CHAPTER 7 ~ Miss and Stranger ~

172K 2.9K 250
                                    

CHAPTER 7

SKY'S POV

Nagising ako ng maramdaman ko na may kung anong bagay na pumalibot sa katawan ko. Napadilat ako ngunit wala akong makita dahil madilim ang paligid. Kilala ko ang katawan ko kaya alam kong hindi na gabi at kanina pa tirik ang araw.

Sanay akong gising sa gabi at tulog sa umaga. Sa katunayan dapat natutulog pa ako kung hindi lang dahil sa mabigat na bagay na nakadantay sa akin. Kahit hirap ay nagawa kong iikot ang katawan ko upang humarap sa kabila kong side. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng maaninag ko kung sino ang nasa tabi ko.

Si Shomba? Sadako? The grudge? Mama? Worst. Si Adonis.

My mind race with the possibilities. Did he get me drunk and rape me? Hmm. I don't think he's into that stuff. At hindi "rape" ang kalalabasan ng pangyayari for sure.

Pilit na inalala ko ang nangyari kagabi. Mula sa pakikipaglaro ko sa mga kabataang walang magawa sa buhay hanggang sa pagkakakulong ko. Naalala ko din ang pakikipaglaro ko ng tong-its sa mga preso sa bilangguan. Naalala ko din na sinabihan ko ang head chief ng pulisya na kapag napalaya ang mga ito ay bigyan ng trabaho. Ibinigay ko sa kanila ang telephone number ni Dawniella.

Sigurado naman akong mahahanapan niya ng marangal na trabaho ang mga presong iyon. Hindi naman talaga sila masasama. Hindi siguro tamang ikatwiran pero biktima lang sila ng kahirapan ng buhay. Nasa kanila na ngayon kung sisirain nila ang oportunidad na inalok ko sa kanila.

Then I remember Adonis bailing me out. Hindi naman siya mukhang galit. Pero mukhang nakukunsumi na din siya sa akin. Sumakay kami sa sasakyan niya at iyon na ang huli kong naalala. Siguro sa sobrang pagod nakatulog na lang ako bigla.

"Adonis, get off me. Hindi ako makahinga."

Mukhang tinupad talaga ni Adonis na matutulog ako sa tabi niya kapag nakita niya akong may kasamang ibang lalaki. I guess punishment ko to ng makita niya kami sa Paige's. Though I can't see what's wrong with it. Hindi naman kami committed ni Adonis sa isa't-isa. Ewan. Ang gulo talaga ng taong to.

"Adonis."

Nanatili siyang tulog. Napabuntong-hininga na lang ako. Ito ang rason kung bakit kahit kailan ay hindi ako tumatabi sa kahit na sino maliban sa mga kapatid ko. Ayoko ng naiipit ako. Nang tumira ako sa ibang bansa solo ko ang pagkalaki-laki kong kama. Iyon nga lang puno iyon ng mga unan na sa pagtulog ko ay kung saan-saan ko lang nasisipa.

"ADONIS!"

He uttered a groan and moved away from me. Nakahinga ako ng maluwag at umupo. "Ang aga-aga ang ingay mo."

"Iniipit mo ako." naninigkit ang mga matang sabi ko sa kaniya.

"I was hugging you."

"Iniipit mo ako."

"I didn't."

"Walang pakielaman. Basta para sa akin naiipit ako. Kapag ganitong gutom ako wag mo akong iniinis at baka gawin kitang instant noodles diyan."

He opened one eye and looked at me. He brushed his hair off his face with his hands. Napakagat-labi ako. Wala na bang bagay na hindi magandang tignan sa taong to? Magkakasala ako kapag lagi ko siyang tinitignan.

Akmang tatayo na ako pero pinigilan niya ako sa braso. Bumagsak ako sa ibabaw niya na ikinasinghap ko.

"Ano ba-"

He kissed the tip of my nose. "Good morning, Miss."

Napanganga ako ng humiwalay siya sa akin at tumayo. Agad na nag-iwas ako ng tingin ng nakita kong naka boxer shorts lang siya. Ibinalik ko lang ang tingin ko sa kaniya ng makita kong sinuot na niya ang shirt niya. Naglakad na siya papunta sa pinto at lumingon lang sa akin uli nang tawagin ko siya, "Hey, stranger! Care to tell me where am I?"

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon