na yung mga gamit niyo" pag0aanunsyo ko.

"Akala ko hanggang bukas pa tayo?" tanong naman ni Kio.

"Sana. Kaso nakausap naman na natin si Apollo, so wala na tayong business dito. Tsaka isa pa, wala na tayong oras. Kailangan mahanap na natin yung iba" sagot ko.

"Alam mo ba kung saan sila hahanapin?" tanong naman ni Orion.

"Hindi. Pero malakas yung loob ko na nasa paligid lang natin sila. Kung titignan natin yung pattern kung pa'no tayo nahanap ni Luna, para bang sinasadyang dalhin tayo sa kanya" paliwanag ko.

"Una, ikaw Orion. Ikaw yung unang nakilala nila Luna nung dumating sila ng Earth. Of all people na makikilala nila, ikaw pa na kasama sa mga hinahanap nilang may taglay na simbolo. E' kung nag hiniling lang naman nila sa ulap ay isang mabait na tao, madami namang mabait sa earth" dagdag ko pa.

"Oo nga, yung pagkakahanap din kay Kio sobrang unexpected. Unang ikot pa lang namin sa paligid ng lugar namin, nahanap na namin siya" sagot naman ni Orion.

"Pati yung pagkakahanap sa akin ni Luna at kay Apollo. Para bang sinadyang hindi tayo paglayuin lahat para madali tayong mahanap kapag kinailangan na" sagot ko pa.

"Yun din ang hinuha ko. Marahil ay na-plano na ito ng Reyna bago pa naganap ang mga nangyari sa nakaraan. Noong nasa palasyo pa ako, laging sinasabi sa akin ng Reyna na inihanda niya na ang lahat para kay Luna" dagdag pa ni Rigel.

"So ibig bang sabihin madadalian lang si Luna sa misyon niya?" tanong ni Kio.

"Oo. Kung madali niyang makukumbinsi ang lahat" nakangiting sagot ko.

"Basag na, kay Apollo pa lang e" natatawang sabi ni Orion.

"Well... in regards with Apollo, nagka-usap na kami" huminga muna ako ng malalim. Halata kong halos tumigil ang oras nang tignan nila ako at nagaabang pa sa mga sasabihin ko.

"He's not coming with us'" paninimula ko. Nakita ko naman ang lungkot sa mata ni Luna, at pagka-dismaya sa mata ng iba.

"Pero guys, don't loose hope. He's not coming with us for now" dugtong ko.

"Sabi niya kailangan niya munang mag-isip. Madami pa din siyang kailangan asikasuhin since meron silang tournament next month" nakangiting sabi ko pa.

"Malabo yan, Hunter. Aalis pa siya so kailangan nanaman natin mag-set ng araw para maka-usap siya?" sabi naman ni Orion.

"I know. Apollo is my bestfriend since the day we're found. Knowing him, natatakot lang yun but what he said actually means yes. Magugulat na lang tayo, dadating na lang yun bigla. Don't worry we got him" tinignan ko si Luna para bigyan ng Assurance and it fluttered my heart when she smiled.

[Rigel's POV]

"Handa na ba lahat?" tanong ni Hunter. Natutuwa ako na sa kanilang apat na nahanap na namin, merong tulad ni Hunter na maasahan at may malawak na pang-unawa. Tila ba nakikita ko sa kanya ang kapatid ng aking Ama.

"Handa na po, boss" sagot naman ni Kio at Orion ng sabay at tumatawa pa.

"Baliw! Tawagin niyo na si Luna para makaalis na tayo" sabi muli ni Hunter.

"Aye, Aye, captain!" sagot ni Orion nang may pagsaludo pa.

Si Kio at ako naman, nagtungo na sa Van para ilagay yung mga gamit namin. May tinitignan lang din sa makina si Hunter at makaka-alis na kami.

"Uy wala ata si Luna" may pailing-iling pang sabi ni Orion ng lumabas siya mula sa bahay.

"Panong wala? Baka di ka lang narining. Di naman umaalis yun basta-basta" sagot ni Kio.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rise of BlissWhere stories live. Discover now