WIZARD?! SPELLCASTER?!

3.7K 63 8
                                    

So here goes the next chapter, sana vote and comment kayo. Ang hindi nag-vote and comment, isa lang sasabihin ko.

MADAMOT! XP

Haha, sana magustuhan nyo ang chapter na 'to.

This chapter is dedicated to her, sana magustuhan nya. =) GORA!

Love, love, love!

@KathNiel143

-----------------------------------------------------------------------------------


=Daniel's PoV=

Nakikita ko na yung bahay namin, may nakailaw na lampara sa loob, baka nga nauna na sa 'kin si Olivier. Tagal ko kasi kina Mira Kulelat eh. Tss, nakakatuwa. Napapangiti nalang ako sa sarili ko at napapailing-iling. Naaaliw na talaga ako sa mundong 'to. *sigh*

Nakapasok na ako sa loob ng bahay, *smirk* andito na nga si Olivier. Nagkatinginan lang kami pagkapasok ko sa pinto, he just gave me a "san-ka-nanggaling" look.

"Dun lang kina Mira K. Nadaanan ko kasi yung play nila." ang sagot ko sa kanya.

"Ah, naaalala mo sila?" Olivier.

"Pinaalala lang." sabi ko sabay ngiti. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang nagsalita ulit si Olivier.

"Kilala mo ba yung kausap mo kanina sa parada?" ang tanong nya sa 'kin na may halong ewan.

"Sino dun? Si Caren o si Mei?" ako.

"Yung isa, si Mei."

"Ah, oo. Kilala ko sya, kwela nga kausap nun eh. Bakit?"

 

"No, I mean, do you really know her? Don't you remember her or something?"

 

"Bakit nga?" nagagalit na ako, pinapa-suspense pa kasi ng ugok na 'to eh.

"Dude, she came from a family of witches! She's a WIZARD! A SPELLCASTER!" Olivier.

WHAT?! WIZARD?! SPELLCASTER?! BAKIT?! WHY?! PAANO NAGING GANUN?!

"Hindi ako naniniwala." yun nalang ang nasagot ko.

"Bro, hindi mo ba naaalala?"

 

"What do you mean? Have I met her before? She didn't tell m---"

"No! Maraming tao ng may nakakaalam na isa syang wizard! Isa tayo sa mga taong yun! Akala ko hindi totoo yung sabi nila pero nakita kita kanina, you were talking with her." pag-eexplain ni Olivier.

Bakit? Paano naging ganun? Ba't hindi sinabi ni Mei sa 'kin? Alam ko namang bago lang kami naging mag-kaibigan, pero bakit ganun? Ewan ko, nasasaktan talaga ako 'pag nalalaman kong nagtatago ng sikreto ang mga kaibigan ko sa 'kin. Bakit, kayo ba? Hindi? Ang sakit kaya nun. =(

"Tulog na ako." ang sabi ko habang nakayuko at pumuntang kwarto ko. Haaay. Bakit? Bakit? Bakit?

Humiga na ako sa kama kong gawa sa kahoy, umiiyak ako. Bakit naman kasi ganun? Hindi ko talaga madaling natatanggap ang mga pabigla-biglang bagay. Akala ko pa naman magiging masaya na ako dito sa Canai, pero ba't ganun?

Napapisip nalang ako ng malalim dito sa kwarto ko. Hindi ako makatulog, iniisip ko parin si Mei. Kung bakit sya ganun? Akala ko kasi mabait sya.  Hindi naman pala. 'Lam ko judgmental ako, pero kayo ba? Hindi? =P

Nag-iisip lang ako the whole night hanggang sa sumikat na ang araw, wala akong tulog. Nag-iisip pa rin ako ng mga bagay-bagay. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang kumatok si Olivier sa pintuan ko.

"Bro, kain na!  Gishing ka na dyan!" tss, hula ko kumakain na 'to. Hindi naman ako gutom eh, hindi nalang ako sasagot.

 

"Bro! Bumangon ka na dyan! May training pa tayo mamaya uy! Gishing na dyan!" kinakatok pa rin nya ang pinto.

"Mamaya na!" sigaw ko sa kanya para tumahimik na. Tsss.

"Gishing ka naman pala eh! Ba't 'di ka shumagot kanina? Utot mo! Bumangon ka na, mapapashma ka. May training pa!" sasatsat pa eh.

"Oo na!" sagot ko. Pero hindi pa rin ako bumabangon, nag-isip muna ako ng saglit, hanggang sa humantong na ako sa isang desisyon. Bumangon na ako.

"I've decided."

---------------------------------------------------------

Pasensya na kung medyo maikli! =) Sana vote and comment pa rin kayo! LIBRE LAIT! =)

CommVo, be a fan, and spread my story! Pretty please? =)

Next Chapter: She Knew Everything?


10 votes, 5 comments! =) for the next chapter!

Hanggang sa next chapter ulit! =)

REMINDER: Fantasy lang po lahat ng 'to at gawa lamang ng cute na author ng librong binabasa nyo! XP

Love, love, love!

@KathNiel143

Forbidden Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon