She Knew Everything?

3.9K 66 6
                                    

Hello! Heto na naman ulit ako! Natuwa ako sa comments and votes chos! Hahhaha.

 Dedicated to her, hope she'll like this update. =)

Sana enjoyin nyo ang chapter na 'to. =) CommVo kayo! And recommend nyo story ko ah? =))

---------------------------------------------------------------

=Daniel's PoV=

"I've decided." bulong ko sa sarili ko.

Humantong na ako sa isang desisyon. Bumangon ako at bumaba sa kama ko, pumunta ako sa wall at kinuha yung bag na gawa sa balat ng baboy-ramo. Binuksan ko yung aparador ko at kumuha ng dalawang pares ng pambihis.Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Olivier, kumakain sa mesa.

"Bro, shan ka pupunta?" napalingon sa 'kin si Olivier nung lumabas na ako ng kwarto. Hindi ako umimik. Pumunta lang ako sa mesa at kumuha ng isang malaki-laking bote ng tubig, tatlong mansanas, apat na saging, at dalawang oranges at inilagay lahat sa bag ko.

"Huy? Shan ka ba pupunta?" hinawakan ni Olivier ang bag ko. "Maglalayash ka? May amnesia ka pa ah?" ganun? So ano ibig nya sabihin dun? Okay lang na maglayas ako pero may amnesia pa ako? Kaya di muna pwedeng umalis? Ganon?

"Ulul!" sabi ko tapos binatukan ko sya. "Wala ka ng pakialam dun, gets?" tapos hinablot ko ang bag ko at lumabas na ng pintuan.

"Huy! Shan ka ba kasi pupunta? May training pa uy!" sumunod rin sya sa labas ng bahay.

"I'll be back in three days! Don't worry 'bout me. Ilusot mo na lang ako kay Chief, I'm counting on you! Thank you!" ang sagot ko, pero 'di ako lumingon. Narinig ko na lang syang nagmamagtok sa likuran ko, *smirk* bahala sya.

Nagtataka rin ba kayo kung san ako pupunta? Magka-camping ako. Joke! Hahanapin ko si Mei. I just wanna clear things up. And besides, if I've proven that she really is a wizard, then who knows, right? Maybe she can help me go back to the real world. I miss my family badly.

Call me desperate but I'm really going to do this. I just really need to. I'm sorry Olivier. Haay, so yun. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, from what I remember, Mei told me last night that she lives in the forest where I first met her.

So, that means, I just need to find her house, it could be here somewhere. Yep! Andito na ako sa gubat, andali noh? Nagkabayo kasi ako. =) Magaling na ako sa horses eh. Walang aangal. =P

Naghanap ako kahit saang sulok dito sa gubat hanggang sa nagtanghali na lang, hindi ko pa rin nahahanap si Mei o kahit man lang yung bahay nya. Aiiish! Asan ba kasi yun! Andito ako ngayon sa may emotional part ng gubat, 'lam nyo kung bakit emotional?

Kasi andaming trees, and napaka-dramatic ng atmosphere, napapikit ako nang umihip ang hangin. *sigh* Asan ba naman kasi yung Mei na yun? Tss, bakit hindi pa sya nagpapakita? Tingnan mo naman ako magreklamo, parang bisitang expected ng dadaluhan ko.

Lumingon-lingon ako sa paligid, wala eh. Kaya naglakad na lang ako habang kinakamot ang ulo ko sa inis. Eh, bakit ba kasi hindi ko pa nakikita si Mei? Baka naman panloloko lang nya yung sabi nyang nakatira sya dit--

Napatigil ako sa pag-iisip.

"Mei!" sigaw ko nang nakita ko syang naglalakad, yung suot nya, parang pang-mayaman pa rin. Pang-ancient.

"Huh?! Bakit ka nandito, Jackson Lee?!" sumbat nya sa 'kin nung nakalapit na ako sa kanya.

"'Kaw naman, gusto lang kitang makita." tapos ngumiti ako ng nakakaloko.

Forbidden Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon