Chapter II: The Fall of Bliss Kingdom

56 2 0
                                    

Malayo pa kami ay narinig na namin ang di pangkaraniwang sigaw mula sa loob ng palasyo. Agad kaming tumakbo papunta doon ng harangin ako ni Rigel.

"Dito ka lamang prinsesa" pigil niya sa akin.

"Ngunit anong nangyayari?" tanong ko.

Hindi siya makasagot at tila ba hindi alam kung saan hahanapin ang paliwanag na sasabihin niya sa akin hanggang sa isang mandirigma ang tumilapon sa aming harapan.

"Rigel!" sigaw ko sa pagkabigla. Agad namang bumunot ng espada si Rigel at kinalaban ang ilang mga di kilalang tao na palapait sa amin.

"Prinsesa, humawak ka lang sa akin" utos niya habang papasok kami sa loob ng palasyo. Bawat daanan namin ay mga kalaban na nais kaming paslangin. Lahat sila ay tinalo ni Rigel ngunit abala din ako sa pagsuri kung nasan si Ina at Ama.

"Iligtas niyo ang prinsesa!" narinig kong sigaw mula sa isang babae, ang aking Ina.

"Ina!" sigaw ko. Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak sa akin ni Rigel at tumatakbo palapit kay ina..

"Luna!" narinig kong sigaw ni Rigel mula sa likod ko. Ngunit di ko siya nilingon, ang nais ko ay malapitan si Ina.

"Ina!" sambit ko ng dumulog ako sa harap niya. Kitang-kita ko ang dugo na umaagos mula sa kanyang tagiliran na siyang nagpadaloy ng luha ko.

"Umalis ka na anak, pakiusap" pagmamakaawa niya.

"Ngunit paano kayo ni Ama?" tanong ko habang tuloy ang pagbalong ng aking luha.

"Ang mahal na Hari!" sigaw ng isa sa mga mandirigma. Sinundan ko ang direksyon kung saan sila tumakbo at nakita ko si Ama na nakikipaglaban sa isang tao na may itim na kasuotan. Natatakpan ang kanyang mukha at may hawak siyang espadang tila apoy.

"Luna!" sambit ni Rigel ng makarating siya sa tabi ko.

"Rigel, ang aking Ina" habang pilit ko itong binubuhat. Gumawa naman si Rigel ng pananggalang para sa amin habang tinutulungan ko si Ina.

"Rigel, iligtas mo ang prinsesa. Siya ang natatanging susi upang ganap na mapayapa ang Bliss" pakiusap ni Ina dito.

"Ngunit di ka namin maaring iwan, Ina" humahagulgol na sabi ko.

"Umalis na kayo Luna, pakiusap. Iligtas mo ang ating planeta" may dumaloy na ding luha mula sa mga mata ni Ina. Kita ko ang sakit na iniinda niya mula sa mga sugat na natamo niya.

"Halina mahal na Reyna, ilalayo ko kayo dito ng prinsesa" pilit binuhat ni Rigel si Ina, ngunit tinabig siya nito.

"Salamat sa inyo, ngunit mas kailangan kayo ng planeta natin." may ikinukumpas si Ina na di ko maunawaan.

"Rigel, bilang iyong Reyna, pangalagaan mo ang aking mahal na prinsesa at tulungan sa misyong nakatakda sa kanya" nakita ko namang yumukod si Rigel upang tanggapin ang utos.

Hindi ako makagalaw habang patuloy ang aking mga luha sa pagbuhos.

"Mahal na mahal kita anak. Punan mo ang itinakda sayo ng propesiya at magbalik ka upang iligtas ang iyong mahal na nasasakupan" sa sinabi ni Ina, nakaramdam ako ng basbas na yumakap sa akin na lalong nagpabalong ng luha ko.

"Kailangan na nating umalis, kailangan na kitang ilayo dito" hinawakan ni Rigel ang kamay ko.

Muli kong tinignan si Ina, "Babalik ako Ina, pangako 'yan"

Tumango naman siya bilang pagkilala sa aking pangako, muli ay nilingon ko ang direksyon ni Ama at labis na nadurog ang puso ko. Si Ama, nakahiga tanda ng kanyang pagkatalo at isang espadang nag aapoy ang nakatarak sa kanyang puso. "Patawad, Ama ko" bago tuluyang napaloob kami ni Rigel sa dilim at kawalan.

Rise of BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon