He's So Dumb

3.8K 65 5
                                    

=Caren's PoV=

Maaga akong dumating sa camp kanina kasi alam kong palaging punctual sina Jack. Pagdating ko, si Olivier lang ang nakita ko. Huh?

Asan kaya si Jack? Ba't wala sya? Lumapit ako kay Olivier at tinanong sya kung asan si Jackson.

"Ha? Sya ba? May quest sya eh, tatlong araw syang mag-aabsent." ang sagot sa 'kin ni Olivier.

"Talaga? San naman ang quest na yun?" ako.

"'Di ko alam eh, sorry." sabi nya sabay kamot ng ulo nya.

"Ah, ganun ba? Sige." badtrip naman, akala ko makakausap ko sya. Hmp!

Lumapit ako kay Chief Don na magpapahangin lang ako sa may gubat, babalik rin naman ako. Pagkadating ko dun, may nakita akong lalaking nakatalikod. Kilala ko yun ah?

"Jack!" tinawag ko sya, tapos tumakbo ako papunta sa kanya, blangko lang ang mukha nya.

"Uy, Caren. Anong ginagawa mo dito?" sabi nya sabay kamot ng ulo nya. Ewan ko, baka may kuto?

"Kasi sinabi ni Olivier sa 'kin kanina na mag-aabsent ka for three days, may quest ka daw. Pagkalaman ko nun, nalungkot ako." nalungkot naman talaga ako eh. Crush ko kaya si Jack.

"Oh? So?" ha? Ganun? So? Ang harsh naman ng taong 'to. Hindi nakaka-appreciate ng pag-aalala. Tsss.

"Kaya pumunta ako dito para magpahangin, nagpaalam ako kay Chief tapos pumarito na. Tapos nakita kita." ang sagot ko, I noticed my eyes were sparkling when I said the last part.

"Ah. Sige alis na muna ako." aalis na sana sya, pero hinawakan ko ang balikat nya at pinigilan sya.

"Jack may sasabihin lang ako." kailangan ko ng magtapat sa kanya, dapat na nyang malaman.

Umayos sya ng tayo at humarap sa 'kin.

"Ano yun?" ang tanong nya with a questioned face.

Hindi ko alam, kinakabahan ako. Sasabihin ko ba? Wag nal-- Ay hindi! Kailangan kong gawin 'to. Niyakap nya ako, napaatras sya ng konti, parang nagulat sya. Hinawakan nya ang mga balikat ko, akala ko yayakapin nya ako pabalik, pero pinakalas nya ako sa pagkakayakap ko sa kanya, then I saw his face. He was confused.

"Mahal kita, Jack." nasabi ko na, I felt relieved. Pero as seconds went by, wala syang sinagot. I felt my face frown. Then my sight became blurry, tinutusok ang puso ko. Maluluha na yata ako.

"Hindi mo ba ako mahal, Jack?" hindi ko alam, naiinis ako dahil hindi sya sumagot, ramdam kong tutulo na ang luha ko. Aish! Traydor 'tong luhang 'to.

"I-I'm sorry, Caren." Jack.

Hindi ko na alam ang iisipin ko, pinagpalu-palo ko na lang sya, ewan ko pero galit ako! Madali naman akong mahalin!

"Ah! Aray! Ano ba?! Caren?" hindi ko na pinansin ang pagsisigaw nya, bahala sya! Galit ako sa kanya! Madali lang akong mahalin! Pero ba't sya ganun?!

Pinalu-palo ko lang sya hanggang sa nahawakan nya ang mga kamay ko. Bakas sa mukha nyang galit sya at pasabog na.

"Ano ba Caren?! Hindi ba malinaw sa 'yo na hindi kita mahal?! Ni gusto, wala ako nun sa 'yo! Wala!" napipisil na nya ang kamay ko, masakit yun. Pero mas masakit ang niraranas ng puso ko ngayon.

"ANG TANGA MO JACK! ANO PA BANG KULANG SA 'KIN HA?! MAYAMAN AKO, MAGANDA, PAMANGKIN NG HARI, MATAPANG, AT HINDI NAMAN AKO NAGING MASAMA SA 'YO AH? ANG TANGA MO LANG! PERPEKTO AKO JACK! PERPEKTO AKO!" sinigawan ko sya sa abot ng makakaya ng boses ko! Umiiyak na rin ako! Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Galit na malungkot na ewan!

Forbidden Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon