I Just Don't Like Her

3.7K 64 11
                                    

=Daniel's PoV=

Mga hapon na rin nung nakarating kami ni Mei sa gubat, pagdating namin dun, napag-usapan naming maghiwalay.

Ewan ko lang dun, basta ang pinapahanap nya, undergrown pine trees daw, ewan ko ba kung san nya gagamitin. Sabi nya naman pang-inventory lang, pero I smellsomething fishy.

Halos nalibot ko na ang buong gubat, pero hindi pa rin ako nakakahanap ng undergrown pine trees. Eh kasi naman, nakalimutan kong tanungin sa kanya kung anong itsura nun.

Heto ako ngayon, nag-iisa. De joke, napapakanta na tuloy ako. Andito ako ngayon sa giliran ng gubat, naghahanap ako ng pine trees, diba nga?

"Uy! Ayun! Ang bait ni Lord sa 'kin, 'di ako pinahirapan. Akala ko buong buhay na ako maghahanap eh." kinakausap ko sarili ko, 'walang magtataka. Nananalaytay sa dugo ko ang pagiging baliw.

Nagsimula na akong putulin yung puno gamit ng itak na pinahiram ni Mei sa 'kin kanina.

"Jack!" huh? May tumawag sa 'kin. Napatigil ako sa ginawa ko at tumingin sa direksyon kung san nanggaling ang boses.

-___-

Kilala nyo kung sino?

"Uy, Caren. Anong ginagawa mo dito?" sabi ko habang kinakamot ang likod ng ulo ko. Kahit kelan, istorbo 'tong babaeng 'to eh. Hindi ba malinaw sa kanya na 'di ko sya gusto? Kaasar lang ha.

"Kasi sinabi ni Olivier sa 'kin kanina na mag-aabsent ka for three days, may quest ka daw. Pagkalaman ko nun, nalungkot ako." ha? Talaga? Bakit kaya? Ano namang paki mo kung mawawala ako ng tatlong araw?

"Oh? So?" ang harsh ko ba?

"Kaya pumunta ako dito para magpahangin, nagpaalam ako kay Chief tapos pumarito na. Tapos nakita kita." wow ha? Nagningning ang kanyang mga mata habang sinasabi yung

last sentence.

"Ah. Sige alis na muna ako." tatakas na sana ako pero hinawakan nya ang balikat ko, napatingin ulit ako sa kanya. Parang malungkot sya, malungkot dahil hindi na nya ako makakusap.

"Jack may sasabihin lang ako." seryoso nyang sabi.

Naging interesado naman ako kaya umayos ako at humarap sa kanya.

"Ano yun?" ako.

Nagulat ako kasi bigla nya akong niyakap. O.O Ganun lang? Yakapan? Hindi ko binalik ang yakap, ayoko kaya sa kanya. Duh? Inalis ko yung yakap nya sa 'kin. Binigyan ko lang sya ng "bakit-mo-ginawa-yun look."

"Mahal kita, Jack." O.O WHAT?! MAHAL?! AKO?! AT AKO PA ANG PLANONG GAWIN NG BABAE NA 'TO NA TRAYDOR SA HARAP NG BESTFRIEND/KUYA KO?!

Hindi ako nakasagot, tinignan ko lang sya straight sa mata. Lumungkot bigla ang mukha nya.

"Hindi mo ba ako mahal, Jack?" nanggigilid na ang mga luha nya sa kanyang mga mata.

Alam ko nakakaawa sya tignan kaya lumayo ako, kayo ba? Imaginin nyong someone as beautiful as Julia/Caren ang iiyak sa harap nyo? 'Di ba kayo maaawa?

"I-I'm sorry, Caren." yun nalang ang nasabi ko. Hindi ko pa rin binabalik sa kanya ang tingin ko.

Nagulat nalang ako nang bigla nya akong pagpalu-paluin.

"Ah! Aray! Ano ba?! Caren?" pinagpapalu pa rin nya ako, ang sakit lang ha. Napapaatras na nga ako eh. Ginawa ko na ring shield ang mga kamay ko.

Forbidden Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon