CHAPTER V: The 4th Symbol

34 2 0
                                    

[Luna's POV]

Ilang araw na din ang nakakalipas pero hindi pa namin natatagpuan ang iba pang may taglay ng simbolo. Si Orion naman hindi na inungkat yung pagkakaron niya ng kapangyarihan.

"Wow ang gwapo talaga ni Hunter" parang teenager na kinikilig si nanay Nessa habang nanunuod ng T.V.

"Sino po yan?" patungkol ko sa lalaking pinapanuod namin.

"Sikat yan dito sa bansa natin, Luna. Sobrang galing din naman kasi niyang batang yan umarte." pagbibida pa ni nanay Nessa.

Sinuri ko ang lalaking pinapanayam sa T.V. at napakakisig nga nito.

"Oo nga po. Makisig siyang pangit" pagsang-ayon ko.

"ha? Hindi siya pangit. Makisig nga siya 'di ba?" takang tanong ni nanay Nessa sa'kin.

"Sabi po ni Orion ang tawag kay Rigel ay pangit, at ako ay maganda. Kung gayon, ang ginoo sa planeta niyo ay tinatawag na pangit. Hindi po ba?" pagkukumpirma ko, nguit bigla lang siyang natawa.

"Loko-loko talaga yung anak ko. Ang ginoo, ang tawag dun lalaki. Ang binibini/ginang babae. Ang marikit, maganda. Ang makisig, gwapo, at ang pangit ay insulto. Ibigsabihin hindi kanais nais ang itsura mo pag sinabihan ka ng pangit" natatawang paliwanag ni nanay Nessa. Nakaramdam ako ng pag-init ng aking pisngi. Kung gayon ay nilinlang ako ni Orion?

"Hindi ko alam bakit nagawa sa akin ni Orion ito. Mabuti na lang ay wala pa kong ibang pinagsasabihan ng pangit, kung hindi pala ay makakapang-insulto ako nang di ko sadya" inis na sabi ko.

"Kung may kapangyarihan lang ako, palulutangin ko siya ng pabaligtad para magtanda" dagdag ko pa.

"Wag mong seryosohin yun, Luna. Nagbibiro lang yung batang yun at ganun talaga yung ugali nun e'. Hayaan mo at pagsasabihan ko" pagpapalubag ni nanay Nessa sa loob ko.

"Siya nga pala, kung ikaw ang prinsesa, bakit wala kang kapangyarihan?" tanong niya pa.

"Hindi ko din po alam. Ikinalulungkot ko nga ang bagay na yun dahil wala man lang akong silbi sa kaharian namin" malungkot na turan ko. Bumabalik nanaman sa alaala ko na baka isa akong sumpa.

"Alam mo anak, may mga bagay talaga na hindi natin maiintindihan pero siguradong may dahilan kung bakit. Tulad nalang ni Orion, hindi ko alam kung bakit siya dumating sa buhay ko kung kukunin din naman pala siya sa'kin. Pero ngayon parang alam ko na" umakbay sa'kin si nanay Nessa at nginitian ako.

"Bakit po?" takang tanong ko.

"Bago kasi dumating sa buhay ko si Orion lagi kong iniisip na dapat na kong mamatay. May sakit ako sa puso, wala na kong pamilya, naloko pa ko ng lalaki tapos hindi ako tapos sa pag-aaral. Napakawalangkwenta ko. Laman pa ko ng mga bar at sugalan. Pero nung dumating si Orion nagbago ako. Naisip kong magsikap para sa sarili ko, at para sa anak ko. Nagkaron ako ng direksyon sa buhay sa pag dating niya. Ngayon naman na kailangan na siya ng totoong pinagmulan niya, kailangan ko na siyang ibalik kasi tapos na yung misyon niya sa buhay ko. Nailagay niya na ko sa tamang landas" nakangiting sabi niya sa'kin. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Nang makita ko si Orion, alam kong may kakaiba sa kanya. Alam kong espesyal siyang bata" dagdag pa niya hanggang sa may biglang yumakap mula sa likod niya.

"Ang drama talaga ni Nanay" si Orion yun. Hindi man lang namin namalayang dumating na ito kasama si Rigel galing sa palengke.

"Nandyan na pala yung pinakagwapo kong anak" paglalambing ni nanay Nessa sa anak na si Orion.

"Wala ka namang ibang anak kundi ako lang haha" sagot ni Orion.

"Sige na nga, magluluto na ko" tumayo na si nanay nessa at kinuha ang pinamili nila Rigel.

Rise of BlissWhere stories live. Discover now